Chapter 1 : The Beginning

7.4K 134 2
                                    

Thania Ellisoir's Pov

*Kring! Kring!*

Napa tayo agad ako ng mag ring ang alarm ko. Oh shit! Late na pala ako!
Haysh!

Dumiretso kaagad ako sa shower room ko at Ginawa ang dapat gawin.
After 25 minutes ay natapos na ako. Naligo at nagbihis.

Sinusuklay ko lang ang mataas at straight kong buhok na hanggang beywang at inayos ang see through kong bangs mala kpop lang mga teh! 

Yung Uniform namin ay Mini skirt and Long sleeved Blouse na may vest na color grey sa labas.

Pagkatapos kong mag suklay ay agad kong kinuha ang back pack ko at Kumaripas ng takbo pababa ng Hagdan .

Nakita ko si ate Yaya na naghahain ng almusal sa Lamesa.

"Ate yaya! Di na po ako kakain sa school na lang po ako kakain ah. Bye!"-sigaw ko sa kanya na abala sa pag hahain.

"Oh sige iha, Ingat!"-sigaw nya bago pa ako makalabas ng bahay. Pero di ko na yun nilingon bagkus ay dumiretso ako sa garahe at sumakay kaagad ako sa kotse at nagpahatid sa driver namin.

"Naku! Kuya Pakibilisan lang po oh. Mala-late na po kasi ako eh"-halos Mabingi na si kuya Driver sa pa ulit ulit kong sabi sa kanya. napapatingin ako sa Relo ko kada segundo at parang di mapakali sa kinauupuan ko. 

"Oo na. Malapit na nga tayo Iha oh"-natatawang sabi nya sakin.

Natanaw ko na ang malaking main gate ng Benedict Western High,  Isang Private school na mala celebrity ang nag aaral sa sobrang mahal ng tuition fees.

Pagkapara ni Kuyang driver ay agad kong binuksan ang pinto ng kotse at kumaripas ng takbo para mahabol ko pa ang Klase ni Ms. Galves ang Paborito kong klase sa lahat. Subject nya kasi Ay english and I love english even though I'm Still Learning. Hehe

Exactly pagdating ko sa classroom ay kakasimula pa lang ni Ms. Galves.

"Oh! Ms. Thania park you're on time ah"-Ms. Galves, Napa yuko ako at napa mura sa isip ko.

"I'm sorry ma'am"-Tanging na sabi ko lang.

"Okay, go to your sit now"-Ms. Galves

Di na ako sumagot pa at dumiretso kaagad sa upuan ko at nakinig kay Ms. Galves.

"Okay class, our topic yesterday is all about The Story of the fishe--"-di natapos si maam dahil may biglang kumatok sa pintuan.

Binuksan naman nya ito at bumungad sa amin ang mukha ni Sir Mendez ang Principal ng school.

Nag usap sila kaya naman ang mga classmate ko ay agad na nag ingayan at Ang iba naman ay nag babatuhan pa ng papel. Samantalang ang iba ay busy sa Phone nila while me? Nah, Just observing them and.. Urgh! There's Nothing special on me! Yeah. That's the fact.

"Oh.. uhm, Class. Listen!"-Ms. Galves
Napatahimik naman ang lahat at nakinig sa kanya.

"We Didn't Expect this but uhm.. We have A Transferee, So.. --"-sabi ni Ms. Galves at Tumingin sa Pintuan.

"Please come in"-Ms. Galves

Nag abang naman ang lahat sa kung sino man ang papasok. 

Napa tingin ako sa kung sino man ang kumakalabit sa akin.

"Ano?"-walang gana kong tanong.

"Wala. Hehe"-napa singkit ang singkit kong mata. Bwiset! Mahilig talaga mang asar tong Lalaking toh!

Di ko sya pinansin at nag basa na lang ng Libro na ibinigay sa amin ni Ms. Galves

Biglang nag Tilian ang mga classmate kong babae kaya agad akong napa tingin sa harapan.

Mr. Manyak & Ms. Bipolar The SPG Story [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon