"Wala ka na ba talagang magawang matino?! Bakit ka sumasama sa gagong yun?! Bro, ADIK yun!" - mike
"Sorry na, dina po mauulit" wala na akong ibang masabi kase kapag sumagot pa ako for sure kulang ang isang araw sa mga pagpapaliwanag nya kung bakit nya ako binabantayan at pinapagalitan. Dinaig tatay no? Buti pa kapag galit sya ang ingay niya pero kapag hindi siguro dadaigin nya ang patay kase hindi mo talaga sya mapagsasalita.. Magsalita ka nalang sa hangin
Ganto lang lagi ang set-up ng buhay namin boring boring boring. wahhh!!!! Bakit pa kase ako pumayag na tumira kami sa isang bahay nito?! Bumukod kaya ako ng apartment? hmmm.. Nice idea..
But pano yung pagkain ko?
wala ng maglalaba ng damit ko kapag umalis ako.
wala na din akong alarm clock tuwing umaga kapag malapit na kaming malate..
ihhh!! wag na nga!! magtityaga nalang ako sa kanya, atleast buhay mayaman ako.. hahaha kunware evil
Nag aaral kami sa Adamson university malapit dito sa apartment na tinitirahan namin medyo kinaya naman na makapag aral kami sa university dahil lang naman sa scholar kami ni Adamson, ang may ari nito..
"Ahm.. Bro samahan moko punta tayo sa supermarket wala na tayong stack sa refrigerator" nakayuko na sabi nya sa akin at ewan ko ba kung bakit ganon, siguro nahiya nadin sya.. odiba? ang galing ako na pinangaralan ako pa ginagalang! whattanice!!!
"Sure Bro! Lets go?"
"Ahhmm.. Aalis na tayo?"
"Oo naman handa na...." hindi pako tapos magsalita e bigla syang sumigaw
"Wala kang Damit!!!" woow kaylangan bang sumigaw? relax.. eto na oh. wala namang problema kung nakahubad ako no excuse me brad! 6 packs ito no..
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
* * * *
Habang naglalakad kami papuntang supermarket e halos parang hindi kami magkakakilala walang nagsasalita! Hindi ba nya alam na iyun ang pinakaayaw ko?! nakakainis na ah. At dahil sa hindi nga ako sanay na masyadong tahimik binasag ko na ang mukha nya ay este ang katahimikan.
"Ahm.. Bro, Bakit sa loob ng napakaraming panahon na magkaibigan tayo walang ka pang ipinapakilala sa akin na girlfriend mo?" wala akong matanong. walang basagan ng trip okay?
"ahm.. ahm.. Girlfriend is not my style"
"Bro, Wag mo sabihing.., " Hindi pako tapos magsalita e dinugtungan na nya agad siguro narealized narin nya yung sinabi nya
"NO! I mean wala pa sa isip ko yung mga bagay na ganyan. Nandito na tayo" Omy! Yack! no, My bestfriend is not a gay..
"Hey! Dika ba papasok?" Dahil dun sa nasabi nya kanina natulala nalang ako hindi ko namalayan na nakalayo na pala sya sa akin.
"Sorry!" ako yung klase ng tao na kahit wala naman akong kasalanan e sorry ako ng sorry o diba? wattanice!!!
Mike's POV
Okay ano nang gagawin ko? Pano nato? okay nabawi mo Bry okay lang yan. pero bakit ganoon yung reaction ng mukha ni ron? parang hindi sya naniniwala? okay kaylangan ko syang kausapin..
paano?
kaylan? as soon as possible mike
Pero hindi ko kaya, at ang dahilan is
First, tahimik ako sa labas
Second, Mahina ang loob ko para sa mga bagay na ganyan..
Lilinawin ko lang, HINDI AKO BAKLA.. Nagkataon lang na masyado kong iniisip noon yung about sa nangyari na nagalit ako sa kanya dahil sa pagsama nya sa kaibigan nyang nakilala nya sa kanto.
Natapos na din kaming mamili ng mga pagkain namin para sa isang linggo at may pasok na naman bukas kaylangan bago kami matulog ngayon gabi e makausap ko na sya.. OKAY
Inilagay ko na lahat ng pinamili namin sa refrigerator at si ron ay nasa kwarto pa nya bababa lang yon kapag alam nya na nakaluto nako..
At magluluto na nga ako dahil din sa 6 na ng gabi
Anong gagawin ko about doon? anong gagawin ko about doon? ano... habang nagsasalita ako sa sarili ko ng line na yon e biglang nagsalita si ron sa likod ko.
***
"Bro, Kain na"
naihanda ko na lahat para sa hapunan.
"Bro, pwede bang magtanong?" nacucurious talaga kung iniisip nya kung bakla talaga ako
"What"
"About dun kanina.." Hinndi pa ako tapos magsalita e nagsalita narin sya
"Bro, I know hindi ka ganun. Sadyang nagulat lang talaga ako hindi ko alam kung matatawa ako o hindi"