Soulmate.sabagay marami paring naniniwala dyan. Marami ang naghihintay. Marami din ang umaasa na lang na dumating ito sa buhay nila. Parang sa paaralan din yan eh. May schoolmate, classmate, at seatmate.Marami kang pwedeng magustuhan. May makakabangga ka, pero hindi ibig sabihin sya na yan. May isa lang sa inyu na tanga. Hindi tumitingin sa dinadaan. May makakatabi ka, may sparks daw. Pero hindi sya yan, baka minamanyak lang yan. May slowmo daw, pero hindi pa sya yan, baka papansin lang. Ibig kong sabihin, hindi ganun kadali ang buhay pag-ibig.Kung tutuusin, lahat naman pwede mong maging soulmate. Wala naman talagang tao na nakalaan para sa atin. Nakasalalay yan sa kung paano mo pinapahalagahan ang mga taong tunay na nagmamahal sayo. Hindi ko naman sinasabi na kailangan mo syang mahalin kasi mahal ka nya, kailangan mo lang syang pahalagahan kasi baka sa huli bumaliktad ang mundo, mahal mo na pero WALA na sya.
Masyadong komplekado ang buhay, may darating, may aalis, may maghihintay at may mang-iiwan. Pero wala kang karapatan na sisihin ang mga taong nanakit sayo. Tanong mo kung bakit ka nasaktan? Kasi nagmahal ka. Oh. . anung problema dun? Nagmahal ka eh, dapat handa kang masaktan.Sa ganung paraan natututo ka. Tanong mo ulit, bakit ka nasaktan? Kasi iniwan ka nya, kasi hindi ka na nya mahal. Oh. . anung problema dun? Mas masasaktan ka kung nasa tabi mo nga siya, iba naman ang nasa puso nya. Make sense dude. Tanong mo pa, bakit ka nasaktan?Kasi manloloko siya.Kasi paasa sya.Kasi sinungaling sya. Balik ka lang sa unang sagot mo. Nasaktan ka nga kasi NAGMAHAL ka. Mahirap magmahal di ba? Mahirap din ang maghintay sa wala. Hindi naman kasi pwedeng maghihintay ka lang at wala kang gagawin. Kailangan mo ring tumakbo, maglakad kung pagod ka na, gumapang kung nahihirapan. Ang importante, usad pagong ka man. . may patutunguhan ka.
Ang sarap mabuhay, bakit ka bitter?Kasi di ka marunong tumanggap ng pagkatalo.Buhay mo naman yan eh, ano ba naman magagawa ng ibang tao. Pero ikaw may magagawa ka. Hindi pa huli ang lahat. Kung naniniwala ka talaga sa soulmate. Hanapin mo, ihanda mo ang sarili mong masaktan at paulit-ulit na masaktan. Dapat handa kang umiyak at paulit-ulit na umiyak. Kasi sa bawat luhang inilalabas mo, nililinis nyan ang mata ng puso mo. Sa pagkakataong iyan, hindi ka na bulag para makita ang taong tunay na nagmamahal sayo. Siguro dyan mo masasabi. "ITO NA ANG SOULMATE KO"
( kung magmamahal ka. . ibigay mo lahat ng makakaya mo para kung sa huli na hindi man kayo magkakatuluyan, hindi ka magsisisi kasi ginawa mo lahat para magtagal kayo. )
Ito ang isang kwento ng dalawang taong parehong naghahanap ng pagmamahal. Parehong may madilim na nakaraan. Parehong nasaktan.Parehong walang tiwala.Parehong natututong paglaruan ang pag-ibig. Pero sa huli parehong nagsakrepisyo at nagmahal muli.
-SOULMATE -
SCENE #1 CAMERA ON-------------------------------------------------
(Enrollment pa lang nag makita ko sya. . parang napaSLOWMOTION na ang mundo. )
Tol nararamdaman mo ba?ang bagal ng mundo, sabi ko kay Tris na bestfriend ko. "you're high as f*ck " sagot nya. Akala nya sabog na naman ako. Haha pero totoo Tol, kita mo yung dalawang chiks sa dulo ng pila? Yung nakatingin dito, akin yan. "oh sige, wala namang aagaw nyan. Ilusyunado" pang-asar na sagot ni Tris. Hindi talaga matanggal-tanggal ang mga matako sa kanya, nagmumukha na tuloy akong manyakis, pero anu ba magagawa ko ayaw eh, lalo na't nakatitig din sya sakin. Ahaha biro lg nagkasalubong lang kmi ng tingin at yun na yun. Nahulog na loob ko sa kanya. Eh panu matagal na akong naghahanap ng katulad nya, yung sa unang tingin palang alam mo nang magkakasundo at tatagal kayo.Bago ang lahat I'm Arth. . short cut ng Arthur. Seniors na kami, at siguradong freshman tong mga chiks na to. Ngayon ko lang kasi sila nakita. Okay tapos na ang pagpapa.cute, matanong nga ang pangalan nya. "hi miss, Im Arth. . I like you, may I have your heart? " (hahah) biro lg, praktis lang yun. Syempre hindi naman ako ganun ka bastos. Hanggang tingin lg muna, pero medyo suplada eh, sayang type ko pa naman.
YOU ARE READING
SOULMATE
RandomA compiled real-life story of the brotherhood and how they handle love as a challenge. choss. . haha