#2 BWISIT
"Hoy! R-rina! Akin na yan!" Pilit kong tinitingkayad yung bag ko mula sa kamay niya.
"Iyak ka muna? Hahaha!!"
Pochi! Onti nalang maiiyak natalaga ako RINA!!!!!
"A-akin na kasi yan!"
Tumakbo muna siya tapos binalibag niya sa lapag yung bag ko tapos mas mabilis pang tumakbo palayo.
Halos mangiyak-ngiyak akong lumapit sa bag ko at pinulot yung mga lumabas na bagay.
Ma, hanggang kailan ko pa bang magpanggap nerd?
Ganto kasi yun. Si mama, isa siyang sikat na bussiness woman na kilala ng buong mundo. Sa isang pagkakamali, naipakita niya sa world ng, parang showbiz narin, kanyang career si kuya Sooyoung ko. Dinumog sila at sa lala ng injuries ni kuya, namatay siya. Kaya ayun. Ako naman ang tinatago niya sa BUHAY NG SHOWBIZ. Pero mayaman kami. Sadyang kailangang baduy yung outfit ko para hindi sila makahalata. Hindi ko din naman kasi kamukha si mama eh. Kay papa ako mana.
Kaya ayun. Pag baduy suot, parang nerd. Pagnerd, binubully.
"Haaaay..." Pinipigilan ko lang yung pagtulo ng mga luha ko dahil may mga estudyante parin sa hallway ehh.
*KRIIIING*KRIIIING*
Yan tuloy, bell na. Ditch nalang siguro muna ako? Pagpinatagal ko tong luhang to, pagdating nila Jin mamaya ehh babaha na yung buong academy sa mga luha ko. Djk. Imposible naman yun. Pero siguro kung kila Jin, ehh kakayanin ko pang sumagot dun sa mga Unggoy nayun eh! Mahirap kasi pag girl to girl. Sabunutan, sampalan, sagutan, NAKO! Masgugustohin ko nalang uli sa public kung ganon din lang karahas ang mararanasan ko dita sa private.
Nawala na yung mga estudyanteng pakalat-kalat sa hallway kaya hinayaan ko nang tumulo yung mga luha ko at habang nangyayati yon, dinadalian kong tumakbo papunta dun sa back garden ng academy. Dun naman talaga ang tambay ko eh. Pag-umiiyak ako.
Nahiga lang ako sa grassfield. Dahil sa nakasanayan ko nang ito and sandalan ko pag-umiiyak, itinali ko yung isang comforter ko sa mga parang malalaking pako na nakatusok sa lupa dito sa isang tagong parte ng garden na may nakapalibot na maraming bulaklak tapos may bubong rin yung grassy part na hinihigaan ko. Parang gazebo na ang lapag ay yung mismong lupa. Napapalibutan siya ng matatangkad na halaman tapos isang parte ng mga halaman nayun ay nasandalan ko kaya natumba ako nun sa lupa nakita ko yung parteng to. Nagtali ako ng isang maliit na kulay dahong ribbon dun para matandaan ko.
"Waaah!!! Ano bayan ehh. I'm tired of saying tagalog too much, I'm tired of having to wear non-matching clothes, I'm tired of being bullied every single day at school. I'm tired of having to pretend being a nerd."
Life sucks for me.
---
Pa-gewang-gewang akong pumasok sa classrom namin ng aking mga bestfriend. Shemai naman kasi ehh! Epic yung itsura ni Tzuyu nung sinabi niya sakin yung dahilan. Hahaha! Nagkita kasi kami kanina sa garden tapos ayun!!
Pagka-rating ko dun, nakita kong naka-ngisi yung barkada ni Jungkook, Jimin, V at si Jin. Yung iba ay nasa ibang school Kasami rin ng mga ibang kaibigan ko. Bwisit naman! Gusto kong suntukin yang bwisit na pagmumukha ni Jin palabas ng planet Earth eh!
"Hello Mina."
Dinedma ko lang si Bwisit.
"Pabebe pa oh. Hindi mo lang ba ako papansinin?"
Tumingin lang ako sakanila habang nakataas yung kaliwang kilay ko. Nako! Kung alam lang talaga neto kung sino ako ehh! Nililigawan na ako niyan.
"Hi.." Nakakalokong sabi niya habang naka-kaway sakin.
Na-upo na ako sa upuan ko at hindi siya pinansin habang hinihintay yung mga bestfriends kong si Tzuyu at Dahyun.
---
"Mina! Mina! Mina!" *alog alog* "Pssst! Mina! Mina! Mina!" *alog uli* "HOY MYOUI MINAAAAAAAA!" Nagising ako sa isang mahimbing na tulog habang History class.
"Bakit...?" Tanong ko habang kinukusot yung mga mata ko.
"Umayos ka nga!!! Pinagigising ka ng Trigo teacher natin!!"
"Ha..? Anong ibig sabihin mo Dahyun?" Tumingin ako kay ma'am--sht.
"Are you finally awake Ms. Myoui?"
"Ah...uhmm...yes Ms. Kang."
"Very well then. Can you solve this problem on the board?"
Tinignan ko yung problem. SUS! Ang dali-dali lang eh!
Tumayo ako tapos, "Yes Ms." Dumiretso ako dun sa harap at habang sino-solve ko yung problem, biglang--
"Hahahahahaha!! Ms! Mina is having her period! Hahaha!"
Ha? Ano daw? Period? Mina? Hindi pwedeng magyari yun! Kakatapos lang ng period ko last week!
AARGHH!!!! SI BWISIT!!!!
"Ahm, M-Ms. Myoui, I...I think you should change."
Humarap ako sakanilang lahat. "Yes Ms. Kang." Bumalikwas ako ng takbo papunta sa girls locker room at nag-palit ng under-garment ko at ng palda.
"SI BWISIT TALAGAAAAAA!!!"
YOU ARE READING
BangTwice Oneshots | requests on hold
Short Story2! 3! One in a million, Annyeonghaseyo! BangTwice ibnida!!