5: 𝕹𝖔𝖙 𝖙𝖔𝖉𝖆𝖞
-Zaylee’s POV
Kasalukuyan akong nakatutok sa laptop. Hindi ko alam kung bakit biglaan na lang nag-ayang mag-transfer sila Zoe at Zilyn kahapon. Gaya nga ng sabi ko, madali akong kausap kaya wala talaga akong angal doon but the problem is ayokong magmukhang duwag. Kung tutuusin, kaya naman naming makipagsabayan kung patayan lang naman ang usapan, pero kaya nga kami umalis ng mansion at nagpunta sa lugar na ito ay para magbagong buhay.
“So ano na?” Tanong ko sa mga kapatid. Through skype lang kami nag-uusap dahil mainit ang mata ng mga dorm president sa aming apat. “Can’t we just talk in personal?”
“No. Mag-lie low muna tayo.” Sabi ni Zoe.
“Okay, papatayin ko na ‘tong laptop, tinatawag ako ng isip batang si Levi. Bye.”
Nang mawala si Zel ay nawala na rin ang dalawa kaya sinara ko na ang laptop. Saktong pagtayo ko ay nakarinig ako ng isang sigaw. Agad akong lumabas at nagpunta ng lobby, only to see na may gulong nagaganap. Nakahandusay ang isang babae sa harapan ni Zayden habang nasa gilid ang ilang dormmates namin.
“What happened?” Tanong ko nang mapansing nasa gilid ko lang ang tahimik na si Luther.
“Punishment.” Kibit balikat na sagot nito sa akin.
“Swerte niya dahil nagalaw siya ni Ken pero malas niya dahil nalaman ni Zayden. Alam naman kasing mahigpit na ipinagbabawal ang kahit anong koneksyon mula sa ibang dorm president, eh. Ayan, kalandian kasi.”
Napalingon ako sa babaeng nagsabi noon at hindi ko alam kung ako ba ang kausap niya. Wala naman kasi siyang ibang katabi maliban sa akin.
“Kaya ikaw. Mag-ingat ka. Hindi mo kilala si Zayden.” Tumaas ang kilay ko nang lingunin niya ako at basta na lang umalis. Napangisi na lamang ako bago muling humarap kay Luther.
“Anong ginawa niya sa babae?”
“Look at her face.” Saktong marahang tumayo ang babae mula sa pagkakahiga, nakahawak lang ito sa pisngi niyang duguan at nang tanggalin niya ang kamay niya roon ay napanganga ako. Isang mahaba at malalim na hiwa, don’t tell me ginamit niya iyong barahang blade? Wow! This guy is sure a monster.
“Kabila naman.” Malamig na sabi ni Zayden nang maglabas ito ng panibagong baraha mula sa bulsa ng suot niyang pantalon.
“Enough.” Lahat ng tingin ay napunta sa akin nang pumasok ako sa eksena. Kusa namang nagbigay ng daan ang mga estudyante nang maglakad ako papunta sa direksyon ni Zayden.
“What?” Halos walang emosyon na tanong niya sa akin pagkalapit ko.
“I said enough.” Hinila ko ang babae at saka ito itinago sa likuran ko.
“Gusto mo bang pumalit sa kanya?” Nakangising tanong niya nang ibato niya ang baraha sa akin. Hindi na gagana sa akin ang atake niyang iyon kaya bago pa tumama sa akin ay napigilan ko na gamit ang dalawang daliri ko.
“So.... Sa paanong paraan mo gustong maibalik sayo ‘tong baraha mo? Iaabot ko ba ng maayos o ibabato ko sa’yo?” Nakangising tanong ko habang pinaglalaruan iyon sa kamay. Hindi nagbago ang malamig niyang tingin sa akinㅡAnd just like that, biglang nag-echo ang boses niya sa isip ko.
“Don’t put me in a position where I am forced to protect you.”
Kusang nawala ang ngisi sa labi ko at napalunok. Bakit ba gumugulo pa rin sa akin ang sinabi niyang iyon?
“I really hate your guts.” Sabi niya nang lumapit siya sa akin at mabilis kinuha ang baraha na nakaipit sa pagitan ng dalawang daliri ko. “But at the same time. I like it. You’re unique, brave and strong. Tatlo lang ‘yon sa mga katangian na hinahangaan ko sa isang tao.”
BINABASA MO ANG
Crudelis University: Game of death.
Mystère / ThrillerIn a twisted game of life and death, how far will you go to save yourself? Welcome to Crudelis University. A school that will make your lives a living hell. Death is the only way to escape.