44 • masakit

374 5 0
                                        

Hindi mo lang alam, ang nararamdaman ko tuwing nakikita kita.

Ang puso ko ay tumitibok at ang isipan ko ay hindi na gumagana.

Ang katawan ko'y di na makagalaw, at ang kilig at kaba'y bumabalik.

Tapos biglang may tumama sa akin.

Ang gumugulo sa ulo ko,

Ang katotohanan.

Ang katotohanang wala namang tayo. Ang katotohanang siya nga pala ang gusto mo. Ang katotohanang magkaibigan lang pala tayo at wala nang higit pa roon.

Ang katotohanang mahal kita, pero mahal mo siya.

Masakit ang mahalin ka, totoo. Pero ang makita kang masaya kasama siya, ay ang pinakamasakit na parusa.

H U G O TWhere stories live. Discover now