Oo na, mahal kita. Ano ba naman ang magagawa ko? Hindi ko naman mapipigilan ang puso ko.
Hindi ko mapigilan ang kumilig tuwing kinakausap mo ako.
Hindi ko mapigilan ang isipin ka.
Hindi ko mapigilan ang kaba araw-araw tuwing alam kong makikita kita.
Hindi ko mapigilan ang kausapin ka, kahit na alam kong ako rin naman ang masasaktan.
Hindi ko mapigilang umasa noong sinabi nila na gusto mo raw ako.
At alam ko, biro niyo lang yun, pero di ko mapigilang umasa.
Ito ang mga nararamdaman kong di ko mapigilan, kaya pasensya ha, wala naman akong magagawa.
Wala naman akong magagawa sa puso kong durog na, pero sa gitna may umiilaw parin na maliit,
Ang pagasa..