𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 𝖙𝖜𝖔

56.2K 1.9K 1.2K
                                    


2: 𝕿𝖍𝖆𝖙'𝖘 𝖆 𝖙𝖗𝖆𝖕
-

"Listen!" Kasalukuyan akong nasa lobby ng dorm, katabi ko ang antipatikong si Zayden at napapalibutan kami ng mga estudyanteng nags-stay dito sa dorm. Noong una ay nagtataka pa ako kung bakit lalaki ang dorm president, iyon pala ay mixed student ang naritoㅡCoed. Well, what's the purpose of that?

"This bitch here will be our new dormmate." Pagpapakila sa akin nito. And for pete's sake! Can he stop calling me bitch? Baka hindi ako makapagpigil at makapatay ako ng wala sa oras. Huminga na lamang ako ng malalim at tinignan ang mga taong nasa harapan.

"Hi, I'm Zaylee Ashvier. Nice to meet you." Ngumiti ako ng malawak para ipakita sa kanila na masaya akong makita sila ngunit tinignan lamang nila ako na para bang anong mang oras ay papatayin nila ako. Ang iilan ay parang natatakot, ang iba ay mukhang nag-aalala.

What's wrong with them? They didn't even care to welcome me, bigla na lang silang nagsialisan. Masiyado ba akong demanding at inasahan ko talaga na sisigaw sila ng "Welcome!" O sadyang wala lang talaga silang pakialam sa akin?

Sinundan ko lamang sila ng tingin habang isa-isa silang lumalabas ng dorm. It's almost 8:00 p.m, saan naman kaya pupunta ang mga iyon?

Nang buong akala ko na ako na lang ang tanging natitira rito sa ibaba ay may bigla na lang akong naramdamang presensya. Lumingon ako sa paligid ngunit walang kahit na sino ang narito maliban sa akin. Just now, I feel someone's behind my back. Hindi ako pwedeng magkamali.

"Hey." Tawag ng lalaking kabababa lang ng hagdan. Itinuro ko ang sarili ko para makasiguradong ako nga ang tinatawag niya. "Aren't you going to eat? It's dinner time."

"Ah

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ah.. Kaya ba sila lumabas? Hindi ako na-inform." Sabi ko at nagsimula na siyang maglakad palabas kaya awtomatiko akong napasunod. I guess he's different from the others, siya lang kasi ang kauna-unahang kumausap sa akin ng matino. Unlike Zayden.

"Every 8:00 p.m nagbubukas ang food park. Karamihan ng estudyante ay doon kumakain tuwing gabi."

"So totoo nga ang nakalagay sa website?" Tanong ko nang tabihan ko siya sa paglalakad. Medyo madilim na sa campus at ang mga poste ng ilaw na lang sa gilid ang nagsisilbing liwanag sa daan.

"You're also a victim?" Tanong niya na bahagyang nagpakunot sa noo ko. What is that supposed to mean? Bago ko pa man itanong ang nasa isip ko ay nagsalita na siya ulit. "That's a trap. Although legit lahat ng nakalagay sa website."

"I don't understand what you are saying." Huminto siya sa paglalakad at saka humarap sa akin, dahilan para mapahinto rin ako.

"Ginawa ang website na 'yon para marami silang makuhang estudyante. Ofcourse, karamihan ng makakakita sa website ay gugustuhing mag-aral dito especially yung mga rebels, gangsters, bad kids at mga patapon ang buhay."

"Sorry, hindi ko ma-gets yung logic. Can you just go straight to the point? Walang laman ang tiyan ko kaya hindi ako makapag-isip ng maayos."

"This school isn't normal. Every week ay may namamatay. This is just a piece of advice, never trust someone inside this school. Lahat sila ay gagawin ang lahat para mabuhay." Tinalikuran na niya ako at nagpatuloy sa paglalakad. Kibit balikat na lamang akong sumunod sa kanya.

Crudelis University: Game of death.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon