Panaginip

1.6K 16 0
                                    

Nanaginip ako kagabi
Magkayakap tayo. Magkatabi
Sa mga unan sa ating higaan , mga kamay na parang naka posas dahil hindi talaga natin kayang paghiwalayin

Mga pusong Naka tali sa isat isa.
Mga matang nakatingin kung ano ba talaga ang nararamdaman natin .
Kung kaya paba kitang mahalin.

Sabi mo saakin ako lang talaga
Pero bakit lagi kang nakatingin sa iba
Sabi mo sa akin di mo ako ipagpapalit
Pero pagkalingom ko lang saglit wala kana sa paningin.

Panaginip na Parang bangungot
Masakit sa mata . Dahil naiiyak na ako
Masakit sa puso dahil iniwan mo ako.
Masakit dahil paggising ko malilimutan na kita.
Kakalimutan na kita
Malilimutan Din Kita....

SPOKEN WORDSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon