Eris Snowe Morales
Nagising ako dahil tahol nang tahol ang mga aso ko, tumingin ako sa orasan na nakapatong sa mesa na katabi ko, jusme. 5 AM? Sino naman kaya 'yung nasa labas? Ano ba naman 'yan, bangag pa 'ko o!
'Di na 'ko nagsuklay, kinuha ko na lang 'yung hoodie ko at isinuot, nakasando lang kasi ako, nakakahiya namang lumabas nang nakaganun lang diba?
I didn't even bother to turn on the lights, it was unnecessarily dark outside though, I groggily unlocked the door and opened it.
"Sino ka?" I asked, still half-asleep. Isang lalaki ang nasa harapan ko ngayon, naka-long sleeves na checkered, 'di ko ma-distinguish 'yung kulay kasi madilim.
"'Di mo na agad ako nakilala?" tanong niya naman, bakit? Sino ba 'to para makilala ko? Hindi naman si Alden Richards, hindi rin naman si Dingdong Dantes, o ano pinuputok ng buchi nito?
"Bakit? Dapat ka bang alalahanin?" balik kong tanong, natawa naman siya, hindi ko in-expect 'yon ah, akala ko magagalit eh tapos aalis na lang. "Kasama mo ako kahapan t'as nakalimutan mo na agad ako, si Regen 'to" sagot niya.
Regen? Tumingin uli ako sa kanya, "Ay! 'Yung weirdo kahapon! Syet, sorry. Bangag pa kasi ako 'pag bagong gising eh" I said in alarm, grabe na talaga 'tong goldfish memory ko, ang tindi na, sobra.
Natigilan siya at tumawa nang malakas, sabi na eh, baliw na talaga 'to eh.
"Okay lang, magtatampo na sana ako na kinalimutan mo na agad ako eh" nakangisi niyang sabi, napairap na lang ako at iniba na ang topic. "Bakit ka nga pala nandito?" tanong ko.
"Wala lang, ihahatid sana kita eh" sagot naman niya, huwat?! "Hahatid?! Grabe ka naman! Ang aga-aga mo mambulabog, ihahatid mo lang pala ako" sabi ko with matching irap pa.
"Eh syempre, mas maganda na 'yung ako 'yung maghihintay sa'yo kaysa naman ikaw 'yung paghintayin ko, baka mamaya umalis ka nang wala ako" banat nanaman ng mokong.
"Meron akong klase pero mamaya pang 10" sabi ko na lang, 'di ko rin naman kasi alam ang dapat isagot sa mga banat niya, baka naman 'pag tinarayan ko, ma-offend. E'di lalong nagkaproblema ang buhay ko.
Tsaka, ano pa bang sense na paalisin siya? Alam naman na natin kung g'ano siya ka-stubborn at ka-aggressive sa mga bagay bagay, feeling ko wala akong takas eh kahit anong palusot ko.
"Sige, matagal pa naman pala. Nag-breakfast ka na ba?" tanong nanaman niya, jusme ha, feeling ko talaga 'pag kasama ko 'tong lalaking 'to nasa interview ako eh, lahat na lang may tanong.
"Gusto ko ng caramel sundae tsaka chicken ala king" sagot ko, pero syempre, hindi seryoso 'yan. Hindi naman ako 'yung tipong nagpapabili ng pagkain, wala lang, nasabi ko lang.
"Sige, magpapa-deliver ako, maligo ka na muna" sabi niya, napatingin ako sa kanya at nanlaki ang mga mata ko. Hanudaw?! Deliver? Agad-agad? "Hala! Joke joke lang 'yon! Masyado ka naman kasing seryoso sa buhay eh" sabi ko kaagad.
"Seryoso o hindi, cravings mo pa rin 'yun, basta, maligo ka na lang muna tapos mamaya, kakain na tayo ng umagahan" nakangiti niyang sabi, "Hay nako, sige na nga, bahala ka ha, basta 'di ako nagpapabili" sabi ko na lang sabay lakad papunta sa kwarto ko.
YOU ARE READING
Proving Reality (ONHOLD)
FantasiaThere are some love that even death cannot separate.