He's Into Her

13.3K 184 58
                                    

He's Into Her by Maxinejiji

Masasabi kong napakagandang storya. Kapag mababasa mo parang ayaw mo ng huminto.

Tumawa. Umiyak. Kiligin. Mamangha.

Ilan sa mga mararamdaman mo kapag magbabasa ka ng HIH.

Alam mo yung genre niyang:

Romance? Syempre check yan.

Humor? Check din yan.

M

ystery/Thriller? Naku! Masasabi kong check na check din 'to! Sa dami ng mga revelations sa story na 'to na hindi mo aasahan.

Gangster? Check ito.

Kulang nalang talaga ang horror na genre dito sa storyang ito.

Aha! Alam ko na may Horror pala.

Yun ay isa lang itong Fictional Story. Nakakatakot aminin. 'Yung feeling na pinapangarap mong maging totoo lahat ng characters dito at mamemeet mo sila personally pero hindi pala. Dahil mananatili lang sila hanggang sa mga imagination ng mga reader.

The way how the author made the different characteristics of the characters and how she made the unpredictable situations, really amazing.

'Yung hula mong, "magiging tama na ang hula ko ngayon kasi masyadong halata" pero iiwan kang bigo pag naupdate na ang susunod na chapter dahil may twist.

Ito 'yung storya na may mahahabang chapters pero iiwan ka pa ring bitin sa huli. 'Yung takot kang marating ang last page kasi ayaw mo pang matapos.

Kung matatapos ang isang chapter iiwan kang mamatay sa kilig at kung minsan ay wasak. Kaya hindi maiwasang maghintay sa susunod na update.

Ang mga punchlines, settings, situations ay sobrang ganda. Para kang dinadala ng kanilang mga salita sa mismong istorya.

Kung iiyak ka akala mo mauubusan ka na ng masisinghapang hangin. Kung tatawa ka naman sigurado akong iiyak ka sa kakatawa. Kung kilig naman syempre abot langit ang ngiti at kiliti at kung aksyon naman naroon ang gigil at kaba.

Nang dahil sa HIH ang akala kong imposibleng reaksyon kong magagawa sa iisang istorya ay naging posible.

Sigurado akong mahuhulog ka sa bawat ugali ng mga characters. At ang mas kinababaliwan ko ay ang palaging hinahabol ng mga puso na si Deib Lohr Enrile. Isama na rin natin ang man of few words na si Maxwell Laurent del Valle Moon.

Ang astiging si Maxpein Zin del Valle, mahuhumaling ka sa hambog niyang taglay. Binabalot ng malalamig na tingin at misteryosong pagkatao ang kanyang mabuting kalooban. Matutunan mo sa kanya kung paano lumaban sa buhay. Na hindi umiikot ang mundo sa pera. Katalinohan at katapangan ang nakakahangang talento niyang taglay.

Kahit ako ginugusto ko ring maging sya pero sobrang hirap. At may natutunan naman ako don. Don't fit yourself in a situation you don't fit as well, just be yourself.

Ang inspirasyon ay nananatili pa rin sa akin. Marami akong natutunan sa HIH kasi hindi lang aral sa buhay ang meron kundi meron din sa academics. Nakakabilib.

Ang katapangan ni Maxpein, kabadingan ni Deib, Maxwell, Yaz, Maxrill, Dein, Randall, Rhumzelle, RD, Naih, Maze, Heurt, More, Mokz, Chairman Enrile, Dean Enrile, Lee, Tob, Michiko, BJ, Migz, Kevin, Ysa, Kimeniah, Keziah at syempre kina Chairman Moon at Lovemir na nawala sa istorya. Crush ko to si Lovemir eh. Yiiee.

'Yung mga pangalan nilang nakakabilib. Amaze na amaze ako sa names sila Maxpein, Maxwell at Maxrill ang gaganda ng meaning. Halatang pinag-isipang mabuti.

Hindi ka lang basta basta nagbabasa kundi nadadama mo pa. Kaya bilib na bilib ako kay Ate Maxine.

Ang pinaka tumatak sa isipan ko ay

"Ang pagmamahal ay hindi natututunan kasi kusa yang dumarating."

Really the best.

Mamimiss ko talaga ang pagiging abangers. Nagtiyatiyaga kaming mga jijiero't jijiera sa isang chapter kada buwan na update.

Ngayon naaamoy ko na ang mga bulaklak pangkasal, tunog ng naglalakihang kampana at pag-ibig na walang hanggan. Naghihintay nalang ako sa susunod na update. Baka The End 4 pa o kayay Epilogue na. Nakakaiyak talaga huhuhu.

Nararamdaman ko na talaga ang salitang wakas. Hays.

Sana may side story yung magiging anak nilang dalawa kung meron man. Ayiee.

The best story. He's Into Her by Maxinejiji.

~ rooojeeen 🌹

Dedicated to the Stories Of MaxinejijiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon