end

1.8K 85 35
                                    

Serene

Ilang linggo na ang nakakalipas nang i-block ko sya. At mukhang pinag pustahan lang talaga nila kami. Hindi na sya gumawa ng paraan para maka-usap ako.

Napa ngiti nalang ako ng mapait. He's a big jerk. Sila ni Venz. Walang idea si Venz kung gaano nasasaktan si Lauryn ngayon. Mga manloloko.

Ngayon ang araw ng meeting de avance ng mga tatakbong student council. At makikita ko sya.

Iniiwasan ko kasi sya, baka hindi ko lang mapigilan ang sarili kong sampalin sya dahil sa ginawa nya sakin.

Lagi nalang ba akong masasaktan? Mag madre nalang kaya ako para iwas bh?

"Serene"- Napa angat ako ng tingin nang may tumawag ng pangalan ko. Doon ko naman nakita ang vice president.

"Tara na sa baba, mag sisimula na"- Yaya nya sakin. Tumango naman ako at tumayo na.

Tahimik lang akong naka-sunod sa kanya. At maya-maya lang ay nasa may activity center na kami. Ang dami ng estudyante at lahat ng mga candidates ay nasa kani-kanilang pwesto na rin.

Napa tingin ako sa harap at nag tama ang mga mata namin. Agad ko namang iniwas ang tingin ko at umupo na.

Tapos na ang opening remarks at mag bibigay na ng speech.

Unang nag bigay ng mga plans ang candidates for president. To be honest pumapalakpak lang ako, hindi ko naman naiintindihan sinasabi nila kasi hindi ako mapakali. Kinakabahan ako na ewan.

Mas lalong lumakas ang kabog ng puso ko nang candidates for vice president na ang mag bibigay ng speech.

Pinakalma ko ang sarili ko at nang sya na ang mag bibigay ng speech ay kinalabit ko ang katabi ko.

"Uhm... CR lang ako"- paalam ko sa kanya. Tumango naman sya kaya tumayo na ako.

Hindi ko pa naihahakbang ang paa ko nang mag salita sya.

"Serene"- tawag nya sa pangalan ko na nakapagpa-hinto sakin.

"I just want you to hear me out. Gusto kong marinig mo ang paliwanag ko"- pagpapatuloy nya.

"Alam kong mali yung ginawa namin ni Venz. Isang malaking pagkakamali na pag pustahan kayo ni Lauryn "- ani nya.

Napa lingon naman ako sa bandang kaliwa ko at doon nakita sina Thia na hinahaplos ang likod ni Lauryn na ngayon ay naka-yuko.

"Inaamin ko na nung una pustahan lang ang lahat. Lahat ng ginawa at pinakita ko sayo"- ikinuyom ko ang kamao ko sa narinig.

Gusto kong ihakbang ang paa ko at umalis, pero para bang may glue ang paa ko at hindi ako makaalis.

"Pero who would have thought na mahuhulog ako sayo? Hindi ko alam kung kelan kita nasimulang magustuhan basta ang alam ko gusto na kita"- para bang naestatwa ako sa sinabi nya.

Narinig kong nag sigawan ang mga estudyante at hinawakan ni Eunice; ang secretary ang kamay ko. Dahan-dahan akong humarap at nanlaki ang mata ko sa malaking banner na naroon.

"Pwede mo ba akong bigyan ng second chance Serene?"- tanong nya.

"Wala itong halo ng pagpapanggap o kung ano. Seryoso ako Serene, handa akong patunayan sayo na gusto kita. Na gustung-gusto kita"- ani nya at nag lakad papalapit sakin.

"Please?"- tanong nya nang maka-lapit sya sakin.

Nag sigawan naman ang mga estudyanteng nanonood saamin.

Hindi ko alam pero bigla akong naiyak.

"I-i'm sorry Serene"- sincere na sabi nya sakin at pinahid ang luha sa pisngi ko.

"Alam kong hindi mo pa alam ang isasagot sakin. Hayaan mo, patutunayan ko nalang na seryoso ako sayo"- naka ngiting ani nya na mas naging sanhi ng pag tili ng mga nanonood.

"Wala naman talaga akong balak tumakbo bilang vice president. Ang balak ko lang ay tumakbo papasok dyan sa puso mo"- banat nya kaya medyo natawa ako ng bahagya at pinalo sya sa braso.

Suminghot ako at tinignan sya.

"Patunayan mo ah. Hindi porket gusto rin kita madadalian ka na sa pag kuha ng second chance"- pagtataray ko kunyare sa kanya.

"Bring it on. Hindi kita susukuan. Halika nga dito"- sabi nya at hinila ako papalapit sa kanya at niyakap.

Agad ko naman syang hinampas sa braso.

"Tch, chansing"- sabi ko pero ibinalik ko naman ang yakap sa kanya.

Hindi ko naman mapigilan ang sariling ngumiti. Takot na akong mag take ng risk, pero i know West's worth the shot.

hugot queenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon