"Starting a day with a smile huh?" Bungad ni Kuya ng makababa ako from room.
"Dapat ganun naman talaga. Kasi, life is beautiful." Sabi ko sabay upo sa dining table.
"Anong oras pasok mo?" Sabi ni kuya. Wow, kailan pa siya nagkapaki sa oras ng klase ko?
"Uhm...." Then, I look at him like that there's something wrong.
"What's with that look?" He said.
"Ever since kuya hindi ka nagtatanong about sa time ng pasok ko. Pero ngayon. Wow!" Sabi ko matching slowly mo at slow clap.
"Ulol tarantado." sabay batok.
"Awww! Thank you ha? Thank you!" Sabi ko sabay irap. Sakit ng batok niya.
Kumain nako and after ko kumain naligo nako and nag ayos. Maaga pa ako papasok ngayon dahil may program kami sa school.
Hi I'm Ceres Dela Fuerte. Fourth year student ng State University of Makati. Running for Valedictorian. But, in this young age may business na rin ako. I have cake shop.
"Hoy!" sigaw ni Diana pagkabukas na pagkabukas ko ng pintuan ng classroom.
"What? Ang aga ha?" Sabi ko sakanya.
"Gala tayo." Ito nanaman siya. Mukhakg gala.
"Saan nanaman? Tapos, kotse ko nanaman gagamitin natin." Yeah. I have a CARS. Bili nila mommy and daddy yun.
"Hehe. Mahal mo naman ako eh." Sabi niya sabay sandal sa balikat.
"Please!!" Pagmamakaawa niya sakin.
"Hays! FINE!" Wala akong magagawa. Jusme! Ito pang babaeng to jusme.
"Yown!" Sabi niya at kasabay nun ang pagpasok ng teacher namin.
Science ang first subject namin. Okay naman ang science as of now. Kasi nageenjoy ako sa physical science.
"Inaantok ako pre." Bulong ni Diana sakin.
"Kailan ka ba hindi inaantok during class hour?" Sabi ko sabay tawa ng mahina. Barado nanaman siya.
Natahimik lang siya sa pwesto niya. Sa one hour and thirty minutes na class halos tulog lang tong si Diana. Oo, queen tulog to. Walang ginawa kundi matulog na matulog sa klase. Ang saya saya ng Physical Science tinutulugan? nako.
"TARA NAAA!" Hila niya sakin pababa ng stairs. Paano excited na magmall. Dismissal na namin. Maaga kami pinauwi ng coordinator namin dahil may naging problema raw sa mga teachers namin ngayon kaya ayun. Di na tuloy ang program. Nakakasad naman.
"Teka ha. Tatawagan ko pa si Mang Rey." Si Mang Rey ang driver ko kasi bawal pa ako magdrive. I know how to drive pero, underage pa eh. I'm just 16 years old. Tska, masyado akong mabait kung gagawa ako ng fake I.D for driver's license.
"Just wait for awhile. May binili lang si Mang Rey" Sabi ko kasi halata sa itshura na naiinip siya. Ano nanaman ba balak nito kung bakit gusto niya magmall?
"Tska.... Ano bang trip mo ngayon?" Habol ko.
"Ano kasi... Basta mamaya na." Iba kutob ko sa babaeng to.
"Ano nga! Di ko napapatuluyin si Mang Rey paghindi mo sinabi." Takot tong babaeng to sakin HAHAHAHA
"May bibilhin lang ako na libro." Sabi niya sakin. U L O L
"Good Liar babe." Sabi ko hinayaan ko nalang siya.
"Tangek oo nga may bagong book akong bibilhin eh." Sabi niya.
"Book nga ba? o makikipagkita ka lang sa boyfriend mo?" Yah. Meron siyang boyfriend. Actually manliligaw lang pala. Pero, I considered as a boyfriend kasi, maka-i love you na sila isa't isa akala mong wala ng bukas.
"Hindi rin. Bonding lang natin to. Please!" Sabi niya at saktong dumating si Mang Rey. Sabay nun ang pag walang hiya niyang sakay sa loob.
"Hello po Diana." bati ni mang rey.
"Hello Mang Rey. Namiss kita. Hehe." Masiglang bati naman nito ni Diana.
"Saan ba ang pakay niyo?" Sabi ni Mang Rey
"Dun lang sa madalas na pinupuntahan namin Mang Rey. Pupunta sa Fully Booked tong kasama ko." Sabi ko kay Mang Rey.
"Bes labag ba sa loob mo?" Sabi niya sakin sabay lambing. Sapakin ko kaya to ng makatulog.
"Hindi naman." Sabi ko sabay salpak ng earphones. Inaantok ako. Swear.
Nung makarating kami sa Mall. Naglakad na kami papunta ng Fully Booked at pagpasok namin.
"Hey Ceres. It's been years since the last time we saw each other. How are you?" Totoo ba to? Yung lalaking minahal ko ng minsan nasa harapan ko lang ngayon at kinakausap pa ako ha? Anong sabi niya? It's been years since the last time we saw each other. Kapal ng mukha para kamustahin ako. Pagkatapos niya ako saktan KAMUSTA?
"I'm fine. Excuse us. We need to go." Pagtataray ko. Bwisit. Ang daming mall dito sa bansa dito pa talaga siya nagmall.
"Ceres wait." Pagpipigil niya sabay hawak sa kamay ko. Fuck this feeling. Ayoko nito.
"What?" Pagtataray ko and I grab his hand.
"I miss you." Damn you!
"Time is running. Bye." Sabi ko sabay hatak sa kamay ni Diana.
"Hoy! Ang sama mo naman." Sabunutan ko kaya to?
"Wow ako pa masama ngayon? Edi, magsama kayo. Bwisit." Sabi ko at patuloy sa paglalakad papaakyat. Bakit pa kasi dito pa or let me say bat pa ako pumayag na magmall kami ngayon. Kainis.
"Hindi naman sa ganun. Ang akin lang naman is sana maayos yung approach mo sakanya. Kasi ang ayos ayos ng approach niya sayo." Bat niya ba kinakampihan yun.
"Anong gusto mo? Makipag plastican ako? Kunware okay lang sakin ganun? Oo naka-move on nako. Pero, hindi ko makakalimutan lahat. Baka kasi nagkakalimutan tayo dito Diana. Sasabihin ko ba ulit lahat?" Halos pagalit kong sabi.
"Sorry.." Tanging nasabi ni Diana at sabay yuko. Napagulo nalang akong buhok ko sa sobrang inis ko. Badtrip talaga.
Nagpatuloy nalang ako ng paglalakd. Ano ba kasing problema ng lalaking yun? Bat kailangan niya pa akong guluhin ulit or okay naman na magkita landas namin pero bakit kailangan niya pa ako lapitan. Okay lang naman na magkasangi kaming dalawa pero, sana naman hindi yung lalapitan niya pa ako at kakausapin na parang walang nangyare masasakit at parang balewala lang sakanya ang mga nangyare noon. I hate you! I damnly hate you! Get off. Get Lost.
"Ceres! Wake up!!" Bigla akong napabangon sa sigaw ni Diana.
"Shiiiiiit!" Sabi ko sabay facepalm. Panaginip lang lahat Ceres. Panaginip lang lahat.
"Are you okay? I woke you up kasi, umiiyak ka." Di ko ininda ang sinabi ni Diana. I just looked around. Nasa kalagitnaan kami ng traffic.
"Hey!! I'm asking you. Why are you crying?" Sigaw niya. Lintek na best friend to akala mo naman nasa kabilang baryo ako.
"Masamang dream lang." Sabi ko. Which is totoo naman eh. Pinaalala sakin lahat.
"Tell me about your dream." Hays ang kulit.
"Di ko na tanda. Basta ang alam ko masama yung panaginip ko." Sabi ko nalang.
Tumingin nalang ako sa labas ng bintana. Sa dinami dami ng panagip ko yun pa talaga.
Parang ayaw ko na matulog. Nakakatakot.