Sticker

88 9 15
                                    

Biglang lumamig ang katawan ko nang mabasa ko ang nakalagay sa bulletin board. Pangalan ko naman ang nakalagay. Ako na naman ang may atraso kaya pangalan ko na naman ang palaging nababanggit sa mga bulung-bulungan.

"Pang-apat mo nang warning 'yan ah." Pag-aalala ng kaibigan kong si Yoni.

Napatingin na lang ako sa locker ko. Ako na naman! Ako na naman ang pinagdiskitahan nila. Buong buhay ko sa paaralang ito impiyerno ang nararanasan ko.

"Sikhatuna! Hindi ka ba natatakot at baka hindi mo na kayanin ang mga parusa nila sa 'yo?"

Umiling lang ako at binuksan ang locker ko. Nanginginig ako sa galit at takot. Hindi ko alam pero sabihin ko man na pareho lang kaming estudyante rito hindi ko parin matanggal sa sistema ko na mag-aalala dahil mapanganib sila.

"Bakit naman ako matatakot? Gawin nila ang gusto nilang gawin. Wala akong paki."

Isa na namang sticker ang nakadikit sa loob ng locker ko. Kaagad ko itong tinanggal at pinunit, nalamukos at nilagay sa loob ng bag ko.

"Sikha."

Nangangambang sabi ni Yoni nang makita niya rin ang sticker. Napayuko ako at napabuntong hininga. Hinirap ko siya at binigyan ng matamis na ngiti.

"Halika na, Yoni! May klase pa tayo."

Hindi naman ako pinalaki ng nanay at ng tatay ko para api-apihin lang. Isipin niyo purong mga lalaki ang gumagawa sa akin ng ganito? Wala akong kalaban-laban pagdating sa palakasan pero ni minsan hindi ako umiyak. Matapang ako at ginusto ko 'to.

"Teka Yoni. Yung bike ko nakalimutan kong kandaduhan."

"Eh malelate na tayo." Pigil sa akin ni Yoni.

Tinanggal ko lang ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Delikado kasi ang bike ko kapag hindi nakakandado, pwedeng mapagtripan ng iba.

"Sige na. Una ka na."

Kaagad akong tumakbo papunta sa likod ng school kung saan nakagarahe ang bike ko. Malayo pa lang pero tanaw na tanaw ko na ang bike ko na may kulang sa parte nito, Sinasabi ko na nga ba!

"Naku, yung gulong nito nasaan?" Tanong ko sa sarili ko.

Paano na ako makakauwi kung wala na ang isang gulong sa unahan? Papagalitan ako ng mga magulang ko kapag nakita nila ang sitwasyon ng bike ko.

"Ito na naman!"

May sticker na naman sa upuan ng bike ko. Parehong sticker pa rin. Napalingon ako kung saan-saan para makita ang apat na anak ni Satanas.

Alam ko na nandirito lang sila at pinagtatawanan ako mula sa malayo. Hindi talaga makukumpleto ang araw nila kapag hindi nila ako naiinis. Wala silang mga hiya! Mga mahihina! Babaeng tulad ko pinagkakaisahan nila! Mga sakit lang sila sa ulo ng mga magulang nila at salim pusa rito sa eskwelahan!

"Naku, papano na 'to ngayon?" Reklamo ko sa sarili.

Napaupo na lang ako. Pagod na akong mag-isip kung anong gagawin ko at saan hahanapin ang gulong ng bisekleta ko.

Napatingala ako sa langit. Late na ako sa klase, kung papasok ako sa first subject ko papagalitan ako ng teacher ko sa Gen. Math. Kasi naman eh! Pahirap ang mga yun!

"Sumunod ka na lang kasi para tapos na."

Napasinghap ako at napalingon nang may anino na tumabon sa akin. Sila na nga ito. Ang Quadros Demonyitos!

Tumayo ako ng dahan-dahan habang isa-isa silang pinapatay ng mga matatalim ko titig. Tinanggal ko ang sticker sa bike ko at idinikit sa nasa gitnang lalaki.

Siya si Boknoy, ang payat, matanggad at asal animal na miyembro ng grupo. Kulang sila ng isa. Wala ang hari ng kadiliman ngayon.

"Suck it!" Matapang kong sabi at kinuha ang bike ko para ilipat sa ibang pwesto.

Hananapin ko na lang ang gulong nito para may magawa ako. Hindi yung harapin at atupagin ang tatlong baog na itlog.

"Pasalamat ka wala si Boss kung hindi umiyak ka na." Boknoy.

Nagtawanan silang tatlo. Tinanggal ni Boknoy ang sticker sa noo niya at binilog tapos binato sa akin. Tumama ito sa noo ko at dumikit. Tawanan na naman ang mga pobreng sperm cells. Nagtitimpi lang ako at tinalikuran sila.

"Op, op, op! Saan ka naman pupunta?" Hinila ni Kyaw ang bag ko.

Sapilitan ko itong inaagaw sa kanila pero ayaw nilang ibigay. Pasalamat sila matatangkad sila at hindi ko maabot.

Si Kyaw lang naman talaga itong hindi katangkaran at kaputian sa kanila. Isa siyang walang modong football player!

"Akin na! Papansin kayong tatlo! Akin na sabi!" Pilit kong inaabot ang bag ko.

Si Kyaw, si Boknoy at si Phame! Sinusumpa ko ang tatlong ito pati na ang leader nilang niluwa ng impiyerno!

"Oh ano? Abutin mo."

Pang-aasar ni Phame ang may hikaw sa bibig, singkit at pa-famous na tennis player ng grupo bagay nga pangalan niya sa kanya. Pa-Phame-ous!

Tuloy lang sa pang-aasar sa akin si Phame habang hinahawakan ako sa ulo. Hindi tuloy ako makaalis sa kinatatayuan ko. Sumusobra na talaga ang isang ito!

Nanggigil na ako sa galit. Akmang sisipain ko sana siya sa alaga niya pero hindi ko maabot. Masyado siyang malakas.

"Tigilan niyo 'yan!" Isang lalaki ang dumating. Hinablot niya ang bag ko mula kay Phame.

Nagtataka naman ang tatlo kung bakit niya ginawa iyon. Nakatingin lang ako at nag-aabang sa gagawin niya. Sana ibalik niya ang bag ko. Sana tulungan niya naman ako.

"Oooh. Nice Heenon!" Sambit nilang lahat nang buksan niya ang zipper ng bag ko at pinataub.

Nalaglag lahat ng gamit ko. Nang maubos na ang mga laman, tumingin siya sa akin at ngumiti. Itinapon niya ang bag sa mukha ko at nahulog kaya sinalo ko agad.

Gusto ko siyang sampalin nang maghiwalay ang ulo niya sa leeg nito. Nag-iinit ako sa galit, pero hindi ako makalaban. Isa lang ako at apat sila. Pinagmamasdan ko lang ang mga gamit kong nagkalat sa sahig.

"Oh hala. Ano 'yan pre?" Kyaw.

Napatingin ako sa hawak niya. Sticker na naman. Napapikit ako nang idinikit niya ito sa noo ko. Tawanan na naman silang apat. Hindi ko alam pero hindi ako naluluha. Siguro ay nasanay na ako sa mga pinaggagawa nila sa akin.

Tinanggal ko ang sticker sa noo ko. Nakakalimang warning na ako. Napapikit na lang ako dahil sa pagtitimpi. Nilukot ko ang sticker at binato kay Heenon.

"Mga mayayabang! Eh babae lang naman ang kaya niyong labanan!" Sigaw ko.

Kaagad kong pinulot ang mga gamit ko at tumakbo papalayo. Nanggagalaiti silang apat sa ginawa ko. Basta hindi ako takot! Totoo naman eh. Matapang lang sila kasi ako ang kaharap nila.

"Baka nakakalimutan mo na nakakaapat ka na?" Paalala sa akin ni Heenon.

Lumingon lang ako at tinignan sila ng masama. Oo nakalima na ako at natatakot ako sa pwedeng mangyari pero hindi ako magpapaapekto.

"Ano ngayon? Eh pare-pareho lang naman tayong estudyante rito!" Sabat ko.

Nilapitan ako ng apat. Parang pinapatay nila ako sa mga titig nila. Natuod ako at nanlaki ang mga mata. Hinintay kong mapalapit sa akin si Heenon at saka ko sinipa ang alaga niya.

"Bwisit kang babae ka!" Sigaw niya. Namimilipit siya sa sakit na nakahawak sa pagkalalaki niya.

Agad akong tumakbo habang abala ang mga alipores niya sa kanya.

Kakainis naman! Palagi na lang ganito. Palagi na lang akong tumatakas at tumatakbo!

©xxxjustmythoughtsxxx

Fifth WarningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon