Chapter 3

60 5 7
                                    

~Chapter 3~

4:00 p.m.

Last period. Waiting for the bell to ring. Finally, 15 minutes more and I’ll be free to go home! Promise, pagdating ko talaga  sa bahay diretso na ko agad sa kwarto para matulog. Nakakapagod kayang mag-aral, try niyo minsan para maranasan niyo rin. Hays……any minute now. Home Sweet Home, parating na ako!

“Psst!”

 Nagulat ako ng biglang may sumitsit galing kung saan. Luminga-linga ako para hanapin kung saan galing yung tunog pero wala naman akong makita.

“Pssssst!”

Hayun na naman. Sino ba kasi yun? Hala. Minumulto ba ako? Nyeee….>.<

“Psssssssst!”

Emeghed! Waaa… Wag po ako ang multuhin niyo. Yung iba na lang please.

“Pssst! Psssst! Pssssssst! PSSSSSSSSSSSSSSST!!!!!!”

Waaaa. Palakas nang palakas yung sitsit. NOOOO! Please wag! Sa sobrang takot ko, yumuko na lang ako at nagtakip ng tenga sabay dasal ng rosary habang tinatawag lahat ng kilala kong santo.

PAKKKKK!!!!

Aray! May naramdaman akong matigas na biglang tumama sa akin. Sino yung nambato ng notebook? Pagtunghay ko, nakatingin sa akin si Asahi at nagpipigil sa pagtawa.

“Nakita mo sana itsura mo, Yuhi! Para kang sira! Hahahaha!”

=_= “Eh kung tadyakan kaya kita dyan! Bakit ka ba kasi sumisitsit? Ano ka ahas? takure? kumukulong mantika?” sabi ko.

Lalo pa tuloy tumindi yung bungisngis ni Asahi dahil sa pambabara ko hanggang sa hindi na niya napigilang tumawa nang malakas.

“HAHAHAHAHA!”

“Yes, Ms. Cortez? Is there something wrong?” Patay ka, Asahi! Lagot ka dyan kay Ma’am Reyes! Buti na lang hindi yan si Clogger dahil kung oo, double dead na karne ka na ngayon.

“No, ma’am. Sorry po,” sabi na lang ni Asahi sabay yuko.

“Well, stop laughing and listen to the lesson. Hayyyy…. tumutuwid tuloy ang kulot kong buhok dahil sa inyo! Ang mahal pa man din magpa-kulot noh?! Pasaway!” mataray na sagot ni ma’am.

Nagkatinginan na lang tuloy kami ni Asahi sabay pigil ng tawa. Inemphasize kasi ni Ma’am yung bagong pakulot niyang buhok. Hahahaha! Mukha kayang curly spaghetti yung hair niya. Nagugutom tuloy ako. >.<

“Bakit mo ba kasi ako tinatawag?” tanong ko.

“Wala lang. May lakad ka ba mamayang uwian? Kung wala, sabay na tayong umuwi ha!”

“Sig….” Sasabihin ko pa lang yung word ng bigla akong may naalala.

*FLASHBACK*

"Oh, heto. Punta ka dyan after class ha. Treat kita. Sige ha!" sabi niya sabay takbo.

May inabot siyang card. Binasa ko naman. Alangan namang dilaan ko yun noh? Ano ba ginagawa pag may nakasulat? >.<

Jojo's Ice Cream Parlor

#123 Imaginary Street

*END OF FLASHBACK*

Hala. Paano na yan? Nakalimutan kong may lakad pala kami ni Syd mamaya. Oh no, hindi rin pala ako makakauwi nang maaga para makapagpahinga. Pssh. Pero dapat pumunta ako kasi baka magtampo yun. Siguro naman maiintindihan ako ni Asahi kapag di ako muna sumabay ngayon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 30, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love Sucks, Remember?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon