Reason Why I Got These Warnings

33 11 6
                                    

Bigla na lang bumulagta ang kawawang lalaki sa gilid ng bisekleta ko. May kapayatan siya at katangkaran. Basag ang mukha niya, may dugo siya sa labi, sa ilong at may humahabol pang lumabas dahil inuubo siya. Namimilipit siya sa sakit. Mukha yatang sinikmuraan siya kaya nakahawak siya sa tiyan nito.

"Ano ha?! Hindi ka magsasalita?!"

Nanggigigil na kinuwelyuhan ng lalaking maputi na spiky ang buhok at bukas ang tatlong butones ng inuporme. Meron siyang piercing sa bibig. Kagat labi't nandidilat ang mga mata niya habang tinitingnan ang kakawang lalaking binugbog nila. Nanunuod lang ako sa mga nangyayari. Naninigas ako. Hindi ko alam bakit ganito ang mga eksenang nakikita ko. Ang gusto ko lang naman ay pumasok at hindi maging audience ng mga nagbubugbugan.

"Matigas pre, tuluyan ko na ba?" Tanong nung lalaking may piercing sa lalaking may peklat sa mukha.


Yung peklat niya pa-diagonal ang linya. Isang inch ang dinstansya mula sa ilalim ng mata pababa sa kanyang cheekbone. Siya siguro ang leader ng grupo.

Tumango lang yung may peklat sign na sang-ayon siya sa suhestiyon ng may hikaw sa bibig.

'Yung dalawang nasa likod niya ay hinawakan yung lalaking may dugo sa mukha sinikmuraan ng may piercing. Naaawa ako. Parang nararamdaman ko rin ang sakit na nararamdaman ng kawawang binata.

"Matigas ka ha!"

Sinampal nila ito tapos binigay nila ang baseball bat sa kanilang leader at akmang hahampasin ito sa ulo. Doon na ako nakialam. Mamamatay siya kung sakaling tumama iyon sa bungo niya.

Humarang at dumipa ako habang nakayuko para hindi nila mahampas yung lalaki mahampas yung lalaki.


"Miss! Umalis ka diyan!" Singhal ng lalaking medyo tan ang kulay at naka-jersey. Isa yata ito sa mga football players ng school.

"Girlfriend yata niya, tol." Hula ng isa pa sa kanila na payat.

Fifth WarningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon