Karl's POV
Kakagaling lang namin ni Ms. Sungit sa office ni Ms. Quezon. So official na nga makakasama ko ang malditang toh at ang kasungitan nya buong 1st at 2nd quarters.
Hindi kami nagpansinan habang pabalik kami sa classroom namin.
Pagdating namin wala pa naman ang first subject teacher namin, Mapeh.
Umupo na ako sa upuan ko which is nasa last row, na nasa pagitan ni Trey at Zhein. Ganito kaseh ang sitting arrangement namin. Ang upuan sa may bintana is occupied by Mikee. Then next to him is Quentin. Then katabi naman nya si Trey, ako, then si Zhein.
Sila ang ibang miyembro ng PRINC5. Ipapakilala ko sila sa inyo.
Let's start with the coldest prince on land. The Cold Prince, si Mikee Rafael Tan. Tahimik at hindi masyado nagsasalita. Suplado at basagulero.
Next ang the Playboy Prince, Quentin Chen. Ang intsik na yun ang pinaka-babaero. Cassanova for short. Charming (daw) at playboy. Mr. Pa-fall at Mr. Heartbreaker.
Third, si Zhein Mendoza. Ang The Good Prince. Sya ang pinakamatanda sa grupo. Pinakamagaling mag-advice at mature. Sya ang kuya ng grupo.
Trey Spencer Gonzales. My beloved cousin, though kadugo kami, mas gwapo parin ako. The Smart Prince. Pinakamatalino, witty, and clever. He is always right.
At ako naman ako ang leader ng PRINC5. I am Karl Kent Javier. Hindi ako masyadong nagsasalita kaseh I believe less words, more work. I'm cold sa ibang tao pero sa totoo lang makulit ako at annoying. Pero sa mga close ko lang na tao pinapakita yan. Ayoko na maraming umaaligid sa akin. And I am totally a possesive person. At syempre gwapo at charming ako. Ako ang Mr. Prince ng grupo.
Tinitigan ko si Ms. Sungit. Hindi ko alam ang first name nya. Ang alam ko lang ay Winters ang family name nya.
Makakayanan ko bah talaga na makisama sa amazonang, malditang, supladita, at bratinellang babaeng toh? Lahat nalang ng ginagawa ko at sinasabi ko binabara nya ako. Parang hindi ko kayang tumagal ng 2 quarters na sya ang kasama ko palagi. Oh no, let me rephrase that. Hindi nya makakayanan. Ofcourse hindi ako ang unang mag-gigive-up.
Nasa harap ko si Ms. Sungit. Ang ganda ng buhok nya, perfect curls, at hazel brown. Maganda sana sya pero, ang sungittt.
Hayyyy..... ano ba yan!
Crystal's POV
Nakaupo na ako sa upuan ko (malamang saan pa bah ako uupo?)
Iniisip ko kung makakayanan ko bang makasama ang lalaking yun, ang kayabangan nya, at ang annoying at napakapanget nyang mukha.
Lord, bakit ganito kasaklap ang parusa? Ipinaglalaban ko lang naman ang rights ko nun eh.😣😣
Katabi ko ang mga kaibigan ko. Sa barkada, lima kaming lahat. Ako, si Raven, si Madeline, si Ashlynn, at si Lizzie.
Ipapakilala ko sila lahat sa inyo.
Unahin na natin si Ravenna S. Lavender. Aakalain mo na tomboy sya pero hindi, babaeng-babae sya. Fangirl pa nga ata toh ng mga mokong ma PRINC5 na yun eh. Sya sa lahat ang pinaka-close ko. May pagka-EMO ang babaeng toh. Suplada at tahimik pero napakabrutal kung magsabi ng totoo. PRANKA.
Sunod naman ay si Madeline Hatfield. Bubbly, cheerful, palatawa, cute at pandak. Mahilig magbasa ng fantasy novels/fictional novels. Weird sya sa totoo lang. Minsan iisipin mo talagang may sayad sya sa utak dahil minsan ay nagsasalita sya ng mag-isa. Pero kahit na ganun mahal na mahal ko tong' kaibigan kong toh dahil nandyan sya palagi kung kailangan mo.