Chapter Three:
She will never be her.Matthew's POV
Matapos niya'ng sabihin iyon ay bigla nlng siya'ng umalis, sinubukan ko pang habulin siya pero di ko na siya nakita. Sinubukan ko rin siya'ng hanapin sa campus pero di ko din siya mahanap. Kaya napagdesisyunan ko nlng pumunta sa barkada ko.
Pag-dating ko sa bar ay agad kong nakita ang mga ugok kong kaibigan.
"Tol dito!" sigaw ni julian
Lumapit naman agad ako sa kanila at tinungga ang alak na nasa mesa. Kailangan ko to bwisit kasi. Una, kamukha ni Kylie si Cai , iniisip ko nga baka may kakambal lng si Kylie o di kaya'y sadyang magkamukha lang sila.. Meron naman kasi talagang ganon diba? Yung magkamukha kayo pero di kayo mag ka dugo..
Pangalawa, Magka- tunog ang pangalan ni Kylie at Cai. Coincidence parin ba'yun? O sadyang pinaglalaruan lang ako ng tadhana?
At Pangatlo, yung sinabi niya kanina sa Parking lot nasabi na rin yun sakin ni Kylie noon.
**FLASHBACK**
Nandito ako ngayon sa tapat ng classroom nila Kylie. Inaantay ko siya'ng lumabas. Napapansin ko kasing ilang araw niya na rin akong di pinapansin , gusto kong malaman kung bakit. Dahil sa totoo lang nasasaktan ako sa ginagawa niya'ng pagiwas sakin.
"Bes, si Matthew oh." sabi ni Charis , matalik na kaibigan ni Kylie.
Napatingin naman sakin si Kylie pero agad din siya'ng umiwas.
"A--ah b-bes ano, a-ano k-kasi a-ah t-tama m-may k-kailangan akong g-gawain. Bye." sabi niya tsaka akmang aalis pero huli na dahil nahila ko ang kamay nya palapit sakin.
Tinignan ko siya sa mata. At labis akong nag-taka sa aking nakita. Totoo bo to? Hindi naman ganito ang nasa mga mata niya dati ah. Nagpapakita ito ng lungkot.
At Sakit?
Hindi ko napigilan ang sarili ko at agad ko siya'ng niyakap. Nakakalungkot na makita yun sa mga mga mata niya.
"A-ano'ng kailangan m-mo?" nauutal niya'ng sabi.
Huminga muna ako ng malalim bago ko siya sagutin. "Iniiwasan mo ba ko?"
Nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya pero agad din naman siya'ng yumuko.
"A-ano b-bang p-pinag...."
"Alam ko. At nahahalata kong iniiwasan mo ako pero binalewala ko lang ng simula pero habang tumatagal nasasaktan ako." seryosong saad ko. Pero nagulat ako ng tumawa sya.
"Pare-pareho lang kayo. Bakit ba ang hilig niyo'ng manakit ng damdamin h-ha?" naiiyak niya'ng sabi na ikinagulat ko naman.
A-ano ba'ng pinagsasabi niya?
Tinalikuran niya ako at Umatras siya palayo sakin pero bago siya tuluyang umalis ay humarap siya muli sakin.
Napa-ngisi ako sa pag aakalang pupunta siya sakin at yayakapin ako. Pero mali, nasaktan lang ako sa ginawa niya at lalo'ng lalo na sa sinabi niya.
"Lahat kayo ay mga Manloloko." nakangiti siya pero halata'ng halata na pilit lamang ito.
Pagkatapos niya'ng sinabi yun ay tuluyan na siya'ng umalis at di na bumalik pa.
**End Of Flashback**
Napabalik naman ako sa sarili kong katinuan nang maramdaman ko ang tapik ng isa kong barkada.
BINABASA MO ANG
My Casanova Girl
RandomHindi lahat ng mahihina ay tatandang mahihina at hindi lahat ng mababait ay magiging mabait parin sa huli.. ito'y kwento ng isang dalagang mahina na kalaunan ay naging Casanova