Chapter 12 : The Hard decision

3K 73 1
                                    

SOMEONE'S  POV

Isa kang Magandang halimbawa Para sa mga taong wala ng pag asa.

Balang araw Makikilala mo din ako Thania, balang araw.

THANIA'S POV

Pag ka uwi ko ay agad akong naligo at Nag bihis.

Kumain din ako ng marami at Pagkatapos ay Natulog ako ng Mga ilang oras. Nagising ako mga bandang tanghali na dahil na din siguro sa pagod at kulang-kulang kong tulog atsaka sa kakaiyak.

Inayos ko muna ang mga dadalhin ko pabalik sa hosptial Pagkatapos nito ay Babalik ako Sa Hospital para bantayan si ken.

Di na ako nakakapasok dahil sa pag babantay ko kay ken. Pero buti na lang Malapit na ang Graduation namin. It means Tapos na ang klase at Ga-graduate na kami since Half School year naman na pumasok si ken and Na hospital pa sya so Exempted sya .

"Anak"-napa igtad ako sa biglang pag sulpot Ni Ate yaya mula sa Pinto ng kwarto ko.

"Bakit ate yaya?"-tanong ko at umayos ng upo.

"May tawag ka sa Telepono, mommy mo"-sabi ni ate yaya

"A-ah.. s-sige po. Bababa na ako"-sabi ko at tumayo na para bumaba at sagutin ang Tawag.

"H-hello mom?"-sambit ko ng Masagot ko na ang telepono.

"Hi baby, how are you?"

"I'm.. Fine mom"

"Thania anak, your father and i made a decision for you. After your graduation papadalhan ka namin ng ticket para Maka-uwi ka na dito huh. Dito ka na Mag co-college"-diretsong sabi ni mommy sakin.

"AANNOO???!!"-Di makapaniwala kong tanong sa kanya.

Halos sumigaw na ako sa Telepono.

"Yes daughter, and no buts. Sige na I have to go Thania baby huh. Goodbye take good care of yourself *toooot*tooot* "

"P-pero mom-- mom!"-wala akong nagawa kundi ibagsak ang Telepono.

"Kalma lang anak. Baka masira yang telepono"-sabi ni ate yaya na natatawa pa.

"Eh kasi ate .. si mommy Gusto nya ako umuwi na dun sa Korea eh ayaw ko pa nga eh, alam nyo naman kung bakit eh"-sabi ko at Umupo sa Sofa .

"Eh wala ka ng magagawa dun anak. Mommy mo na ang nag desisyon, alam mo naman yun diba? Minsan lang yun maging ganun, sigurado akong namimiss ka na nun"-ate yaya.

"Pero may taong nangangailangan sa akin ng sobra"-ani ko at ikina iling niya lang iyon.

"Hays."-wala akong ibang nasabi at napa hinga na lang ng malalim.

Umakyat na lang ako sa kwarto ko at magbibihis na ako para pumunta na sa hospital para bantayan si Ken.

*******

Ang daming Tao ngayon sa hospital ah. Siksikan sa elevator eh.

Napa tingin ako sa hagdan tumakbo ako papunta doon at Umakyat pataas.

Dumating ako sa Nurse Counter ng hinihingal.

*inhale~
*exhale~ woohh

Pumunta na ako sa room 329 kung saan andun si ken.

Binuksan ko na ang pint---

"U-uh.. s-sino kayo?"-tanong ko ng iba ang makita ko.

Dalawang Tao.. pero hindi si ken at ang mama nya. Kundi ibang tao.
N-nasaan si ken?!

"A-ah.. kami ang bagong admitted dito sa room 329 ija."-sabi nung Nagbabantay sa Batang lalaking nakahiga.

"A-asan yung pasyente dito ?"-di makapaniwalang tanong ko.

"Ah. Ewan ko ija, basta dito lang kami in-assign. Itanong mo na lang doon sa nurse counter"-sabi ni manang.

"O-okay po"-Sabi ko at Agad na isinarado ang pinto at tumakbo papuntang nurse counter.

Asan kana ba ken?!!
Bat wala ka sa kwarto mo?!

"Miss asan po yung pasyente na nasa room 329?"-mabilis kong tanong sa babae.

"Ano pong pangalan miss?"-tanong nya sakin

"Kendrick Kleovan Wayne"-diresto kong sabi.

"Uhm... ah. Si Mr ken. Nag discharge na po sila Kahapon pa. Sabi dito Dadalhin daw sya sa states para mapagamot dahil di kaya ng kagamitan dito ang Surgery na kailangan nya"-explain sakin ng nurse.

"W-what?! S-states?--"-halos manlumo ako at napaupo sa Gilid.

"Ah. By the way miss. May pina-iwang sulat yung kasama ni Mr. Wayne para daw kay Ms. Thania Ellisoir"-sabi nung nurse na ikinatayo ko.

"Sulat? Saan?"-tanong ko sa kanya.

"Ah. Wait lang po"-sabi nya at parang may kinuha sa ilalim ng kung anong drawer.

"Here"-sabi nya at Inilahad sa akin ang isang Puting sobre.

"Ah. Sige, salamat"-sabi ko sa nurse at Kinuha ang sobre.

Lumabas ako ng hospital at Umupo sa bench sa labas.

Binuksan ko na ang puting Sobre.

Ija, i'm sorry Kung Di ko kaagad ito sinabi sa iyo pero kailangan kong dalhin ang anak ko sa states dahil may Nag donate na ng Mata para ipalit sa nadamage na mata ni ken.
Ang sabi ng nag donate kaibigan mo daw sya. I'm so thankful na dumating ka sa buhay ng anak ko, don't worry Pag naging mabuti na ang lagay ng anak ko i will ask him if he still want to Go back there. I'm sorry again ija.

Your tita alecia,

Naibagsak ko ang Papel na hawak ko kanina. Napa sandal ako sa kina-uupuan ko at nagmistulang wala akong lakas para kumilos dahil sa nabasa ko.

w-wala na si Ken dito? p-paano na ako ?
Iniwan na din ako ni ken.

Napahagulgol ako doon magdamag hanggang sa mapagod ako't pinilit tumayo wala na akong pake sa iniisip ng iba.

Di ko alam kung anong mararamdaman ko, kung magagalit ba ako sa mga magulang ni ken dahil di man lang nila pinaalam sa akin ng pormal. Eh papayag naman ako eh basta aayusin lang sana pero wala din naman ako magagawa sila yung magulang eh sila pa lang ang may karapatan.

He needs to recover and come back to me.

Kailangan ko na munang tanggapin ang desisyon ng kanyang mga magulang. Para din naman iyon kay ken. But paano na lang pag naisipan ni ken na di na bumalik dito? Napailing ako sa naisip ko. Sana naman hindi.

And hindi mangyayari yun mahal ako ni ken at hindi nya ako iiwan kilala ko si ken,  Di nya ako iiwan.

Teka--At.. sino ang kaibigan kong nag donate ng mata nya para kay ken?

Wala akong kaibigan. Wala akong kilalang naging kaibig--

May bigla akong natandaan.

FLASHBACK

"Wala akong kailangan sayo . Di mo ba ako natatandaan?"

"Di mo na ako kailangang makilala pa. Nasabi ko na sayo kung sino ako , atsaka Nasaksihan ko kung paano mo sya minahal, at kung paano kayo nag mahalan. Oo alam ko nung una kabastosan lang yung Pagsasamahan nyo pero Nung nagtagal na alam kong mahal nyo na ang isa't isa. At Sayang naman kung isa sa inyo ang mawala"

"Hintayin mo na lang sya. Atsaka paki sabi.. may ipinapabigay ako sa kanya at Ingatan kung ano man ang ibibigay ko sa inyo. Sana pangalagaan nya yun"

END OF FLASHBACK

P-posible kaya? y-yun kayang inaakala kong baliw ay ang nag donate ng sarili nyang mata para kay ken?

O.. t-teka!

Naalala ko na yung lalaking yun.
Hindi kaya..

Mr. Manyak & Ms. Bipolar The SPG Story [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon