CHAPTER SIX: His the Guy

2 1 0
                                    

Naomi's POV

Takbo ako ng takbo at wala akong pakialam kung saan ako patutungo hanggat nakarating ako sa pinakalikod ng lumang building malapit sa field at pumunta sa rooftop

Umupo ako sa isang lumang upuan dun at umiyak ng umiyak di ko alam pero naging duwag na naman ako di ko na naman natupad ang ipinangako ko sa kuya ko at ang laki ko lang tanga

"Why God?  Bakit hindi mo nalang ako hayaang maging masaya? Kuya help me please di ko na kaya" sigaw ko sa sarili ko

Tanging echo lang at tunog ng hangin ang maririnig mo sa paligid dahil sobrang layo na ito sa mga ibang building dahil sa luma na ito at di na ginagamit

"Alam mo minsan di talaga maiiwasan na mangyare sa buhay natin yan ang magkaroon ng problema, ang masaktan, ang umiyak,  at ang sisihin ang taas kung bakit nangyayare ang mga ganitong sitwasyon pero sa kabila nun ito yung magtuturo satin kung paano lumaban at maging matatag"

Bigla akong natahimik sa kung sino man ang nagsalita at dahil nakatayo sya tumingala pa ako para makita sya

At sa di inaasahang pagkakataon nakita ko na naman sya at nandito na naman ang isang Kyle para pagaanin ang loob ko

"Sorry nakita mo pa tuloy akong umiiyak ano kasi napuling lang ako ng alikabok naglilinis kasi ako tas biglang lumakas yung hangin kaya yun"

Di ko alam kung bakit nagpapaliwang ako pero mabuti nadin siguro yun para di na sya magtanong pa

Kumunot naman yung noo nya at parang di naniniwala sa mga pinagsasabi ko umupo sya sa tabi ko atsaka sumandal sa pader

"You know what sometimes it's better to reveal than to kept it to yourself di naman masama magtapang tapangan pero kapag hindi mo na kaya pwede ka pading maging mahina at kung kailangan mo ng masasandalan nandito lang ako handa akong makinig sayo"

Lalong tumulo ang mga luhang kanina pa nag uumpukan sa mata ko at walang sabing niyakap ko sya

Oo mabigat sobrang bigat yung tipong kinikimkim mo lahat ng problema mo at sa sobrang sakit ay di mo na alam kung sino pang masasandalan mo if i could stop the time gagawin ko para lang di na matapos ang oras na to

"Thank you" bulong ko sa kanya habang tuloy parin ako sa pag iyak

Pinat naman nya yung ulo ko at hinagod ang likod ko

Maya maya lang humiwalay na ako sa pagkakayakap ko sa kanya mamaya kasi isipin nyang inaabuso ko na sya mahirap na

"So how's you're feeling?" Nag aalalang tanong nya sakin

Pinunasan ko na muna yung mga luhang natira sa mata ko at ngumiti sa kanya

"I feel better salamat sayo Kyle  at pasensya na naistorbo pa kita" sagot ko sa tanong nya saka pilit na ngumiti

"So what's the reason for being a crying lady huh?" Tanong nito sakin

Dapat ko nga bang sabihin sa kanya? Pero parang nakakahiya eh pero sinamahan nya naman ako dito at kinomfort nya ko nung umiiyak ako

Tumingin ako sa malayo saka nagbuntong hininga feeling ko kasi anumang oras iiyak na naman ako

"Akala ko kasi matapang na ako akala ko kaya ko ng ipagtanggol ang sarili ko pero isa parin pala akong mahinang babae di ko alam kung anong dapat kong gawin nasira na ang lahat sakin akala ko sapat na umiwas ako pero hindi pala wala akong nagawa para sa sarili ko ang tanga ko lang ano?"

Love Over HurtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon