para mas ramdam niyo yung story. play niyo yung vid =)
Lian with Guitar \m/ ---------------------------------->
POWER HUG =D
_____________________________________________________________________________
Yun na… nasa tapat na ako ng Rm. 207… Para akong ewan na nasa labas ng room at nakatingin sa loob. Ang dami na rin kasing tao, medyo nahihiya naman ako. Wala pa naman akong kakilala, kung hindi 3rd year, ay 4th year ang mag-woworkshop. Pero keribels lang yun. Pumasok na ako sa loob. Pinili ko yung upuan sa unahan, medyo tabi nga lang. Shy nga kasi ako eh. ^.^
Nagpalinga-linga ako. Tumingin ako sa likod --- wala… sa kabilang side --- wala rin. Haaay, where are you na ba? -______-
“Good morning, class”
WOW naman!!! Si Sir Dreo, ang magaling na teacher pagdating sa gitara. Sabi ko na nga ba, at siya ang magtuturo eh. Nakakatuwa naman ^__^
“Good morning, sir” sabay-sabay naming bati.
“Okay, since you know me already, kayo naman ang magpakilala. Pero lalagyan natin ng twist para mas exciting. Ipakilala niyo ang sarili niyo sa pamamagitan ng paggigitara. In that way, maexpress niyo ang sarili niyo through your instruments. Okay ba yun?”
“Sure, sir!” =)
Isa-isa na silang nagpakilala. Nagsimula sa likod, which means, panghuli akong kakanta. YES NAMAN!!! =D
10 mins later…
“NEXT!”
25 mins later…
“Oh, George ikaw naman.”
40 mins later…
“Sunod!”
At last, after 10,000 years --- I mean 50 mins….
“Last, but not the least---Lian, ikaw naman…”
“O-okay po…”
I sat on the chair that was at the center of the platform… inayos ko ang pagkakalagay ng strap ng gitara sa balikat ko.
Then, I started strumming my guitar…