Prolouge
Blu's POV.
"AAAAAAAAHHHH!!!!!!!!! Wag kang lalapit saken! Wag!!!! WAAAAAA-..."
Usually, hindi ganitong uri ng sounds ang maririnig mo sa isang normal na library. Mga pag-ungol, pagsigaw at pag-iyak ang naririnig ko sa loob ng library ngayon. Nagtago akong mabuti sa tabi ng book shelves habang nakikita ko ang kawawang 3rd year high school student na halos matanggal na ang mga buto niya sa pagkakahigit ng mga zombies sa braso niya.
ZOMBIES? Oo. Tama. Mga zombies. Year 2018, January 09 sa kasalukuyang panahon ngayon, hindi mo aakalain na magiging ganito ang mundo. Kumalat ang Z-Virus na nagsimula sa U.K. at sa kasamaang palad, ang pagkalat nito sa buong mundo ay naging mabilis. Ngayon lang ini-announce ng government na nakapasok na at mabilis nang kumalat ang Z-Virus sa Pilipinas at ngayon huli na ang lahat. Nasa library ako ng mag-announce naman ang principal ng evacuation.
Tiningnan ko ulit si Patrece. Kilala ko siya. Madalas ko siyang makita sa tapat ng canteen kasama ang mga kaibigan niya. Nagsilayuan ang mga zombies sa kanya matapos siyang pagsawaan nito.
Ano, Parang dmit lang? Kapag napagsawaan papalitan?
Tiningnan ko ang paligid ko. Makikita mo ang dugo sa lahat ng direksyon. Sa mga libro, computers, sa sahig, mga pader at kung saang sulok pa.
Unti-unting umungol at bumangon si Patrece. Yep. Zombie na siya. Naglakad si Patrece papalabas ng library.
Baka siguro nagutom din. Lol.
Nag ala ninja ulit ako. Tiningnan ko ulit yung paligid ko at napansin kong nagsilabasan na rin yung ibang zombies. Naghanap ako ng something na magagamit ko para maipang-defense ko sa sarili ko. SYEMPRE! gusto ko pang mabuhay nuh! May nakita akong floormap. Tinanggal ko yung dulo na may basahan and to my luck, matulis yung dulo nito.
Tumakbo agad ako sa hagdan na papunta sa rooftop ng building ng library namin. And to my badluck naman, may tatlong zombie na nakaharang sa direction ng hagdan.
Napatigil agad ako at tiningnan kong mabuti ang mga nakakaumay na mukha ng mga zombie. And i sensed na kilala ko yung isa sa kanila. Natawa ako dahil zombie na rin pala ang isa sa mga zombie ang terror teacher ko.
"So, Zombie na ang terror teacher ng dakilang university na to?" i laughed to myself because of my stupidity. Patay na nga pero kinankausap ko pa?
Tumakbo pasugod yung isang zombie para sunggaban ako at sumunod na rin si terror teacher.
Inihanda ko ang sarili ko sa pagsugod nila at itinutok ko ang kahoy na hawak ko.
Maaaring kahoy lang to pero kapag nagamit ko to, higit sa kahoy ang magiging silbi nito saken.
Five steps away nalang ang isang zombie saken kaya umabante ako ng isang hakbang, sabay sway ko nung kahoy sa tabi ng mukha nung zombie, napatabi ito kaya yung terror teacher na ang nasa harap ko kaya sinabayan ko agad ng pagtusok nung tip nung kahoy sa baba nito. One step backward and then hinigit ko yung kahoy na nakasaksak sa baba nung terror teacher zombie. Ginamit ko ang kabilang dulo nung kahoy para itusok sa mukha nung first zombie sabay sipa ko kay terror teacher sa tagiliran niya at tumilapon siya sa tabi.
"I feel like a Satanist.." sabi ko sa sarili ko.
Tiningnan ko yung first zombie and it was about to approach me when i stabbed his head gamit ang matulis na tip. Iniwan ko na yung kahoy sa ulo niya. Marami na kasing dugo at mahihirapan lang akong gamitin yun dahil baka dumulas. Remembrance niya na rin. Tiningnan ko naman ang mukha ni terror teacher.
"Ayan,.. Mukha ka na talagang terror teacher..." sabi ko.
But then i remembered na tatlo yung zombies and i only killed a pair.
Yung last zombie ay nakatayo sa second step ng hagdan.
Siya ang pinakamatandang librarian ng university. Napakalungkot nga lang dahil dito nagtapos ang buhay niya.
She stepped down slowly. I don't even know if i can do this... But if it the only way to survive...
"Mrs. Montanilla, I'm sorry for what i'm about to do,.."
Hinigit ko yung kahoy na nakatirik sa ulo nung zombie na napatay ko. And then inihagis ko siya sa sa ulo ni Mrs. Montanilla. She fall down to her knees. I stood straight and breathed the air mixed with the aroma of blood and flesh.
Tumakbo na ko sa hagdan at nakarating ako sa pinto ng rooftop.
What should i expect?
Ano kaya ang makikita ko sa paglabas ko ng pintong ito?
I touched the knob.
I slowly twisted it, i closed my eyes, and push it on.
Ngayong araw na to, magbabagao ang buhay ko...