Bulate # 1

24 0 0
                                    

(Arazel POV)

   Sa panahon ngayon, mabibilang munalang sa daliri mo ang mga taong nagbabasa sa library. Kahit wag ka na nga gumamit ng daliri bilangin mo nalang. Tingin ko nga dapat nang ilagay sa dangered species ang mga taong nag kakaintiris sa mga libro.

   At kasama na ako dun, books are my life, my whole life. Imposibleng hindi mo ako makikitang hindi nagbabasa ng libro pag nasa loob ng tricycle or jeep, bago matulog, pag walang magawa at kahit nga habang na poop ako libro ang hawak hawak at binabasa ko.

   Ang weird diba? Gusto ko na kasi mabasa lahat ng librong yun, Gusto ko na sila tapusin. Kaya hindi ako pwede mag aksaya ng kahit ilang oras, minuto o ma pa segundo man yan.


   Para matapos na din ang lahat.


   Pinasok ko pa nga ang pagiging secretary sa isang library para habang tinatapos ko lahat ng libro ay nakita ako ng pera kahit papaano. Oo, babasahin ko bawat libro sa libraring ito kasi ......


(Nag ring ang phone) *play niyo yung video para marinig niyo ringtone ni Arazel*


   Kaagad kong ni reject ang call kasi guess what, nasa trabaho ako ngayon at naka todo ang volume ng phone. Nakakainis! Nalimutan ko nanaman i-silent yung phone ko. Kaya lahat ng tao sa library ay nag tinginan sa akin. Nakakahiya bes, tapos nakita ko pang ang sama ng tingin sa akin ng Librarian. Kaya agad ako nag sorry *silent version

   'Sino ba kasi yung tumawag?' Lumabas ako para tignan yung phone ko. Syet, ang tita ko pala ang tumawag! Hindi ko akalain na tatawag tong tita ko sakin... Na mi-miss niya kaya ako? Wews... Syempre may kailangan to. Kaya agad akong tumawag pabalik sa tita ko.


"Hello? Tita?"


"Hoy Arazel! Gusto ko lang ipaalala sayo na buhay pa kami! Katagal mo naman mag padala ng pera? Baka gusto mong puntahan pa kita diyan!"


"Magpapadala po ako mamaya..."


"Aba! Kung hindi ka tatawagan hindi ka mag papadala? Wag kang mag paimportante!"


   Nakakabingi yung boses niya .... Gusto ko siyang sagutin ng pabalang para kahit mamatay ako ay wala akong pagsisihan. Pero hindi pa ngayon, makakaganti din ako sa matandang yan. Dalawang libro nalang ang natitira at pwede na ako mag pakamatay. Yun talaga ang balak ko since then na makita ko ang library na ito. Wala na akong dahilan para mabuhay.


   Pumunta ako sa isang parte ng mga book shelf para kunin ang huling dalawang libro na hindi ko pa nababasa. Pero nag bago isip ko kaya isa lang muna ang inuwi ko para bukas ko babasahin yung isa at dun na matatapos ang lahat. Habang pauwi ay dumaan ako sa isang Load station para magpadala ng pera.


   Pagkagising ko kinabukasan ay natawa ako ...hahahhahahahahha... Ito na ang last day ko. Finally, matatapos na ang lahat. Pag pasok ko sa trabaho ay napag desisyonan ko na sa bahay ko nalang babasahin ang huling liro para diretso na ako sa pagpapakamatay.


"Waaaaaaaahhhhhhhhhhh"


   Napasigaw ako sa gulat ng makitang wala na sa lalagyan ng mga libro ang huling libro na hindi ko pa nababasa.

BookwormWhere stories live. Discover now