Serene
So babalik nanaman ako sa Seoul. Mamimiss ko nanaman ang Daegu huhuhuhuhuhu ayaw ko sanang umalis kaso may pasok na kami sa susunod na araw at kailangan kong mag-aral ng mabuti mga bes.
Tinignan ko ang orasan ng phone ko at sumandal sa bench na kinauupuan ko.
Ang sabi kasi ni West sa pang 3 kami sasakay kaya inagahan ko ng punta dito sa train station. Iniisip ko kasi na baka maubusan kami ng ticket kaya binilihan ko na rin sya. Pero wag syang feeling kasi hindi libre to aba.
Dahil nagugutom ako. Tumayo na ako at akmang hihilahin na ang maleta na dala nang may sumigaw ng pangalan kong maganda.
" Serene! "- Boses palang alam ko na kung sino kaya agad akong lumingon.
Ay oh, feeling pogi si koya.
Agad naman syang lumapit sakin.
" Kanina ka pa? "- Tanong nya.
" Oo at gutom na ako "- Sagot ko sa kanya.
Binuksan ko ang shoulder bag ko at kinuha ang ticket na binili ko.
" Oh ticket mo "- Sabi ko sabay abot ng isa sa kanya. Agad ko namang binalik sa bag ko ang ticket.
" Thank you. Tara kain tayo "- Sabi nya habang nilalagay sa backpack nya ang ticket.
" Oy! Hindi libre yung ticket ah "- Sabi ko habang nag lalakad kami papunta sa pinaka malapit na pwedeng kainan.
" I know. Kaya nga ako na mag babayad ng kakainin mo eh "- Sagot naman nya. Napa ngiti ako.
" Good! "- Sabi ko at pumasok sa isang restaurant.
Agad muna akong humanap ng mauupuan bago ko tinignan ang menu.
" Yung burger with fries nalang sakin "- Sabi ko habang naka tingin sa menu.
" Okay. Ako na oorder "- Sabi naman ni West at inilapag ang backpack nya sa katapat kong upuan.
Inilagay ko muna sa gilid sa baba yung maleta ko bago umupo.
Maka lipas ang ilang minuto ay dumating na si West na may dalang tray. Agad naman nya itong inilapag sa lamesa.
" Yaaaay! Thank you! "- Tuwang tuwa na ani ko.
Kinuha ko ang isang burger at fries sa stray at inilagay sa tapat ko at kinuha ko naman ang natitirang burger at fries at inilagay sa tapat nya bago ko kinuha yung mga inumin at iginilid ang tray.
Nakita ko naman na tinanggal na nya yung jacket nya pati yung face mask at inilagay ito sa bag nya.
Binuksan ko na ang burger at agad na kumain.
Tahimik lang kaming dalawang kumakain. Hanggang sa may naririnig akong parang kinikilig sa likod. Hindi ko nalang yun pinansin at pinag patuloy nalang ang pag kain.
Maka lipas ang ilang minuto ay ubos na namin ni West ang mga pagkain namin at sakto naman na nag announce na dumating na daw ang Train.
Agad kaming tumayo ni West at umalis.
Medyo nahuhuli ako kasi ang dami ng tao at hindi ko mahila ng maayos ang maleta ko.
" Akin na nga "- Nagulat ako nang may kumuha ng maleta ko at binuhat ito.
" Hindi na! Ako na may dala ka rin eh "- Sabi ko habang naka sunod kay West.
" Sumunod ka nalang "- Sabi nya habang dala dala ang maleta ko.
At dahil mabait akong bata, sinunod ko nalang sya hanggang sa makarating kami sa booth kung saan ipapakita namin ang ticket namin.
Agad ko namang inilabas ang akin at dahil may dala si West binuksan ko ang backpack nya.
" What are you doing? "- Tanong nya at bahagya akong nilingon.
" Getting your ticket dumbass "- Sagot ko naman at isinarado na ang bag nya nang makuha ko na ang ticket nya.
At dahil naka-pila kami ay napa lingon ako sa salamin at nanlaki ang mata ko sa nakita ko. Kasabay nun yung parang kinikilig na kung ano nanaman sa likod ko.
Agad kong hinampas ang braso ni West kaya napa tingin sya sakin.
" Bakit naka ganyan ka!? Mukha tayong naka couple shirt! "- Asik ko habang naka turo sa damit nya.
Agad naman syang napa tingin sa suot nya at sa suot ko.
" Next! "- Narinig kong sigaw nung babae sa booth at kami na pala ang sunod." Tch tara na nga! Dami mong alam "- Sabi nya at hinila ako papalapit sa booth.
Agad kong ibinigay sa babae yung ticket namin. Nag palipat-lipat samin yung tingin nya at ngumiti na parang ewan.
Agad kong kinuha ang binigay nya samin at umalis dun.
Kainis, mukha tuloy kaming couple sa suot namin. Banas.
BINABASA MO ANG
hugot queen
Short Story"ganyan naman kayo! binigay na lahat kulang parin mga punyeta!" 『irene ft. taehyung an online love story dyosas in your area #1』 ©LLEULCKS for the cover highest rank: #13 in short story