HERE'S THE UPDATE :">
Leave comments and don't forget to vote!
Sorry, medyo hindi ito ready! Hahaha. Mianhe! ~~
STEVEN YOUNGBAE:
"Khione, wala ka bang balak pumunta sa bahay? Gusto tayong makasama nila Mommy for dinner. Tsk! Hindi mo man lang ba sila mapagbibigyan ngayon?"
Hindi ako sinagot ng kapatid ko. Nanatiling nakaupo lang siya sa kama ni Seung Hyun. Yeah, andito na naman siya sa kwarto ng kapatid namin. Dito siya laging nagpupunta kapag malungkot siya. Minsan nga dito siya nagpapalipas ng gabi.
Iniikot ko ang tingin ko sa buong kwarto, simula ng mawala ang kapatid namin, hindi namin ginalaw ang anumang gamit na andito. Pinalilinis lang namin ito kada linggo. Pero ang galawin ang mga gamit? No. Hindi namin gagawin. Si Khione na rin ang nagpasya na hayaan na lang ang kwarto ni Seung Hyun ng ganito.
Sa aming magkakapatid, mas malapit silang dalawa sa isa't isa. Sila ang madalas na magkasundo, magkasama at madalas na magkausap. Kaya napakalaki ng sakit na naramdaman ni Khione ng mawala si Seung Hyun, ganun din ang naramdaman ko pero inisip ko na lang na hindi mangyayari ang lahat ng ito ng walang dahilan.
Si Kimdie ang sinisisi ni Kuya sa lahat. Nung una nagalit rin ako sa kanya pero nawala rin ang lahat ng iyon ng maalala ko kung gaano naging masaya si Seung Hyun kay Kimdie. Hindi totoo ang nakarating kay Kimdie na may ibang babae si Seung Hyun. Masyado lang siyang mabait sa mga babae na akala ng lahat ay nagloloko na siya. Marami ang nagkakagusto sa kanya pero wala siyang lakas ng loob na saktan ang mga ito kaya naman hindi na niya kasalanan kung umaasa pa rin ang mga ito sa kanya.
"Hindi ako sasama."
Nagbalik ang tingin ko sa Kuya ko na ngayon ay nakatayo na sa gilid ng bintana at nakatingin sa labas.
"Khione, ilang buwan ka ng hindi sumasama sa bahay natin. Hindi ba pwedeng kalimutan mo na lang ang lahat at --"
"HINDI KO MAKAKALIMUTAN NG GANOON LANG KADALI IYON, STEVEN!"
"Pero, hindi magugustuhan ni Seung Hyun ang ginagawa mo kay Kimdie!"
![](https://img.wattpad.com/cover/795370-288-k551819.jpg)
BINABASA MO ANG
Deal With An Ex-Gangster.
Teen FictionEverything about he tell you was a lie. Everything about him makes you love him.. Pero, paano na lang kung.. Isa pala siyang dating GANGSTER? At ang mga lihim niya ay nabuko. Mamahalin mo parin ba siya tulad ng dati? O kamumuhian mo siya dahil sa pa...