"Sinabi ng sakay!"
Wala ng nagawa si Chin noong hinila siya ng lalaki pasakay sa motor. Nagsimula na ring umandar ang motor na humaharurot paalis sa lugar. Kumapit na lang ng mabuti si Chin na tila may kaba sa kaniyang dibdib.
Ang rami ng gumugulo sa isipan niya ngayon. Sino ang lalaking ito? Bagong kidnapper na naman? Ano na ba ang nangyayari sa buhay niya? Minsan iniisip niya, kung hindi na lang siya umalis sa kanila, baka normal pa ang takbo ng buhay niya. Minsan hinihiling niya na isang araw nakabalik na lang siya sa kwarto niya at panaginip lang ang lahat.
Pero hindi, hindi maaari. Sa rami na ng nangyayari sa kaniya, kailangan niyang malaman ang katotohanan.
Sinubukan niyang tignan ang mukha ng lalaki sa side mirror pero dahil nga nakahelmet ito, hindi niya mamumukhaan ang misteryosong lalaki. Sa puso niya, minsan hinihiling niya na sana si L na lang ang lalaking ito para naman alam niyang ligtas siya at malayo sa kapahamakan.
Sana si L na lang.... sana nga si L 'to. Bulong niya sa isipan niya.
"Higpitan mo ang kapit mo, kung ayaw mong mahulog" sabi pa ng lalaki.
Napakapit ng mabuti si Chin dahil humarurot sa bilis ang pagmamaneho ng motor ng lalaki.
Sino ang nagligtas sa kaniya?
---------------xx*♥
Naghuhugas ng plato si Wayne dahil siya ay nasa trabaho. Kasama niya sa kusina ay si Reena, isa sa mga kasamahan niya sa restawran. Di naglaon ay nagsalita si Reena.
"Kamusta naman sa bahay niyo?" sabi ng dalaga "Kasama ang makukulit mong kaibigan" dagdag pa nito.
"Ayun, okay naman kami. May dagdag na ampon" sagot ni Wayne
"Ampon? Wow, bata ba yan?" tanong ni Reena
"Hindi, babae. Kasing edad lang siguro namin, o baka mas bata pa"
Biglang nagvibrate ang cellphone ni Wayne kaya naman isinara muna niya ang faucet at ibinaba ang hinuhugasan na pinggan bago nagpunas ng kamay at saka sinagot ang tawag.
"Hello"
("Wayne, may problema")
"Oh Dino. Bakit?"
("Nawawala si Chin! Sorry talaga! Lagot ako nito kay L!")
"Ano?! Di ba kabilin-bilinan ni L na wag na wag mong hahay--"
("Pre, tulungan mo ko, hanapin natin si Chin!")
"Sige bumalik ka sa bahay, ngayon na"
("Sige, sige")
Ibinaba ni Wayne ang kaniyang cellphone at napailing. Ang tumawag sa kaniya ay si Dino at ibinalita sa kaniya na nawawala si Chin. Napakagat siya ng kaniyang labi sabay harap sa kaniyang kasama sa restaurant.
"Mapapagalitan ba ako kapag umalis ako agad?" tanong niya kay Reena, ang kasama niya sa trabaho.
"Siguro, maraming customer eh" sagot ng dalaga.
"Pakisabi na lang kay Boss na kailangan kong umalis. Emergency lang sa bahay, sige" ibinaba ni Walter ang kaniyang apron at saka nagmadaling umalis ng restawran. Hindi na rin siya napigilan pa ng kaibigan niyang si Reena.
Nagmadaling tumakbo si Wayne sa ikatlong kanto dahil pupuntahan niya si Hoya na nasa talyer ngayon at nagaayos ng sasakyan. Agad naman siyang nakita ni Hoya noong papalapit pa lang siya sa shop.
"Oh, andito ka Wayne?"
"Kailangan nating umuwi" sabi ni Wayne "Emergency"
Umiling si Hoya "Pre, may dalawa pa akong aayusin dito. Baka magalit si Taba" bulong ni Hoya sabay turo sa boss niyang mataba na tinatawag niyang Taba.
BINABASA MO ANG
Real World: Underground Society
AcciónI was living my life in comfort, status and prestige and I thought that life is just all about fame and riches. But I was wrong. I saw blood, anger, guns, cries, money and death. I thought that if you're rich, you've got the safest place. Again, I...