At The Beginning [4]

355 9 0
                                    

At The Beginning [4]

A/N: Pakiplay po ang song sa gilid----à>>>>>>>>>>>

Diyan po ako nainspire… kaya ayun naisulat ko ang story na ito. Pakiulit ulitin niyo po yung song ah… thank you :)

Hana POV

3rd Day

Paggising na paggising ko agad akong napabangon. Paano ba naman! Si Dranreb nakatayo doon sa pintuan ng kwarto ko at titig na titig na pinagmamasadan ako. Putek! Nakalimutan ko nga palang ilock ang kwarto ko.

“A-anung ginagawa mo dito” masungit na sigaw ko sakaniya.

Ngumiti na naman siya… Hindi ba siya titigil sa kakangiti niya ng ganyan.

“Haha! Ang cute mo pala kapag bagong gising…”

Inirapan ko siya… Ang aga aga mang iinis siya.! Tsss

Agad akong napatayo sa kama at diretso sa Cr. Maliligo na ako! Bahala siya diyan.

Lumingon ulit ako sakaniya… putek nakatitig parin sakin habang ang lapad ng ngiti.

“Hoy! Hindi ka pa ba aalis diyan. Ano may balak lang akong panuorin dito”

“Ou!! Kung pwede nga lang kitang panuoring maligo gagawin ko kaso-” Hindi ko na siya pinatapos, binato ko na kaagad siya ng unan. Bwisit! Ang manyak ng hinayupak na to.

“Haha! Tama na Zyla haha” patuloy ko pa din siyang pinagbabato ng unan doon. Akala mo ah!

“Ou na! aalis na ako. Tigilan mo na yan”

Susunod ka din pala. Pinapahirapan mo pa ako.

Tinigil ko ang pagbato sakaniya kasi nakita ko na ang pagsarado ng kwarto ko. Kinuha ko na ulit yung towel na nasa sahig nahulog kasi ito kanina habang binabato ko si Dranreb na manyak na yun.

“Kain na tayo” yaya niya saakin. Tapos na din kasi ako maligo at ngayon ay nagrereklamo na ang tiyan ko.

“Sige” sagot ko sakaniya.

Ganun ulit ang pwesto at ginawa namin. Inaasar niya naman ako. Bwisit talaga itong lalaking ito wala na ba siyang gagawin saakin kundi asarin sa tuwing kakain ako. Ang ayaw na ayaw ko pa naman sa lahat eh yung iniistorbo ang pagkain ko.

Katulad nung ginawa ko kahapon. Sinubo ko ulit sakaniya ang pagkaing nahawakan ko, para matapos na siya sa kakasalita. Bwisit kung ayaw niyang kumain pwes magpakain siya.

Nang matapos kaming kumain agad siyang umakyat sa kwarto niya, samantalang ako naiwan lang sa sala at nanunuod. Pagka baba niya ang dami na niyang dala. Dalawang Bag na pang Camping.

“Huy! Saan tayo pupunta?” tanong ko sakniya

Siya naman ngumiti lang at may kinuha sa Bag na hinawakan niya. Isa siyang Rubber shoes.

Nakita ko ang paglapit niya saakin at lumuhod sa kinauupuan ko agad niya ding kinuha ang paa ko.

“Teka anu  bang gagawin mo?” nagtatakang tanung ko sakaniya.

“Just wait and see”

Hindi na ako umimik matapos nun. Nagulat nalang ako sa ginawa niya. Yung sapatos na kinuha niya kanina sa bag ko. Sinuot niya iyon sa paa ko kasama na din ang medyas.

Hindi ko alam pero bumilis ang kabog ng dibdib ko sa ginawa niya. Feeling ko nga ang pula na ng mukha ko.

Nang matapos naman siya, may kinuha ulit siya sa bag at may inilabas na sumbrero at agad niya itong sinuot sa ulo ko.

At The Beginning (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon