Continuation...
|Sujichin Rika|
"Chin, nasaan si L?" tanong ni Dino pagkalabas niya ng CR.
"Umalis na" sabi ko.
"Hayaan mo na siya, sama ka na lang sa akin! Ililibot kita, dali, magbihis ka na" anyaya ni Dino.
"Pwedeng maligo muna?" tanong ko.
Tumango siya "Ah sige, ako na muna maglilinis ng bahay"
Tumayo ako, bitbit ang uniform ko pati ang bago niyang bili na damit para sa akin. Maya-maya ay bigla niyang hinawakan yung uniform ko "Lalabhan ba 'to? Gusto mo lagay ko na sa labahan?"
Hinigit ko yung uniform ko sa kaniya at sinabi "Ah, wag na Dino, ako na lang maglalagay duon. Ako na rin ang maglalaba"
"Sigurado ka? Sige" sabi niya.
Maliit lang ang bahay nila para sa kanilang pito, tapos dumagdag pa ako. Ito yung tipo na ilang hakbang lang nasa CR na ako, ilang liko, nasa kusina na pinagsamang parang dining area kasi andun na rin yung maliit na mesa at mga upuan (iyong apat na sirang upuan na inayos ni L noong isang araw) tapos onting lakad lang, nasa pintuan na ako papalabas.
Bago ako pumunta sa CR nagtanong muna ako kay Dino "Saan ko pwedeng itago itong mga damit ko pansamantala?"
"Ah, gusto mo share tayo sa cabinet?" tanong niya "Hatiin na lang natin para magkasya gamit mo"
Medyo nahihiya na ako kay Dino dahil napakabait niya sa akin. Sana nagmana na lang si L ng kabaitan sa kaibigan niya, right? He's a jerk while his friend is so adorable, palakaibigan pa at funny.
"Nakakahiya naman" sambit ko. "Wag ka ng mahiya sa akin" nakangiti niyang sabi.
Binuksan niya ang aparador na nakahati sa pitong compartment. Iniayos niya ang damit niya at nagtira ng onting espasyo para sa akin. "Ayan" bulong niya.
"Piliin mo na yung gagamitin mong damit ngayon tapos ilagay mo dito" sabi niya "Magwawalis muna ko" dagdag pa niya bago niya kinuha ang walis at nagsimula ng maglinis.
"Salamat ha" sabi ko "Wala yun! Masanay ka na sa akin" sabi niya.
Inilagay ko ng maayos ang mga bagong damit ko. Isinuksok ko sa pinaka gilid at tinakpan ng damit ang cellphone ko. Isinara ko ang cabinet at dumeretcho sa labas at inilagay sa planggana ang damit kong lalabhan at uniform. Ihiniwalay ko na lang damit ko sa mga damit nila, nakakahiya naman kasi.
Prinsesa man ako sa mansyon namin, may utak naman ako. Hindi naman ako ganun ka-tanga sa ganitong gawain. Sa States kasi, uso rin ang independent. Nagagawa ko naman ang gusto ko, yun nga lang, may nakabuntot na bodyguard.
Anyway, pumasok na ako sa CR at ini-lock ang pinto. Binuksan ko ang ilaw.
Maliit lang rin ang CR nila. Isang hakbang, andun na sa toilet seat, tatlong hakbang naman eh nandun na yung tabo saka yung tubig. Wala silang shower, or bath tub. Hay, namiss ko tuloy yung bathroom ko sa amin.
Pero hindi ko kailangan na mag-inarte. Tama.
Nagsimula na akong maligo, at nakigamit na muna ako ng sabon, pati ng shampoo. May nakalagay pa ngang 'The Number 1 Anti- Dandruff Shampoo". Whatever.
Natapos na akong maligo, nagtuyo na ako ng katawan a nagbihis. Tinuyo ko muna ang buhok ko at nagsuklay bago lumabas ng banyo.
Naglakad ako papunta sa may sala noong nakarinig ako ng babaeng sumigaw.
"Sino ka?!"
Nagulat ako sa babaeng nakatayo ngayon sa loob ng bahay.
"Babae ka ba ni Wayne?!"
BINABASA MO ANG
Real World: Underground Society
ActionI was living my life in comfort, status and prestige and I thought that life is just all about fame and riches. But I was wrong. I saw blood, anger, guns, cries, money and death. I thought that if you're rich, you've got the safest place. Again, I...