Her Goodbye

340 0 1
                                    

Naranasan niyo na sigurong magpaalam sa isang tao kahit na sobrang mahal niyo pa ang taong iyon. Ang masaklap pa dun pareho ninyong mahal ang isa’t-isa. Pareho niyong ayaw iwan ang isa’t-isa pero kahit anong pilit niyong ipaglaban ang isa’t-isa, kailangan. Kailangang magpaalam, kailangang masaktan.

          “Ang ganda ng paglubog ng araw anoh?” sabay tingin niya sa papalubog na araw. Ang ganda. Ang ganda ng tanawin at mas maganda dahil siya ang kasama ko. Masaya ako tueing nakakasama ko siya kapag papalubog ang araw, ibig sabiin makakasama ko siya kapag muling sisikat ang araw.

          “Lesh” tawag niya sa akin. Tinignan ko siya. Pinilit kong ngumiti.

          “Hmm?” habang nakasandal ang ulo ko sa balikat niya. Pinapanood ang unting pagkawala ni haring araw.

          “may problema ka ba?” pinikit ko ang mga mata ko. Mahal kita James. At hindi magbabago yun.

          “problema sa bahay lang. Ayaw ko nang maapektuhan ka pa. Nakakalimutan ko ang mga iyon kapag kasama kita.” Totoo ang sinasabi ko. Pero ayaw ko lang naman na ganito eh. Gusto ko masaya kami palagi. Ayaw kong nalulungkot siya ng dahil sa akin.

          Hinatid niya ako papauwi sa bahay namin. Sa gate nakatayo kaming dalawa.

          “Bakit ka umiiyak?” pag-aalalang tanong niya sa akin. Mas lalo tuloy akong naiyak.

          “Wala. Mahal lang talaga kita. Mahal na mahal na mahal. I love you James.” At niyakap ko siya ng mahigpit. Mas mahigpit naman ang yakap na ginanti niya sa akin. Nasasaktan ako.

          “Lesh, ano bang problema mo?” Parang galit na yung boses niya. Tinatago niya lang sa akin.

          “Pumunta ka dito sa bahay ng 7:30. Pwede ba?” please.

          “ayaw ko nga hangat di mo sinasabi sa akin ang problema mo.”

          “edi wag” papasok na sana ako ng bahay.

          “joke lang naman. Sige andito na ako wala pang 7:30” at niyakap ko ulit siya. Naglalakad na siya papaalis. Tinawag ko ulit ang pangalan niya.

          “James” tinakbo ko siya. “Thank you, and I love you. Tandaan mo palagi yan.”

          Naglakad na rin ako papasok sa bahay namin. Pagpasok ko sa bahay, bumuhos ang lahat ng luha na kanina ko pang tinatago. James, paalam na.

          Niyakap ako ng mga magulang ko, ang sakit-sakit ng nararamdaman ko ngayon.

          Nagising ako pero hindi pa sumisikat si Mr. Sun. Nakahanda na ang lahat-lahat. Ako na lang ang hindi. Si James nalang ang hindi.

          Tinignan ko ang orasan. Dadating na si James maya-maya pero aalis na rin kami. Sumakay ako sa sasakyan namin at ibinigay kay manang ang mga bagay na tinago ko para kay James. Mga ala-ala naming dalawa na gusto ko na siya ang magtago, para hindi niya ako makalimutan. Selfish man kung ituring pero gusto ko sa araw ng pagbalik ko, mahal pa niya ako at pwede na naming ipagpatuloy ang naputol na pagmamahalan.

          Walang humpay ang pagbuhos ng mga luha ko kahit na nasa eroplano ako. Walang humpay ang pag-agos nito. James, mamahalin pa rin kita. Sana hintayin mo ako. Sana, mapatawad mo ako. Apat na taon, apat na taon lang James.

Her GoodbyeWhere stories live. Discover now