"It doesn't always have to be you."
"Pero Migs, obvious naman eh! Mas gusto mo yung tao. Pa'no na lang ako? Pa'no na lang yung promise m--"
"Shut up Lucca! You're so childish! Ang hirap kasi sayo, ang paniniwala mo, sayo lang iikot ang mundo ko! Akala ko ba matalino ka? Akala ko ba, malawak yang pang-unawa mo? Bakit hindi yun ang nakikita ko? Seriously, ang kitid mo! Ang kitid kitid ng utak mo!"
"M-migs."
"Stop it Lucca! You're a part of me but it doesn't mean that you have to control me. My world doesn't only revolve to you. At baka nakakalimutan mo, bestfriend lang kita!"
“Yun na nga Migs. Mahal kita at alam ko kung ano ang dapat para sayo.”
“At sino sa palagay mo ang dapat para sa’kin? Ikaw? Tigilan mo na yan Lucca. For once, makinig ka naman sakin. Mga bata pa tayo nun, ba’t naniniwala ka pa sa mga promise na yun? Alam mo ba na dati pa yun? At ang babaeng inaalipusta mo kanina, siya ang babaeng mahal ko ngayon!
“Tama na Migs…”
“Isang beses ko lang sasabihin to sayo Lucca. Mahal ko siya at hindi ko na kailangang ipaliwanag pa na dapat ay nirerespeto mo siya! Ngayon, kung hindi mo pa rin maiintindihan, umalis ka na lang sa buhay ko, pwede ba?”
Isa, dalawa… tatlo.
Tuluyan ng bumagsak ang luha ko ng hindi ka bumalik matapos ang ikatlong hakbang mo palayo. Akala ko, ayos lang na sabihin mo ng harap-harapan para ako naman ay matauhan pero mali pala. Alam mo kung bakit Migs? Kasi ang sakit-sakit, pero sa kabila ng sakit na to, umaasa pa rin ako na baka sa ikadalawampung hakbang mo, lingunin at balikan mo ako.
Labingwalo, labingsiyam… dalawampu.
Hindi na pala. Kahit konting lingon, wala akong nakita. Ganyan ka na ba talaga kamanhid?
Ganon-ganon lang, para lang akong ibinasura… wala pala akong halaga.
Mali na ba akong ini-stalk ko sya para makita kung karapat-dapat ba talaga siya sayo? Pasensya na, mahal kasi kita. Pero may mabuti namang naidulot yun diba? Nalaman nating GRO siya.
Respeto? Paano ko irerespeto ang isang tao na hindi nga alam ang salitang respeto? Nirerespeto niya ba ang sarili niya sa tuwing pumapatol siya sa iba? Alam kong mali ako pero hindi ko mapigilan.
Sampung taon. Sampung taon na tayong nagkasama, sampung taon kitang minahal. Magmula pa lang nung eight years old pa lang tayo, alam kong ikaw na ang tinitibok nito. Pero bakit kinalimutan mo yun Migs? Bakit ipinagpalit mo ang sampung taon na yan sa pokpok na yun?
Diba magpapakasal pa tayo? Diba pinangako mo na magsasama pa tayo… na mamahalin mo pa ko… na… wag na lang. Tama na nga tong mga kabobohan ko. Siguro nga, wala na talaga. Siguro nga, dapat ko nang kalimutan lahat.
Ngumiti ako, pinilit kong ngumiti ng totoo pero kumawala pa rin ang mga pesteng luhang to. Sabagay, huli na naman to dahil sa oras na matapos na ang pagpatak ng luha ko, kakalimutan na rin kita. Kakalimutan ko sa buhay ko na minahal ko ang bestfriend ko.
---
Author's Note: The normal love story, the cliche'est of the cliche. Mayron pa tong second part. Hahaha. Pero di ko pa ma-popost dahil exam week :D Pabitin effect muna ako. :D