At the Beginning [3]

713 12 0
                                    

At the Beginning [3]

Hana POV

Agad akong namangha sa nakikita ko ngayon sa tapat ko. Seriously bahay ba ang tawag niya sa bahay na ito. Eh para saakin Mansion ito eh. Grabe feeling ko. Kusina palang nila kasing laki na ng bahay namin.

“Grabe huwag ka naman obvious” napukaw ako sa pagkamangha ng biglang sumulpot sa tabi ko si Dranreb.

Ang alam ko kasi umalis siya para sabihin doon sa tagabantay dito ng Mansion na ipaayos yung sasakyan niya.

Matapos kasi naming makapagpaalam doon sa dalawang matanda, agad naman kami naghanap ng lugar na may signal para daw matawagan niya yung tagapangasiwa ng bahay nila dito sa Surigao. Sa kakahanap namin hindi din naman kami nabigo kasi medyo malapit na pala doon sa bahay nila Lola ang kabihasnan. Kaya ngayon ang resulta nakarating na kami sa bahay nila Dranreb na mukhang mansion sa sobrang laki.

“Tssss” ke aga aga iniinis niya ako. Inirapan ko nalang ulit siya.

“Ang sungit mo talaga”

“Walang pakialamanan.” Masungit na sabi ko sakaniya at agad na iginala ang tingin sa buong masion nila.

Rinig ko ang pagtawa niya ng mahina. Anu na naman kayang nakakatuwa sa sinabi ko.

“Sir! Puntahan ko lang po muna yung sasakyan niyo” rinig kung sabi nung katiwala nila. Sa halip na tumingin doon. Inaliw ko nalang ang sarili kung galain ang buong Mansion nila.

Bumalik ako sa kusina nakaramdam na kasi ako ng gutom. Pasado ala dos na ng hapon. Umupo ako sa may mesa doon, may nakahanda na kasing pagkain doon.

“Kanina pa kita hinahanap! Tatawagin sana kita para sa kumain na tayo”

“Ah” walang ganang sagot ko. Kumuha na ako ng pagkain at agad na lumamon.

“Hana!”

“Bakit” masungit na sagot ko sakaniya. Alam naman niya kasing kumakain, magasasalita pa.

“Alam mo ang init palagi ng ulo mo! Meron ka ba palagi?”

Sinamaan ko siya ng tingin…. “Kung ayaw mo manahimik. Pwes umalis kana lang. iniistorbo mo pagkain ko”

Natawa naman siya sa sinabi ko… “Sa pagkakatanda ko. Ako parin naman ang may ari ng bahay na ito. So bakit ako aalis”

Ou nga naman… “Huwag ka kasi mangistorbo alam mo namang nakain diba?” inis na sabi ko sakanya.

“Kung gusto kung mag ingay dito maghapon gagawin ko kasi pagmamayaa-ari namin ito. And besides nakalimutan mo na ba na kaya ka nan-” hindi ko na siya pinatapos sa pagkain. Sinalampak ko nalng sakanya yung Puto na naduon. Ang ingay kasi, hindi ba niya nakikita na gutom ako.

“Gutom ako. OK! Kung ayaw mong maging demonyo ako dito. Parang awa mo na pakainin mo ako”

Wala na siyang nagawa kundi sundin ang sinabi ko…

Kumain na din naman agad siya at hindi na ulit nagsalita.

Ako na ang naghugas ng pinggan, umalis kasi yung parang katulong dito.

Habang naghuhugas ako ramdam ko parin ang presensiya niya sa likod ko. Bakit ba ayaw niyang umalis sa likod ko, naiirita na ako ah…

“After mo diyan may pupuntahan tayo!” masiglang sabi niya saakin. Samantalang ako naman napaisip, saan naman kaya ako dadalhin ng lalaking ito?

Hindi ko na siya kinibo. Diba ang rason ko naman kaya ako sumama dito ay para magkaroon ng kalayaan at siya ang makakapagbigay nun saakin, basta samahan ko lang siya.

At The Beginning (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon