15 | nikki

1.7K 123 105
                                    

nakatambay na naman ako sa field ngayon kasama ang bff a.k.a. best bruha forever ko na si ally

"ay bes, bye na pala, mag-uusap lang kami ni taehyung." paalam ng bruha sakin. pansin ko namang lagi na silang nagha-hang out ni taehyung. i smell something fishy...

tilapia kasi ulam ko kanina HAHAHAHAHA

syempre nag-toothbrush na ko saka naglakad sa locker dahil kukunin ko na ang mga gamit ko para sa next subject ko.

pagkabukas ko na lang ng locker ay nagulat ako ng may message don, mukhang love letter, ganda ko kasi.

diba readers maganda ako? ang umangal, ihanda niyo na anit niyo dahil sasabunutan ko kayo ng bongga.

binasa ko naman yun,

dear nikki,

si jimin 'to, sabi na sayo e mag-schoolmates tayo, gusto ko lang sabihin na ang cute mo tuwing kumakanta ka sa canteen. hahahaha. tsaka, ang gwapo ko. joke hahaha. tingin ka sa likod mo.

-chimchim

pag tingin ko sa likod ay nagulat akong tumingin kay jimin na nakangiti

NIKSHOOK

tinitigan ko lang sya dahil di ko akalaing magkakakita kami, mga ilang segundo pa ay tumitig muli ako

ayieeeee may pagnanasa

dejok, pero ayon nga, nasa harapan ko na si jimin na may dala dalang ferrero na chocolate

"niks, gusto mo? hehe." turo naman niya sa chocolate

feeling ko sasabog na yung lungs-- este puso ko, ang cute kasi ng pagkakasabi niya

"di naman ako makatatanggi sa grasya HAHAHA amina." sabay hablot ko ng chocolate,

kapal muks ng nikki nyo

kinain ko lang yung chocolate habang etong bansot na to eh kanina pa daldal ng daldal. di na ata maubusan ng kwento

hinatid naman ako ni chimchim papuntang classroom saka nagpaalam dahil schoolmates lang naman kami, hindi classmates

"oi! pssst" bulong sakin ng letseng bruhang si ally na nakaupo sa likuran ko

"ano ba, bruha ka talaga"

"may new classmate daw tayo, fafabells daw sabi nila" sabi ng bruha

"ally! akala ko ba ako lang? diba diba?" singit naman ni taehyung

"ihhh syempre! ikaw laman nito no," sabay turo ni ally sa bandang puso niya

nakakairita tong dalawang to ha, magbe-break din kayo sa 23 mga letse

"tangina wag nga kayong pda, tsk" singit ko naman kasi konti na lang talaga maiinis na ko sa kalandian netong dalawang butiking to

inalis ko na ang tingin ko sa kanila at humarap na sa board, wag mo dibdibin nikki, may likod ka pa

ayyy! wala nga pala akong dibdib. HAHAHAHAHAHAHA

pero wag kayo, kung may bundok at may kapatagan, burol to! chocolate hills, ganon!

nagulat na lang ako ng lumuwa ang pinto ng isang lalaking kamukha ni snow white

mukhang nilaklak ang gluta mga bes

"sya yung fafabells," bulong ni ally sakin

tama nga siya, fafabells nga hihihi

pero teka...

"The name's Suga, everyone."

hmmm

SOUNDS FAMILY?!

AY TANGINA SOUNDS FAMILIAR PALA YON HAHAHAHAHAHA

pero seryoso, is it him?

"Hi."

-

SenpaiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon