Time: 19:00
Location:Sydney Australia
Year: 3018, 20 Sept. Tuesday.7:00pm, ang ibig sabihin ng 19:00 o nineteen hundreds kung basahin sa military time. Sanay na ako magbasa ng ganiyang oras, sa Headquarters ganyan ang basehan ng oras.
After namin kumain hindi na siya nagsalita pa. Natakot ata sakin. Buti na yun ng walang maingay. Naupo ako sa sofa at siya naman nasa isang table kaharap ang bintana. Ano man ang nangyayari ngayon wala talaga akong idea. Kainis talagang matanda hindi pinaliwanag sakin ng mabuti ang mga patakaran at mga proseso dito. Muka tuloy akong tanga. Sa pinaka kinaiinisan ko pa naman eh yung nagmumuka akong ewan.
Biglang bumukas ang t.v. Napatalon ako sa kina uupuan ko kasi ngayon lang ako nakakita ng monitor na walang signal at parang sira. Ang sarap sipain, ang sakit kasi sa tenga ng ingay niya.
Maya maya pa lumapit si Raven sa sofa at naka cross ang mga kamay sa dibdib tila ba may hinihintay na lumabas sa sirang monitor. May dapat bang abangan? Tumayo na ako.
"Dito ka lang" ang seryoso niyang sabi sakin habang hindi pinuputol ang tingin sa monitor.
"Anong pa uso mo?" ang sagot ko. "Sumasakit lang mata ko sa pagtitig sa sirang monitor na yan. Ikaw ba nagbukas?" naka pamewang kong tanong sa kaniya. Kainis eh kung gusto niyang manuod ng horror siya na lang corny lang ang mga ganiyang palabas. Gusto ko yung bakbakan, balian ng katawan at barilan. Anong mapapala ko sa panunuod ng horror, aber?!
Biglang gumanda ang signal ng monitor at may isang gwapong lalaki ang naka focus dito. Tcha. Wag kayong mag isip ng kung ano. Na gwapuhan lang ako sa kaniya baka isipin nyo may crush na ako agad.
"Greeting nga participants ng
tournament ngayong taon. Ang list ng laban ay na finalized na. Ang bawat laban ninyo ay makikita nyo ngayon sa inyong mga monitor" biglang nag flash ang isang chart na mga makakalaban ko at yung kalahati ng monitor ay kay Raven naman na laban. Tapos biglang nag flash ulit yung lalaki hindi pa nga ako tapos na magbasa eh. "Sa mga hindi na kakuha ng list ng kanilang laban wag kayong mag alala we will flash it before your battle so stay tune always. Thank you" sabay patay.Shit. Bakit biglang namatay? Nilapitan ko yung monitor at pinalibutan ko ng tingin. Nasan na yung on and off button nito kailangan niyang bumukas. Agad akong tumingin kay Raven.
"Hoy na sayo ba ang remote nito?!" galit na naman ako.
"Wala yang remote, naka connect yan sa iisang server at mag oopen lang yan to remind you of your battle. Bakit hindi mo ba natandaan ang battle mo?!" panunuya niya sakin sabay bulong...
"Hoy, anong binubulong bulong mo dyan?!"
"Wala papasok na ako sa kwarto ko" at ayun nga iniwan niya ako sa sala, kainis. "Ay oo nga pala any time pwedeng magbukas yung monitor just to flast our battle kung hindi mo nakita kanina yung sayo hintayin mo na lang" sabi niya ng nakadungaw lang sa pinto at muli ring isinara pagkatapos niyang magsalita. Well salamat ah. "Nga pala yung mga participants pala na hindi nakakarating sa tamang oras ng battle na di-disqualify agad" pananakot pa niya sakin. Busit!
Hindi ako nakatulog ng maayos kasi iniisip ko baka biglang bumukas ang monitor at i flash ang battle ko. Panu kung mamaya na pala yun tapos hindi ko alam anong mangyayari sakin? Disqualify na ako wala pa ngang nagyayari.
++++++++
"Oh ang aga mo naman atang magising?" na ngangalum mata pa siyang bumati sakin paglabas niya ng kwarto. Iniinis talaga ako ng isang ito!
"Hindi ako natulog for your information para lang hintayin yung lintik na battle ko. Thanks to you!" salubong na kilay ko.
"Whoa, thats not my fault. Sinabi ko ba sayong wag kang matulog?" napapangiti siya habang nagsasalita. Mukang sinadya niya yung gawin eh. "Pero ito ang sure ako, mabaho kana at kailangan mo ng maligo. Hindi ka pa nagpapalit ng damit mo eh" sabay tingin sakin. Yung titig namakahulugan at may moment pa na parang tumigil siya sa isang part ng katawan ko.
BINABASA MO ANG
Blood V-Unit
Ciencia FicciónSi Sylla Florence ay sumali sa isang suit tournament, isang malaking patimpalak na ang premyo ay scholarship sa isang magandang school sa high school at matupad ang pangarap niyang maging lisensyadong Suit Provider. Ito ang tawag sa mga taong nakaka...