With Her Goodbye

110 0 0
                                    

Sequel to guys! Hehehe Kung dito si Lesh dito naman si James na ang magsasalita. Let's take a look what will happen 4 years after :))

__________________________________________________________________________________

Ako nga pala si James, at hangang ngayon naghihintay parin ako sa pagbabalik ni Lesh.

Kung natatandaan niyo, biglaan akong iniwan ni Lesh. At oo, nagalit ako sa kanya noong mga panahong yun. Galit ako dahil iniwan niya akong bigla. Oo galit ako sa kanya dahil hindi man lang niya sinabi sa akin ang mga plano niya sa buhay. na para bang wala lang ako sa buhay niya.

Oo, tingang ko yung box pero di ko binuksan yun dahil may galit pa rin sa puso ko. Pero namayani pa rin ang pag-ibig ko para sa kanya. Ganun ko siguro siya kamahal na kait di pa siya humihingi ng tawad ay napapatawad ko na siya.

Sa mga panahon na namimiss ko siya, binubuksan ko ang box na ibinigay niya sa akin. Kahit dito man lang maramdaman kong kapiling ko siya. Kahit dito man lang mapatunayan kong hindi lamang basta-basta panaginip ang pagsasama naming dalawa.

"Kuya?" tawag sa akin ng kapatid ko.

"Malungkot ka na naman. Namimiss mo na naman ba si Ate Lesh?" oo, kinukuwento ko parin si Lesh sa kanila. Kahit pabalik-balik na. Yun lang kasi ang ala-alang iniwan niya.

"Nika, araw-araw ko namang namimiss si Ate Lesh mo eh." sabay kurot ko ng mahina sa pisngi niya.

"E kung namimiss mo siya, bat di mo siya puntahan sa bahay nila?" nagsmile nalang ako kay Nika. Bata pa talaga siya at di niya maiintindihan ang mga bagay na ganito.

Sa totoo lang, araw-araw parin akong pumupunta sa bahay nina Lesh. Nagbabakasakaling umuwi na sila sa Pilipinas pero araw-araw rin naman akong nadidismaya. Bukas ay ang ika-apat na taon. Sa sulat na ginawa noon, nangako siya sa akin.

Nangako siyang babalik siya pagkalipas ng apat na taon. Bukas kaya, darating na siya? Bukas kaya, matutupad na ang pangako niya?

Tinulog ko nalang yung nararamdaman ko. Pagkagising ko, iba ang nararamdaman ko. Hindi ako mapakali. Dala narin siguro ito ng chansang babalik na si Lesh sa Pilipinas ngayon. Posibleng umiwi at tuparin ang pangako niya. pwede rin namang di siya umuwi, huwag tuparin ang pangako niya at saktan muli ang puso kong sugatan na.

Pero, naniniwala ako sa kanya.........

naniniwala akong

babalik siya...

ngayon.

"ma, pasok na po ako sa trabaho"

"sige, mag-ingat ka anak"

Pagdating ko dun, waa naman akong ginawa eh. Naka-upo lang ako the whole day kaya napagpasyahan kong maagang mag-out at dumiretso na sa bahay nina Lesh.

Pagdating ko sa bahay nila..

nabigo na naman ako.

walang Lesh na sumalubong sa akin.

Mag-aalasingko na ng hapon at wala pa rin siya. Siyempre, nalungkot na ako. Nasa-isip ko na baka nakalimutan na niya ang iniwan niyang pangako sa akin.

Bumalik ang sakit na nararamdaman ko nung araw na yun. Nag-flash back yung mga panahong di ako lumalabas ng kwarto,

nakahiga lang,

nakatingin sa kisame at

umiiyak.

Para ata akong bumalik sa nakaraan. Yung araw na yun. Di ko namalayan na sa paglalakad ko narating ko ang tambayan namin noon. Kung saan kami sabay na nanunuod ng sunset. Kung saan magkahawak ang aming kamay at nakasandal sa aking balikat ang ulo niya.

Nagpahinga na si haring araw pero ako, gusto ko munang manatili dito.

Maya-maya ay dumilim na rin ang paligid. Unti-unti nang lumalabas ang mga bituin. Suguro oras na rin para umuwi ako. Ilang oras na rin akong naghintay.

"sayang, di ko nakita ang paglubog ni haring araw"

nagulat ako sa nakita ko.

Si Lesh,

nasa harapan ko na siya.

Nakangiti, masayang-masaya.

Ewan ko, dahil na rin siguro sa hindi ako makapaniwala at akala kong hindi na siya darating ay niyakap ko siya kaagad. at sabay na ang pagtulo ng mga luha ko.

"Pasensya na ha kung natagalan ang pagdating ko. Apat na taon akong nawala pero ganun parin ang Pilipinas, ma trapik pa rin"

"Wala akong paki-alam kung nahuli ka man, basta ngayon andito ka na, nasa tabi ko.

"James, patawrin mo sana ako"

"Lesh, matagal na kitang pinatawad. Matagal na. Wag mo nalang akong iwan ulit a baka di ko na kayanin pa"

Her GoodbyeWhere stories live. Discover now