Daniel’s POV
Eto nanaman, pasukan nanaman. Gusto nyo ba malaman kung bakit ako naging cold sa mga babae??
Ganito kasi yun.
*FLASHBACK*
Hyu: My! Gising! My! (naiyak)
Nung nakita kong nahimatay si My iyak lang ako ng iyak. Alam kong masagwang tingnan, lalaki naiyak? Pero wala na akong pakielam nun, ang importante ay si My.
Buti nalang biglang dumating yung Mommy nya at dinala na sya sa ospital. Pero ako nakatunganga lang dun, at walang magawa kung hindi umiyak. Pag kalipas ng ilang oras eh umuwi na ako.
Pero makalipas ang ilang araw ay di ko na sya nakikita, hanggang sa nagbinata na ako, walang My ang nagpakita sakin. Ang first love ko wala na, ang sakit pala, kahit bata palang ako naranasan ko na ang sakit.
*END OF FLASHBACK*
At nung nagbinata na ako ipinangako ko sa sarili ko na hindi na muli maattached sa isang babae. Kasi tama na ang ilang taong sakit na naramdaman ko, tama na, sawa na ako.
Kaya ngayon cold na ako sa mga babae yung tipong walang pakielam, kung titigan man nila ako o di kaya pag-usapan, the hell I care.
Pero bakit ganun, parang may iba? May narinig ako, at di ko alam kung bakit nagka-urge akong malaman kung sino sya.
Girl1: eh sino naman yung naka-upo?
Girl2: yiee crush mo noh? Blah blah blah...
Sino kaya sya? There’s something with her voice that reminds me of someone, someone special to me.
=================================================
Chapter number three is up!! ^^;