Chappy Fifty-Four: The Reasons Behind.

5.1K 55 12
                                    

After three days, eto na naman po ulit ang update. Hahaha :)) Thank you for the votes and the comments dun sa huling chapter. I love you, guys! Hugs! :)))

No time na para basahin ulit itong update kaya sorry sa mga mali-maling words or grammar. Leave comments, Boobears!

Goodnight! :)))




Kimdie Ciarra Montresse's Point Of View:



"So, get out, get out, get out of my head! And, fall into my arms instead! I don't, I don't, don't know what it is, but I need that one thing! And, --"



"And, mukha kang bading!"




Biglang nahinto ni Lex yung sasakyan at tinitigan ako ng masama. Sobrang lakas ng tawa ko dahil sobrang talim ng tingin niya sa akin. Hahahaha! Grabe! Ang sarap biruin ni Lex! Ang kyut kyut! :)

"What the? Me? Gay? Are you kidding me, Baby Doll? Jeez!"




Tinawanan ko lang ulit siya tapos tinapik ko yung pisngi niya. Kahit mabilis lang yung pagkakadampi ko sa pisngi niya, kitang-kita ko na namula siya. Hindi ko na lang pinansin. Nginitian ko na lang siya.

"Joke lang! Hihihihi." Nag-peace sign na lang ako tapos siyempre with matching pout pa. Tapos siya naman, iiling-iling na pi-nat yung ulo ko na pabiro kong inalis.

"You're patting my head? Tssk. Anong akala mo sa akin? PUPPY?!!" 

"Yeah. You're my pretty little cute puppy!"




Pinisil niya yung cheeks ko tapos nginitian ko na lang ulit siya. Pinaandar na ulit niya yung sasakyan niya.Lumiko na kami sa street namin nila Reese tapos nag-stop kami sa harap ng house nila. Nakita ko yung mga sasakyan ng kambal at ni Cloud na naka-park sa labasNilabas ko yung cellphone ko. Tinext ko lahat ng Kuya ko para sabihin na kila Reese ako nakatulog kagabi. Alam kong nag-alala sila kasi di ako umuwi dahil puno ng names nila yung Missed Calls list ko. Buti na lang nasabi ko kay Reese na sabihin muna na sa kanila ako nakatulog para hindi sila mag-alala. Hindi ko pwedeng sabihin na nakatulog ako kila Lex dahil I'm sure na hindi nila kilala si Lex.

"Let's go, Baby Doll?"


Deal With An Ex-Gangster.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon