Hi! Ako nga pala si Alyssa May De Vera. 16 years old! Maganda, nagmamaganda at nagpapaganda! Charot! Ang totoo sa tatlong nabanggit ko, nagmamaganda! Oo, magmamaganda ako. Hahaha!
Di ako maganda, maliit lang na babae 5'2 lang ako, tapos rebonded ang buhok at lalaki kumilos. Nag-iisang anak lang din ako.
Simula pagkabata, nag aaral na ako sa private school dito lang sa Paranaque. Preschool palang ako noon may sarili na akong baon (P100 baon ko noon, mantakin nyo, ang laking halaga ng 100 noon!), tapos sunod sa luho ako. Laging may bagong bag at may cp na ako nung prep palang ako.
Di kami mayaman. Sakto lang sa buhay. Kaso spoiled sa magulang dahil nag iisang anak nga lang. Ang mother ko is chef ng sarili naming resto. Ang father ko naman, taga simot lang ng kita sa negosyo.. Hahahaha! Alak dito, alak doon. Yosi dito, yosi doon. Chix dito, chic doon. Pero dahil bata pa ako that time, wapakels ako. Hahahaha!
So heto na nga, balik na tayo sa realidad at tama na ang pagtothrowback! Kaumay e xD
Andito ako ngayon sa isang private Catholic school. Dito ako nag aaral simula Grade 1 hanggang ngayon. 4th year highschool na pala ako. Section D.
Hooy! Di ibig sabihin na Section D is last section na kami, kumbaga mga napag iiwanan sa grades ah?! Mali ka ng iniisip! Mixed ang students sa bawat section. May matatalino, may sakto lang, at may napag iiwanan!
So heto na, may 2 akong kaclose sa room. Si JC (Joseph Charles Perez) at si Nadz (Nadine Michelle San Juan). Sila ang closest friends ko simula 1st year highschool dahil di naman kami nashuffle.
Papakilala ko sila seneo isa isa.
JC Perez - school heartthrob, gwapo, dancer, performer, singer, matalino, friendly. As in. Nasa kanya na ang lahat! Kaya daming nagkakagusto dyan e!
Nadz San Juan - sya yung Harry Potter fan samin. Magaling sa English. Mahilig sa photography.
Nagclick kaming tatlo dahil siguro pare pareho kaming may saltik! Hahaha. Pero siguro dahil nabalance namin ang attitude ng bawat isa, not until that day came....
that horrible moment of my life...
--
Sorry ang laaaame! Di ko kase alam kung pano ko ikukwento e! Basta, intindihin nyo nalang ako! 😂😂
YOU ARE READING
The Masked Woman
Non-FictionMahirap magpanggap, Mahirap magkubli, Sa bawat pinapakitang ngiti, laging may lungkot na nagsasabing.. Ayoko na.. Nakakapagod na.. Hirap na hirap na ako.. Pero hindi sa lahat ng pagkakataon, lungkot ang dahilan para sumuko. Madalas, lungkot ang dahi...