Isang araw na lamang bago ang debut ni Kathryn, masama pa rin ang loob ni Julia. Katunayan, hindi siya dumalo sa final rehearsal nila sa court.
Kung ipinasundo siya ng kaibigan, pupunta siya. Pero dahil walang sumundo, inisip niyang tuluyang nagalit ang debutante. Baka nga inihanap na siya ng kapalit.
Muli siyang napaiyak. Ang hangad lang niya ay mailigtas si Kathryn. Bakit siya pa ang naging kontrabida? Gayunman, hindi mawala sa isip niya kung paano iiiwas ang kaibigan sa pakikipagrelasyon sa isang lalaking matagal nang patay.
May pumasok sa isip niya. kung ayaw siyang paniwalaan ng mga kabarkada niya, may isang taong tiyak na maniniwala sa kanya. Walang iba kundi si Enrique.
Alam niyang hanggang langit ang pagtingin ng pinsan niya kay Kathryn kaya tiyak na hindi ito papaya na mapahamak ang minamahal.
Pinuntahan niya si Enrique.
“Pambihira naman, Juls! Wala ka sa timing. Antok na antok pa ako. Madaling araw na akong nakatulog, alam mo ‘yon?” inis na sabi ni Enrique.
“Pasensiya na, ‘insan! Mahalaga kasi ito. It’s a matter between life and death!” sabi ni Julia na tila hinahabol ng mga zombies.
Sa halip na bumangon, tumagilid paharap ng ding-ding si Enrique at nagtakip ng unan sa ulo. “Mamaya na lang natin pag-usapan iyan. Antok na antok pa talaga ako.”
“Enrique, ano ka ba? Hindi mo ba naiintindihan ang sinabi ko. It’s a matter between life and death!” ulit ni Julia sa sinabi niya kanina.
Hindi sumagot ang kanyang pinsan. Maya-maya, narinig ni Julia na naghihilik na naman ito. Talagang timulugan siya nito kahit pa sinabi niyang importante ang sadya niya rito.
Gusto nang umiyak ni Julia. Pinakahuling tao si Enrique na inaasahan niyang makakatulong sa kanya pero ayaw pa siyang intindihin. Noon ay nagalit na si Julia.
“Sige, matulog ka hanggang gusto mo! Akala ko pa naman, mahal mo ang bestfriend ko! Pare-pareho na lang nating pabayaang mapahamak si Kathryn!”
Pagkarinig sa pangalan ng dalaga ay mas mabilis pa sa alas kuwatrong bumalikwas si Enrique. “S-si Kathryn? Si Kathryn ba ‘kamo?”
“Akala ko ba antok ka pa?” pagsusungit kunwari ni Julia.
“Alam mo naman pag si Kathryn ang sangkot, kahit sampung bottles pang sleeping pills ang nainom ko, hindi maaaring hindi ako gigising. Pero teka, linawin mo nga muna ang sinasabi mo.” Umupo sa kanyang higaan si Enrique. Ganoon din ang pinsan nitong si Julia.
Nagsimulang magkuwento si Julia. Noong una ay ayaw ring maniwala ng binata, ngunit dir in nagtagal ay naniwala rin ito sa kanyang pinsan.
“Salamat naman, may naniwala rin sa akin. Kung ganoon, tutulungan mo ako?” tanong ni Julia.
“Sabi ko naman sa iyo, Juls, basta para kay Kathryn, walang hindi sa akin.” Sagot naman ni Enrique.
“Eh di sasamahan mo na akong pumunta sa Isla Barang? Dun sa pinsan kong si Eda para makapagtanong tayo nang tungkol kay Albie Casiño. Tiyak kong marami tayong malalaman kapag nagpunta tayo doon.” Tumayo si Julia.
“Oo, siyempre!” sagot sabay tayo rin ni Enrique.
Bagaman kakilala ni Enrique si Eda, hindi naman ito close sa dalaga. Sa father side kasi magpinsan ito at ni Julia samantalang si Eda naman at si Julia ay sa mother side.
Nang araw ding iyon ay nagpaalam ang dalawa sa kani-kanilang mga magulang na aalis sila papuntang Isla Barang. Nagbilin rin sila na kung hindi agad makakauwi ay baka doon na sila magpalipas ng gabi.
Ganoon na lamang ang pasalamat ng mga ito dahil pinayagan sila ng mga magulang nila. Ayus lang sa parents ni Enrique dahil lalaki naman ito at alam naman nila ang pupuntahan.
Gayundin si Julia, napanatag naman ang kanyang mga magulang na malamang kasama nito ang pinsang si Enrique.
“Ngayon, makapag-iimbestiga na tayo nang husto,” sabi ni Julia. Tumango lang si Enrique bilang pagsang-ayon.
At nagmadaling ayusin ang mga gamit na kailangan nilang dalhin sa magiging paglalakbay nila.
BINABASA MO ANG
Débutante
HorrorMay kumakalat na kababalaghan sa karatig bayan ng Sta. Isabel. Dalawang debutante na ang bigla na lamang nawawala at naglalahong parang bula. Palaisipan pa rin sa mga tao kung bakit nawawala ang mga dalagang sasapit ang kanilang ika-labing walong ka...