Eloisa's POV
Shit talaga! Hindi na ako mapakali simula nung araw na nag-grocery kami ni Charlotte. Di ko makalimutan yung dalawang babae na tinawag akong "Ellaira". Kating kati ang mga kamay ko na magsearch sa internet. Kailangan ko malaman kung sino si Ellaira, magkamukha kami.. alam ko dahil di nila ako tatawagin na ganun kung di kami magkamukha.
"Mommy, chocolate?" Alok sakin ni Taehan na kanina pa kumakain ng chocolate na bigay sa kanya ni Hoseok. Si Hoseok ang kaibigan ni Taehyung na halos nandito sa bahay dati.
"Sige, kain ka lang dyan, baby. Wait lang ha? Puntahan ko lang si daddy mo." Nasa office sila Taehyung at Hoseok. Hindi ko alam kung anong pag-uusapan nila pero mukhang seryoso. Hindi naman na kasi madalas maparito si Hoseok. Ang alam ko ay sinabihan sila ni Taehyung na huwag na siyang puntahan dito kung hindi naman importante. Pwede naman nalang daw sila magkita sa labas.
Huminga ako ng malalim bago kumatok ng tatlong beses. Walang sumagot kaya binuksan ko na ang pinto. Naabutan ko sila na parang magsusuntukan na. Nakahawak si Hoseok sa kwelyo ni Taehyung at akmang susuntukin pero nung nakita nila ako ay binitawan niya ito. Matatalim na tingin ang ibinibigay nila sa isa't isa.
"Anong nangyayari, Taehyung?" Kunot noo kong tanong. Tumingin ako kay Hoseok pero umiwas siya at umiling.
"Pag-isipan mo ng mabuti ang mga sinabi ko sayo, V. Matanda ka na, wag ka na maging makasarili. Maraming nasasaktan sa ginagawa mo." Sabi niya at umalis na. Tinanguan niya lang ako bago siya lumabas.
"Tae? Bakit tinawag ka niyang V? Ano bang nangyayari? Bakit kayo nag-away?" Tanong ko. Tinignan niya ako at lumapit sakin para yakapin ako.
"I'm sorry, Elle. Mahal na mahal kita." Bulong niya. Hinalikan niya ako sa noo pagkatapos ay umalis. Naiwan akong nalilito. Bakit siya nagso-sorry? Nakarinig nalang ako ng dalawang magkasunod na sasakyan na paalis.
Napatingin ako sa desk ni Tae nung tumunog ito. Naiwan niya ang cellphone niya. Nilapitan ko ito at kinuha. Nagdadalawang isip kung sasagutin ko ba.
Jin hyung calling...
Baka client nila ito. Sasabihin ko nalang mamaya sa kanya pagkauwi. Baka magalit siya pag sinagot ko. Tumigil din naman ito at pagkatapos ng ilang minuto ay may text naman.
V! Buhay siya. Nakita daw siya nila...
Yun lang ang nabasa ko. Hinayaan ko nalang at inilapag ulit ang cellphone sa desk niya. Laptop ang kailangan ko. Pero sa kasamaang palad wala ang laptop niya sa office.
"Anong ginagawa mo dito?" Napatingin ako kay Charlotte na kunot noo at nakatayo sa pinto. Napadiretso ako ng tayo at lumayo sa desk ni Taehyung. Pinagtaasan ko siya ng kilay.
"Ikaw anong ginagawa mo dito? Balikan ko lang si Taehan." Nahihiwagaan talaga ako kay Charlotte. Pero kung mag-asawa kami ni Taehyung, wala siyang karapatang kwestyunin ang pag-stay ko sa office. Siya ang dapat na di pumapasok dun. Weird.
Magha-hating gabi na pero wala pa rin si Taehyung. Nakatulog na nga kakahintay sa kanya ang anak namin. First time mangyari to at hindi ko naman siya mako-contact dahil naiwan niya ang cellphone niya. Hindi rin nagrereply sa text at sumasagot sa tawag si Hoseok at Jimin. Pakiramdam ko magkakasama ang tatlong yun.
"Matulog ka na, Elle, ako nalang ang maghihintay sa pagdating ni Taehyung." Napatingin ako kay Charlotte. Halatang galing siyang kusina. May hawak pa siyang kopita at platito na may slice ng cake.
"Sige, pakisabi nalang sa akin bukas kung anong oras siya dumating." Kanina pa ako nandito sa garden, nagiisip-isip. Nagdududa talaga ako kay Charlotte at Taehyung. Alam kong mali pero nagtataka rin ako bakit tinawag siyang 'V' ng client nila. Pakiramdam ko ang dami kong hindi alam.
BINABASA MO ANG
Mr. Right Book II: Love Is Not Over (On-Going)
FanfictionMr. Right (BTS Jin Fan-Fiction) Book 2