Bad morning to everyone! Kasi wala naman talagang good sa morning eh.
Thursday na ngayon at nagluluksa parin ako sa bracelet ko. Alam kong mababaw pero yun na lang kasi yung na naiwan ng parents ko.
Well, kailangan kong ipagpatuloy ang life, sabi nga nila pag may mawawala may papalit.
So ginawa ko na yung morning routines ko at umalis na ako kaagad.
Eto na ako patawid ng may biglang tumawag sa pangalan ko, then nilingon ko wala naman itutuloy ko na sana yung paglalakad ko ng biglang
Beeeeeeeeeeppp!!
"Back Off!"
Ng pagkadilat ko may katapat akong babae sa harapan ko at mukha siyang nag aalala.
"Ate ano pong nangyare?"
Tanong ko sakaniya. Kasi hindi ko naman talaga alam yung nangyare.
"I'd just saved your butt from being hit by a car. Next, time mag-ingat ha at wag masyadong nagiisip ng kung anu-ano ha!"
Sabi niya ng medyo mataas ang boses.
"Hehe, sorry po ate, thank you rin po pala ate. Ano po ba pangalan niyo?"
Nilabas ko yung kamay ko para makipag shake hands pero sinabi niya lang 'it's Diana' at tuluyang binaba na ang kamay ko.
~School~
Eto na ako papasok sa gate at nasa harapan ko si Diana.
Papunta na akong 4th floor at nasa harapan ko parin siya. Patingin tingin siya sa likod ng makita niya ako.
"Hey! Are you following me?"
"Hindi."
As if, naman maghahabol ako ng babae.
"Then, bakit ka laging nakasunod saakin?"
"Sa 4th floor classroom ko eh." Sinabi ko sakaniya at medyo na tahimik siya at nagpatuloy na lang ng paglalakad.
Ako rin nagpatuloy na lang sa paglalakad.
~Classroom~
Nandito ako ngayon naka-upo sa aking favorite spot. Nakikinig sa prof namin.
Nawalan na akong gana makinig at sumenti na lang ako.
Nagising na lang ang diwa ko nung may pumalo saakin sa shoulders.
Tumingin ako sa tabi at nakatingin rin siya saakin. Wohooo, medyo weird yun ah.
"So you've met her?"
Sino naman kaya tinutukoy nito? At sino naman toh?
"Hayss, tahimik mo naman. Magsalita ka naman oh."
Madaldal talaga ako kaso weird niya eh at di ko siya kilala.
"Sige na nga. So you've met Diana?"
"Diana? Ahh oo."
"Good. Btw, I'm Mary. Bestfriend of Diana. Sama ka samin mamayang lunch ah."
Woahh, nabigla ako dun ah.
"Ah sige sige, ako nga pal si--"
"We know you already."
Tapos bumalik na siya sa pakikinig sa prof namin at ako eto sumesenti parin.
Nagtataka parin ako kung paano nila nalaman kung sino ako.
Riiiingg!!
"Rachel, don't forget ah, sabay ka samin sa lunch time."
Sabi ni Mary habang nagaayos ng gamit niya.
"Sige."
Sabi ko naman. Woaaah, weird talaga nangyayare saakin ngayon.
~Hallway~
Eto ako naglalakad sa hallway nakikita yung tropa ng prince ng campus namin...
Wat sino?!
Si PRINCE?!
woohh, ako ito pinagpatuloy ang paglalakad. Mabilisang paglalakad.
Nung nagkasalubong na kami ng mga tropa niya, ay huminto sila at pinalibutan ako.
Naging sentro ng atensyon nila.
OH NOO...Baka may masamang mangyare.
Aalis na ako sa gitna pero ayaw nila ako paalisin, tinulak nila ako pabalik.
Kinakabahan na ako sa mga susunod na mangyayare.
May lumapit saakin at pinalo yung mga hawak ko.
Pinulot ko naman ito kaagad, tapos may biglang may kumuha ng bag ko.
Woah woah, iba kinakalaban nila hays.
"Hoy! Ibalik niyo yan!"
"At bakit naman?!hahahaha..."
Nagtawanan sila at pinagpasa pasahan nila yung bag ko.
Mga G@gsti sila! Para silang bading umaaway ng babae!
"Ibigay niyo nga saakin yan."
May manly na voice na sumulpot mula sa likuran ko.
OMG. SI. PRINCE.
"eh bakit naman? Pinaglalaruan pa namin siya?"
"Basta! Ibigay niyo na lang saakin."
Bigla silang napatahimik at ibinigay sakaniya yung bag ko.
Sa wakas, may mag liligtas na rin saakin.
"Oh, bag mo."
Bago ko pa naman ko makuha, binuksan niya at nitapon niya lahat ang laman.
Ay putakte. Kala ko ba naman taga pagligtas ko na siya. Hays, I think I should do it on my own.
Nung tapos niya ng paglaruan ang gamit ko ay umalis na sila agad.
Hinabol ko sila...
"PRINCE!"
Tumingin siya sa saakin at sinampal ko siya...oo sinampal ko.
Napatulala siya at hinawakan ang kaniyang pisnge...pati trops niya napatulala rin.
Sabi ko nga iba kinalaban nila.
Pinulot ko na yung gamit ko at pumunta sa susunod kong klase.