CHAPTER FIVE: Fritzy's Comeback

3 1 0
                                    

Kya's POV

"Kuya pwede pasabay pagpasok sa school sira kasi yung kotse ko eh" sabi ko kay kuya habang kumakain

Parang kakaiba ngayon si kuya simula nung dumating sya kagabi hmnn. Ano kayang nangyare dito at parang nabaliw?

"No maglakad ka" tipid nyang sagot saka uminom ng juice

"Kuya naman eh dali na kasi sige ka isusumbong kita kila mommy na late ka ng umuwi kagabi at ayon sa source ko nag drag race ka daw" pananakot ko sa kanya

Nagulat naman sya sa sinabi ko at sinamaan ako ng tingin

"Good luck then" sabi nya at tumayo na urghhh.

"Makikisabay na nga lang ako kay Naoimi ang selfish mo talaga kuya" sabi ko atsaka nag dial

Bumalik sya sa pwesto nya at parang nagulat sa sinabi ko. May nakakagulat ba dun?

"Hello? Naomi? Pwede bang makisabay sayo ngayon? Sira kasi yung kotse ko eh" bati ko sa kanya

"Sinong naomi yan? Yung kasama mo last week?" Tinakpan ko nga yung bibig ni kuya ang ingay kasi eh.

"Urusai oppa" sabi ko sa kanya saka sinamaan sya ng tingin

"Ayoko nga maglakad ka tsk. Parehas lang kayo ni marj" sagot nya sa kabilang linya

"Ehh kasi ayokong mag commute

"Sinong kausap mo dyan? Papa mo? Sige pahatid ka nalang sa kanya may gagawin pa ako bye" at pagkatapos nun pinatay nya na yung call

Tinignan ko si kuya at tila inis na inis sa narinig nya.

"Do i look like a father?" Inis na tanong nya sakin

"Hahaha yan kasi sabi ko wag kang maingay eh so ano hatid mo na ako?" Nagpipigil kong tawa sa kanya

"Tsk. Fine" sabi nya saka nauna ng maglakad ni hindi lang man ako hinintay ang sama talaga

Naomi's POV

"Anong ngiti yan ha?" Nakangising tanong ni Marj sakin na para bang sinasabing sabihin-mo-na-dali

"Wala. Tara na at late na tayo sa philosophy" sabay hila ko sa kanya

Di ko talaga makakalimutan ang nangyare kagabi kung pwede lang araw araw na akong pumunta dun sa park gagawin ko ang kaso di ko alam kung nandun din sya

"Ang weird ng mga ngiti mo ngayon bessy" iling ni marj saka sinuri ako kung may lagnat ba ako

"Eh kasi magkasama kami kagabi ni ano" nahihiyang sagot ko sa sinabi nya

Sa sobrang gulat nya pinagtinginan na kami ng mga tao dito sa hallway as in ganito uung reaksyon nya 0___0


"Ano ba ang ingay mo" sita ko sa kanya at tumingin sa paligid

"Di lang talaga ako maka paniwala na magkasama kayo kagabi ano? Nag kiss ba kayo? Kwento mo dalii ano nanliligaw na ba sayo?" Sunod sunod na tanong nya sakin

Binatukan ko nga masyado eh ang layo na ng nararating -.-

"Gaga aksidente lang na nandun din sya sa park kahapon kaya yun nagkausap kami at niyaya nya akong manood ng drag race nila" pabebe kong sagot sa kanya na ikinatili nya

"Haba ng hair oh wait baka maapakan ko hahaha ikaw na ang maganda"sabi nya at nagtawanan na lang kami

"Magkasama kayo kagabi?"nagulat kami sa biglang nagsalita

Love Over HurtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon