Time: 11:52am
Location:Sydney Australia
Year: 3018, 21 Sept. Wednesday.Nagising nga ako ng maaga. Di dahil sa na alala ko yung bilin sakin ni Raven kundi dahil sa lintik na katok niya na kung makakatok eh parang sinusuntok na ang pinto.
Pu-pungay-pungay pa akong lumapit sa pinto at pinagbuksan siya. Lintik na. Nakabihis na agad siya at nakabusangot na ang muka na nakatingin sa akin. Aga nitong mamburaot.
"Bakit di ka pa nagbibihis?!" hindi naman siya galit niyan? Kung makasigaw parang caveman. Ang totoo galing kaba sa kabundukan?
"Bakit ba ang aga mong mangbulahaw ng tao?" sabay tingin ko sa orasan ko 30minutes pa bago yung sinabi niyang oras na aalis kami.
"Ginigising lang kita kasi alam kong mabagal kang kumilos. Mahihirapan lang ako kung magtatagal ka. Sa dinami dami ng pwedeng makapartner eh ikaw pa!" aba nakareklamo pa. Bakit ako kiya tinanong mo kung gusto kitang partner?
"Hala kilos na. Wag mo na akong titigan pa" assumerang frog.
"Opo heto na" nang-asar nga ako, mas binagalan ko nga ang kilos ko. Sakto sa ala sais ang ginawa kong oras kami nakaalis. Kiya naman talagang hindi maipinta ang muka ng taong ito. Yung parang pinakain mo ng 1/4 kilo ng buong luya ganun.
Pero heto naman kami nasa waiting area at nasa huling row ng upuan. "Sabi ko sayo agahan mo eh. Ayan tuloy nasa last row na tayo. Nakakahiya itong ginagawa mo sakin ah" hindi niya mapigilang mangsermon sakin. Yung nakakainis na ugali ng tao na pinakainaayawan ko eh yung maingay. Nakakarindi na siya. Sapukin ko na kiya to.
Tinitigan ko siya ng masama tapos lumapit ako sa kaniya. Magkatabi naman kasi kami sa upuan wala akong choice eh. Tapos pabulong pa yung sermon niya sakin.
"Kung hindi mo ko titigilan, baka masapok na kita. Naiintindihan mo ba?" banta ko sa kaniya. Hindi kami nag almusal eh kumakalam na sikmura ko at gusto ko ng umuwi magtatanghali na sa orasan ko.
Lumipas pa ang mga oras at lagpas 13:00 na o 1 o'clock sa orasan ko. Lupay pay na ang katawan ko kainis naman. Sa lahat din ng ayaw ko eh yung hindi ako kumakain sa tamang oras.
Madaming match ang nangyari sa buong araw na ito kada 30 minutes may pumapalit sa laban at natatanggal. Hindi nila nabanggit kung ilang ang participants ngayong taon basta marami daw. Dahil wala akong magawa nilibot ko ng tingin yung waiting area.
Nahahati sa apat na row ang limang column. At sa bawat row ay may sampung nakaupo. Kung eh mu-multiply ko yun lahat eh nasa.....teka lang mahina ako sa math.....200 participants divide ko pa sa dalawa dahil by partners eh nasa 100 ang lahat na.
Pero nahahati din sa dalawang block ang laban. May dalawang diagram ng matches na nakapaskil sa waiting area at nakikita namin kung sino ang nag a-advance na laban. At may monitor din kami ng bawat block. Meron dun isang grupo na nakapukaw ng aking attensyun.
Hindi ko lubos maisip kung talagang random ang pagpili ng partner pero parang me forever lang talaga sa kanila. Kapwa sila naka suot ng maskara. Pa mysterious effect pa. At ang galing nung galaw ng unang lumaban. Gusto ko silang makaharap ngunit nasa ibang diagram sila ng match. Kainis.
Tumunog ang relo ko. Wait lang hindi ko pala nasabi na me pinamigay silang relo dito after ng opening ceremony kahapon after ng match namin sa sobrang gutom ko pagkain lang ang nasa isip ko.
Isa itong device na mag-aalarm if may susunod ka ng match at i-pa-flash nito kung anong block ang matches nyo. "Block 2" sabi ni Raven at bigla na siyang tumayo. Sumunod na ako agad kasi magsusungit nanaman yan pag hindi ako sumunod agad.
BINABASA MO ANG
Blood V-Unit
Science FictionSi Sylla Florence ay sumali sa isang suit tournament, isang malaking patimpalak na ang premyo ay scholarship sa isang magandang school sa high school at matupad ang pangarap niyang maging lisensyadong Suit Provider. Ito ang tawag sa mga taong nakaka...