Chapter 2

72 4 7
                                    

~Chapter 2~

"Ilang taon ka na?" bulong niya. Syempre di pwede normal voice, baka awayin pa kami ni clogger.

"Ssh.. Wag kang maingay! 17 pa lang. Ikaw?"

"18 na ako."

Eighteen na pala siya? Talaga? Mas mukha siyang bata, parang 15-16 lang. Hmm..Cute. Tas maputi. May pagkachinito. Tapos...T-teka! Bakit ko ba dinidescribe tong mokong na to? Ay ewan.

Pero bat parang nakita ko na siya? Mukha kasi siyang pamilyar. Hmm...Ah!

"Nag-aral ka ba dati sa Ebenezer International School?" tanong ko.

"Yup! Pero nag-transfer na ako rito kasi nandito yung nililigawan ko. Bat mo natanong?"

"Wala lang."

Kaya pala! Dun sya nag-aral sa dati kong school! Now I know why he looks a bit familiar, although hindi naman kami naging magkasec.....ANO RAW? May nililigawan daw siya? Da Who?

"Sinong nililigawan mo?

"Si ano...Si" Sino? Wag nang pasuspense!

"Perez at Castro! Magdadaldalan na lang ba kayo diyan? Isa pa, palalabasin ko na kayo ng room!" sigaw ni clogger.

Grabe naman! Pre-menopausal ata to eh! Sungit-sungit. Di naman kagandahan.

""Ssh...Wag ka maingay! Baka sungitan uli tayo ni Clogger!" sabi ko.

"Sinong Clogger?"

"Eh di sino pa? Yang si Ma'am Marquina! Makapambara kasi kanina wagas! Daig pa baradong inidoro."

"Haha. Nice one!"

"Syempre. Pero teka sino nga yung nililigawan mo rito?"

"Ah oo..Si.."

"KUNG HINDI KAYO TATAHIMIK, LUMABAS KAYO! KALALAKING TAO NINYO DAIG NIYO PA ANG PWET NG MANOK SA KADALDALAN! OUT! NOW!"

Waaa! End of the world na ba? O sadyang nakalunok ng megaphone yang si ma'am? Psssh...T.T

Akma na sana akong lalabas kaso....

"Wait, Perez at Castro," hantaray ni ma'am! Composed na ulit! Yes, baka patawarin na ako. Magmamakaawa talaga ko ng todo. "BILANG DAGDAG PARUSA, TUMAYO KAYO DYAN SA MAY CORRIDOR BITBIT ANG SANGTAMBAK NA LIBRONG ITO THEN SQUAT! AHAWT!"

EPIC FAIL! Grabe naiiyak ako! Pero hindi dahil pinalabas kami kundi dahil damang-dama ko pa rin yung laway ni Ma'am sa mukha ko. Signal no. 4! Daig pa ata si Yolanda sa lakas ng talsik!

So ending namin nitong si kolokoy, buong period nga-nga sa labas ng room. Daldal ba naman nitong Syd na ito. First time ko tuloy mapahiya ng ganito! Grabeeee! Naiinis talaga ako! Badtrip naman kasi eh. Dapat di Syd pangalan nito eh, Daldalita dapat! Pero madaldal din naman kasi ako eh. T.T huhu

"Psst! Galit ka ba?" tanong niya.

Aba at nagtanong pa! Hinde! Hinde ako galit! Happy pa nga ako kasi first time kong mapalabas ng room. Thank you ha! Salamat, Syd!

"Ah iyon ba? Syempre hindi. Friend kaya kita. Kalimutan mo na iyon," bigla kong nasabi.

Hala! Sino naman yung sumagot na yon? Ako ba iyon? Matt, tandaan mo, hindi porke't cute yan eh pagbibigyan mo na.

"Thanks ha! Alam ko namang di mo ko matitiis eh. Saka sa cute kong to noh, walang makakaresist sa akin!"

WOW! PROUD KA PA SA LAGAY NA YAN HA! TEKA! EMEGHED! ANLAKAS NG HANGIN! WOOOH! Pero cute nga siya. *toinks*

"Ah, hehe." Tumango na lang ako para wala na siyang masabi.

"Sorry ulit ha!" sabay pacute sa akin.

ANLANDI NAMAN NITO! Bigyan ko kaya to ng isang sapak?

"Oi, bakit ka namumula?" bigla niyang tinanong sa akin.

"Haaa?" Ano raw? Ako namumula? Ano ko hipon?

"A-ah kasi..........ambigat nitong mga libro eh tsaka nakakapagod magsquat eh," sabi ko na lang.

"Sabagay. Napapagod na nga rin ako eh," sabi niya sabay tingin sa harap na parang nagfofocus.

YES! Thank God nakalusot ako! Pero bakit nga ba ako namula? O baka naman niloloko lang ako nito? Haysssss.....

Bukod sa pagsquat eh wala naman akong ibang magawa, kaya tumitig na lang ako sa kanya. Ang kinis ng kutis niya ha. In fairness. Bakit parang iba ang aura niya? Mukhang friendly saka mukhang mabait. MUKHA LANG ha. Tapos napakakissable pa nung mga lips niya. Ilan na kaya nahalikan nito? Tsss....Goodluck na lang sa nililigawan niya, mukha kasing habulin eh.

"Bakit ka nakatitig?" sabi niya.

Ngek! Yan kasi daydream nang daydream eh, nadali mo tuloy.

"Haa!?! A-ah kasi...........medyo naiinis pa rin ako eh. First time ko kayang mapalabas ng room. Dahil pa sa isang new found friend na katulad mo. Hayyyy.." palusot ko.

"Ouch! Akala ko ba bestfriend mo na ko? Tropa na tayo diba? Ah! Alam ko na para mawala galit mo. I-....."

Rrrriiing.....Rrriiing! 

Bell na? Agad-agad? Wala man lang patumpik-tumpik pa? Boom karakaraka agad? Bago pa ako mapasayaw dito ng kanta ni Vice Ganda, tumayo na ako. Medyo dismayado. Pero di ba dapat matuwa ako kasi tapos na punishment namin? Eh kasi naman, parang ambilis nung oras.

"Wait, Syd! Ano bale yung sasabihin mo?"

"Ha? Ano? Teka ha, nagmamadali kasi ako. May meeting ang club namin kaya excused na ako for the whole day. First period lang ako umattend."

Wow. Buti pa siya.

"Ah sige," sabi ko na lang pero halata ang pagkadismaya.

"Oh, heto. Punta ka dyan after class ha. Treat kita. Sige ha!" sabi niya sabay takbo.

May inabot siyang card. Binasa ko naman. Alangan namang dilaan ko yun noh? Ano ba ginagawa pag may nakasulat? >.<

Jojo's Ice Cream Parlor

#123 Imaginary Street

Pupunta ba ako? Hassle naman kasi eh. Medyo malayo din yung place. Pero baka magtampo yung si Syd pag hindi ako pumunta. Bahala na nga lang.

[Author's Note: Pupunta kaya si Matt? Suggest naman oh. Comment lang and vote please. Thanks!]

Love Sucks, Remember?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon