Never
Pagkatapos ng saglit na kwentuhan at kainan ay napagpasyahan na ng magulang kong umuwi , si Sam ay pinilit sina mama at papa na dito ako matulog ngayong gabi dahil miss na miss nya daw ang bestfriend n'ya. Madami daw s'yang iku-kwento sakin at dapat ganon din ako sa kanya. Napairap nalang ako sa pangungulit n'ya kayna mama at papa na ikinatuwa ng mga ito.
Nagmadali kaming umakyat ng makaalis sina mama at papa. Sabik na sabik ang isang to sa kuwento ko na naipon sa loob ng dalawang taon.
"don't hurry to much Samantha, hindi kita tatakasan" pataas kilay kong litanya at tapik sa kamay n'yang humihigit sakin. Napapout naman s'ya at mabilis na nagpacute sakin.
umirap ako habang natatawa at pailing iling pa sa inasta n'ya. Sanay na talaga sa pagtataray kong ugali ang bruha. Napangiti ako ng seryoso bago sumunod sa kwarto n'yang halos kulay pink ang laman. Ansakit sa mata ng neon pink na kisame n'ya.
"So kamusta ang france?" Agarang tanong n'ya ng makalapat ang katawan ko sa kama n'ya.
"Its fine," walang ganang sagot ko bago bumaling sa side table n'yang may tatlong picture frame.
Ang isa ay noong mga maliliit pa kami --, grade 6
Nasa gitna kami ni Sam habang ang nasa dalawang gilid namin ay ang kambal n'yang kuya. Si Siel ay akbay si Sam habang parehas nakamalawak na ngiti ang dalawa. Sa banda ko naman kung saan katabi ko si Sinn ay parehas kaming naka poker face, ang nakakatawa lang sa litratong ito ay seryoso akong nakatingin sa mukha n'ya habang s'ya ay seryosong nakatingin sa camera.
Grade 6 kami n'yan ni Sam, samantalang nasa parehong grade 8 ang magkapatid. Ito ang kauna-unahang picture ko kasama sila , dahil itong araw sa larawang ito ang araw kung kelan ko tinanggap si Sam bilang kaibigan.
"Hoy Samantha ! Anong ginagawa n'yang babaeng yan dito?" napataas ang kilay ko sa binungad ng kuya n'yang nakabusangot ang mukha dahil salubong ang makapal subalit mapormang kilay ng kanyang kuya.
"Ano naman sayo ngayon kuya ? Kaibigan ko na sya ! BESTFRIEND for your information," bulalas ni Sam sa kuya n'ya at hinila ako papasok sa mansyon nila.
Nilingon ko ang nakatiim bagang na kuya n'ya at binelatan ito. Nalaglag ang panga n'ya sa inasta ko at paniguradong umusok ang ilong n'ya sa pagkayamot.
Hahaha . Buti nga sa kan'ya ! napaka sama naman ng kuya ni Sam, napakalayo sa ugali n'ya.
Naglalaro kami noon ni Sam sa sala ng bumaba yung masama n'yang kuya , may kasamang syang gwapong lalaki , actually parehas talaga silang gwapo dahil hindi ako bulag para di yon mapuna at hindi ako tanga para magbulagbulagan pa , pero di gaya n'ya halatang mas mabait itong isa.
Mula sa pagkakaporma ng kilay nila , si Sinn ay halos palaging magkasalubong dahil sa pagsusungit nito na ekspresyon.
"Hi pretty ! I'm Siel and you are?" napataas bigla ang kilay ko sa pambungad na bati nung gwapong kasama ni sungit. S'ya nga't tama ako na hindi sila magkaugaling dalawa. Mabait itong isa ngunit mapanganib. Tsk . Playboy.
Inirapan ko lamang s'ya at binaling muli ang atensyon ko kay Sam na may kinakalikot na ngayon sa iPod n'ya.
Narinig ko ang mahinang hagikhik nung masama at bahagyang pag 'what the--?" nung playboy. Wala akong intensyon maging close silang dalawa . Like , ew !.
BINABASA MO ANG
A Witch Tale
RomanceEvery queen have their king , every beauty have their beast . But does a witch deserves a prince?. ( ongoing: update-friday/saturday )