( Arazel POV )
Sobrang liwanag, ang sakit sa mata kaya mas pipiliin mong pumikit nalang. Maya maya ay nawala na yung liwanag. Nakarinig ako nang mga busina, ingay ng mga tao at barya? Pag kadilat ko ay nakita ang isang babae na naghulog ng barya sa gilid ko. 'Ano ako pulubi?'
Asan ako? Anong lugar ito? At nasaan na yung lalaking yun. Nilibot ko yung mga mata ko, palatandaan ko ay naka grey siya na jacket. Sa hindi kalayuan ay nakakita ako ng naka grey na jacket. Agad akong tumayo sa pag kakaupo ko sa gilid ng kalsada at tumakbo papunta dun sa pinaroroonan ng lalaking nag dala sa akin sa lugar to.
"Hoy!" Sigaw ko sa kanya. Pero hindi parin siya natigil sa pag lalakad. Kaya mas binilisan ko ang pag takbo papunta sa kanya.
Konti nalang...
Konti nalang...
Nang maabutan ko siya ay hinigit ko ang hood niya sabay hila sa braso niya para maiharap ko siya sa akin!
Wait... hindi siya toh!
"What's your problem?" sabi ng lalaking pinagkamalan kong si lalaking galing libro. Hinawi niya yung kamay ko sabay tuloy sa pag lalakad.
Syete! Asan ako? Hindi ko na alam kung saan ako pupunta. Binubungo ako nang mag taong tila nag mamadali. Nararamdaman kong babagsak na ako kung mabubungo pa ako ng madaming tao. Asan na ba kasi ako? Napapikit nalamang ako.
-----
May humila sa braso ko papunta sa iskinita. Syete, mara-rape pa ata ako. Ganto yung mga nababasa ko ehh.
"Hoy! Anong ginagawa mo dito?" mga boses na nanggaling sa taong humila sa akin, teka, parang pamilyar yung boses.
Dinilat ko mga mata ko at nakita ko si lalaking galing sa libro. Naiyak nalang ako bigla, pakiramdam ko ligtas na ako. Teka, e siya nga nag dala sa akin dito.
"Malay ko! Hindi ko nga alam kung saan mo ako dinala!" Pag poprotesta ko sa kanya.
"Sige, sa ngayon sumunod ka muna sa akin!" Pag papakalma niya sa akin.
"Bakit ako sasama sayo? Hindi ko nga alam panagalan mo! Hindi mo ba alam yung 'Don't go with strangers'?"
"Talk yun! 'Don't talk to strangers'. Isa pa wala akong pangalan"
"Sinong niloloko mo? Anong walang panagalan?"
Hindi nag tagal ang aming pag uusap ng biglang...
"Help" Napalingon kami parehas ng marinig ang babaeng nahingi ng tulong. Tumayo ako ng Makita ko ang isang lalaking natakbo habang may daladalang bag ng babae. Obviously ninakaw niya yun diba! Tatakbo na ako para tumulong ng biglang hawakan ng lalaking walang pangalan yung braso ko.
"Wag..." sabi niya habang nailing.
"Ano ka ba? Kailangan nung tao ng tulong!" Pag pagpapaliwanag ko sa kanya habang tinatangal ang mahigpit niyang pag kapait sa braso ko.
"Wag..." natigilan akong ng makita ko ang reaksyon sa kanyang mga mukha. Napaka seryoso, ngayon ko palang nakita ang reaksyon niyang yon.
Nag umpisa na siyang mag lakad at sumunod nalamang ako sa kanya. Parang may gusto siyang sabihin na hindi niya masabi ng mga oras na yun.
Tumigil kami sa isang bahay at pumasok kami sa loob nito!
"Dito tayo magpapalipas ng oras!" umupo ako sa isang sulok. Masama pa rin yung loob sa mga nangyari kanina! Para bang ang sama sama tumulong sa lugar na to.
"Asan ba kasi tayo?" masungit kong pag tatanong.
"Alin? Anong lugar o anong mundo?" nag taka ako sa mga sinabi niya.
"Ha?"
"Nasa loob tayo ng libro! At kung nagtataka ka kung nasaang lugar tayo? Nasa England tayo!" England? Kaya pala kanina pa English yung mga naririnig ko.
"Nangyayari ngayon kung ano ang nangyayari sa storya! Nag umpisa yung storya ng libro kung saan tumulong yung bida sa isang nangangailangan." Pag papaliwanag niya.
"Kaya kung tinulungan mo kanina yung babae! Magiging parte ka na ng storya at pwede nun mabago ang buong libro at posibleng hindi ka na makalabas kung sakali!" Nawala yung inis ko na kanina ko pa kinikimkim.
"Ahhhhhhhh" Everything was too good to be true. Malaki ang posibilidad na panaginip lang lahat ng toh.
"Teka sinisoryoso mo ba itong mga sinasabi ko?"
"Hindi! Panaginip lang to diba?" habang natatawa kong sabi.
"Sana nga panaginip lang na may kasama akong tao sa loob ng libro pero andyan ka na ehh! Miski ako hindi makapaniwala na nakapasok ka sa loob ng libro!"
"Alam mo! Gisingin mo nalang ako para matapos na to lahat! Kurotin mo ako, BILIS"
*Kurot*
"Aray!!! Bakit mo ako Kinurot?" pag rereklamo ko
"Hala okay ka lang? Sabi mo kasi kurotin kita!" natataranta niyang sabi
"Ano nagising ka ba?" dugtong niya
Hindi nga to panaginip, bakit ako napunta sa sitwasyong to. Maya maya ay nahiga na ako dun sa kama. Dalawa naman yung kama kaya wag kayo mag isip ng out of this world na color green! Hindi ko alam kung paano ako makakatulog sitwasyong toh. Dilat na dilat parin yung mata ko habang iniisip lahat ng mga sinabi ni lalaking walang pangalan.
Maya maya pa ay...
"Nakatulog ka ba ng ayos?" Pag tatanong ni lalaking walang pangalan
"Anong pinagsasabi mo? Ehh kakahiga palang natin ahh?" pag tataka ko
"Ahhh, nalimutan kong sabihin!" teka may follow up pa?
"Ano nanaman yun? Hindi pa nga nag sink in sa utak ko yung mga kwento mo kanina! Meron ka papala nalimutan!" maiyak iyak kong pag protesta
"Talaga? Introduction palang yung kwento ko kanina!"
"Ha?" hindi ako makapaniwala sa mga sinabi niya. So may mas nakakawindang pa sa mga narinig ko kanina?
"Ahh yung sasabihin ko nga pala!" pag putol niya sa pag iisip ko.
"Oh? Ano nga yun?"
"Yung..." ayy pa-intense pa ang lalaking walang pangalan.
"Alin?"
"Yung oras kasi dito!" habang nakamot pa siya sa ulo niya.
Ng biglang...
YOU ARE READING
Bookworm
FantasyAng bawat libro ay may ibat ibang storya, isang mundong kung saan lahat ng mangyayari ay nakabase sa isang tao, ang writer. Hindi mo masasabi ang mangyayari kung hindi naman ikaw ang gumawa wag kang bida. Merong mga pangyayari o karakter na minsan...