At the Beginning [1]

583 18 1
                                    

This story is a work of fiction, anything related to the place, character, incident are made by accident. Nothing is true and fact and anyone distributing it without my permission will be punish by law. PLAGIARISM IS A CRIME.

At the Beginning [1]

Dranreb B. Bautista

Hana Zyla Verrel



Hana Zyla POV

"Mom!! Promise po babalik ako, gusto ko lang po talaga makapag bakasyon sa ibang bansa" pamimilit ko sakanya.

"Hay naku Hana! Sige bahala ka..." nakasimangot na tugon ni mama saakin. Nakaupo kasi ako sa kama niya. Pinipilit ko siyang payagan niya ako sa pagunta ko sa Amerika. 1 week lang naman ang hinihingi ko sakanila ni papa.

"Yes thank you Mom. I love you talaga." Sabay kiss ko sakanya.

Lumabas ako ng kwarto ni mama na nakangiti. Hay salamat! Sa tagal tagal ngayon niya lang ako pinayagan. Sayang din kasi yung ticket ko kapag hindi nagamit. Bukas na kaya ang trip nun. Haha! Hindi ko lang talaga sinabi kay Mama kasi alam ko mas lalong hindi ako papayagan nun. Kaya mas ok nalang na tumakas ako bukas ng umaga tutal pinayagan na din naman nila ako.

Tumingin ako sa relo ko. Ala una na ng madaling araw, hindi na siguro ako matutulog alas singko kasi ang flight ko. Haha! Exciting to, first time kong hindi ko kasama ang mama at papa ko sa pagbabakasyon.

Matapos kong maligo agad akong nagbihis at dahang dahang binaba ang gamit ko. Ayoko kasing magising sila mama. Kaya dapat hindi nila marinig ang yapak ko kundi patay kang bata ka.

Sa wakas nakalabas na din ako ng Bahay. Tumawag na din ako ng taxi at maya maya dumating naman agad ito. Nang makasakay ako. Isa lang ang nasabi ko.

"Sorry Mom and Dad"

Ang sakit sa dibdib kapag alam mo sa sarili mo na hindi ka nagpaalam sa magulang mo. Hindi naman sa nagrerebelde ako. Gusto ko lang talaga ng panahon, gusto ko mag travel, gusto ko lumayo sa mga magulang ko, gusto ko iaaliw naman ang sarili ko.

Inaamin ko wala akong kaibigan kasi ayoko makipagkaibigan. Ni isa hindi ko pinangarap na magkaroon nun. Kasi alam ko lolokohin din nila ako and I hate it. Ayoko sa lahat yung niloloko ako. Ou mabait ako yun ay kung mabait ka din saakin. Pero kung hindi asahan mo mas masahol pa ako sayo. Ganun ako katindi sa mga taong umaapi saakin. Ang sabi nila spoiled daw ako sa magulang ko, pero ang hindi nila alam masyado na akong nasasakal. Yung tipong paghinga mo kailangan bilang nila. Kaya sabik ako sa kalayaan. Sabik ako na lumayo muna sakanila at lasapin ang totoong mundo.

Nakarating ako sa Airport ng maayos. Sa totoo lang hindi naman talaga ako pupunta ng ibang bansa, pupunta lang ako ng Probinsiya. Gusto ko kasi ng sariwang hangin, gusto ko yung mga puno gusto ko ang alon ng dagat. We're not Rich pero may kaya naman kami.

Narinig kung tinawag na yung Flight ko agad naman akong sumakay pumasok na sa loob at nang makarating ako sa loob ng eroplano, agad akong umupo at isinandal ang katawan ko sa sandalan. Grabe inaantok ako, haler wala kaya akong tulog! Doon ako nakapwesto sa may bintana. Habang pinikit ko ang mata ko ramdam ko na may tumabi saakin.

Ummmm ang bango niya ah, sarap amuyin. Pero dahil sa antok na antok na talaga ako, ayun tinulugan ko nalang.

IHIDEMYSELF POV

Habang natutulog si Hana at naghihilik pa. yung katabi niya ay kanina pa tingin ng tingin sakanya. Gusto din kasi nito matulog at dahil sa nahilik pa itong si Hana hindi niya magawa kasi ang ingay. Susubukan niya sanang gisingin kaso nakaramdam siya ng hiya. At baka mawala yung pag ka gwapo niya. Kahit naman gusto niya ng patayin itong si Hana sa sobrang ingay humilik hindi niya magawa kasi hindi naman siya bastos tulad ng ibang mga lalaki.

At The Beginning (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon