Confused Hearts

127 1 0
                                    

Jazz's POV

Hindi...

Hindi pwede to!!!

Next month ga-graduate na kami, oo hindi nga malaki ang tiyan ko pero paano sa mga susunod na linggo? Buwan?, Gulong-gulo na ako...

For Once I'm just an innocent girl with dreams, pero hindi ko akalain na sa isang iglap, pwede palang mawala lahat, I'm feeling empty now, feeling ko wala nang natira sa'kin, ang mga kaibigan ko nagalit na lahat sa'kin, ang meron ako? Si Josh nalang, pero paano pag nawala din siya?

Hindi ko kakayanin...

Tumingin ako sa paligid ng kwartong ito, Room 47, hinding-hindi ko ito malilimutan, madami akong ala-ala dito..

"Jazz?" napalingon ako sa direksyon ng pinto, kinusot ko din ang mga mata kong malabo na kakaiyak.

"Bakit ka ba tumakbo?... baka makasama sayo wag mo nang uulitin yun ah, baka kung mapano ka, at ang baby natin.." sabi niya sabay yakap sa'kin, hanggang kailan kami magiging ganito? Sana forever nalang kami masaya..

"Promise me you'll never leave me" bulong ko, hinawi niya yung buhok na tumatabing sa mukha ko...

"Promise, hindi ko alam ang gagawin ko pag nawala ka sa paningin ko." Biglang kumabog ang puso ko, this guy knew how to make me blush. 

"Biruin mo, next month ga-graduate na tayo, tapos honored student ka pa..." pinipilit ko nalang ngumiti.

Hindi ko kasi alam ang ire-react, mahirap kasi umasa, mahirap na eh. Lalo na't nalaman ko na lahat gagawin ng nanay niya para mailayo niya sa iba ang anak niya...

Hay! Bakit ba kasi ako nagka-boyfriend ng ganito kayaman at kaistrikto ang nanay?!

Sabagay biglaan ding naging kami kaya naman dapat wala akong isisi kahit kanino.

"Pag grumaduate tayo... wag kang aalis ah" Niyakap niya ako patalikod at pinatong ang baba niya sa balikat ko...

Sana ganito nalang lagi... Sana wala nang katapusan to...

~End of Jazz's POV

Meanwhile...

"Inspector Lamperouge, any updates?" Marahang tumikhim muna ang inspektor bago sabihin ang hinihingi ng nanay ni Joshua.

"Nakita ko po silang dalawa na pumasok sa isang OB Gyne clinic" at pinakita pa nito ang ebidensyang litrato.

"Walanghiya..." Bulong ng babae, halos malukot ang litrato sa higpit ng hawak niya.

"Humanda sa'kin ang babaeng yan.. Makikita niya..." Dagdag pa nito, tumikhim ang inspektor, napatingin naman si Mrs. Yu dito.

"Keep on tailing them, I need more information, yun lang at makakaalis ka na..." Umalis na ito at naiwan si mrs. Yu, bakas sa mukha ng babae ang galit...

Tumingin siya sa litrato at napangiwi...

"Kayang-kaya kitang tanggalin sa buhay ng anak ko... Jazz..."

Bigla namang nag-ring ang phone niya, agad niya iyong tinignan at marahan siyang napangiti nang makita yung unregistered number na yun...

Sinagot niya yun nang walang pag-aalinlangan.

"Hello? I'm glad you arrived here safe, my future daughter-in-law"

~~~~~

Matagal pa ang ending nito, tayo'y magparty at i-welcome ang bagong character! XD.

Maraming salamat nga po pala sa patuloy na pagsuporta sa istoryang ito, I really appreciate it, hindi ko inaasahang aabot ng thousand yung reads. :D

Salamat din sa naghihintay ng UD, pati sa nagvo-vote :D

'Til the next UD!

The secret behind room 47Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon