Prologue

1.1K 34 11
                                    

Credit to QueenJPark for making my book cover. I really love it. <3

Nagising si Zella mula sa mahimbing na pagkatulog dahil sa ingay na nanggagaling sa sala. Ang akala niya nanunuod na naman ng action movie ang kapatid niya dahil sa ingay ng sunod sunod na putok ng baril na nanggagaling sa sala. Kaya bumaba siya para sana hinaan ang volume ng TV nila ngunit iba ang kanyang nadatnan. Nagkalat ang dugo sa buong sala, nagkalat din ang mga basag na salamin. Nakita niyang nakahandusay sa sahig ang kapatid niyang lalaki na wala ng buhay at tadtad ng bala ang katawan.

Nakarinig siya ng kaluskos kaya dali dali siyang nagtago sa loob ng aparador nila. Nakita niyang pumasok ang mga di kilalang kalalakihan. Tantiya niya nasa mga limang bilang ito at armado. Naka black suit ang lahat at naka mask.

"Tingnan niyo sa itaas kung may tao pa, and you know what to do. Walang ititirang buhay." Ani ng isang lalaki na siyang pinuno sa kanila saka nagsindi ng sigarilyo.

Pinanuod lamang ni Zella ang mga ito sa loob ng naka awang na aparador na pinagtaguan niya. Pigil ang paghinga niya at pinagpawisan na rin siya dahil sa sobrang kaba at dagdagan pa ng init sa loob ng aparador.

"All cleared!" Anang ng lalaki na siyang umakyat sa second floor.

Paalis na sana ang mga ito ng may pumarada na sasakyan sa labas ng bahay. Kaya nagsitago agad ang mga kalalakihan. Nanginginig si Zella at taimtim na nanalangin na sana di niya mga magulang ang dumating ngunit kahit pilit niyang pinapaniwala sa sarili niya na hindi niya magulang yung dumating, alam niya sa sarili niya  na totoo ang kanyang hinala. Alam na alam niya ang tunog ng sasakyan ng magulang niya.

Ilang sandali pa lamang, pumasok agad ang mag asawa at nagulat sa tumambad sa kanila. Nakita nila ang kanilang isang anak na lalaki na duguan at wala ng buhay. Dali daling lumapit dito ang asawang babae ngunit di pa man siya nakalapit sa bangkay ng anak ay sinalubong agad siya sunod sunod na putok. Dali dali namang hinablot ng asawang lalaki ang kanyang baril ngunit naunahan siya ng lalaking naninigarilyo. Nakasaksak sa kamay niya ang dagger na ibinato kanina nung lalaki.

Kitang kita ni Zella ang lahat ng pangyayari. Lalo na't kaharap ng nakaawang na aparador nakatayo ang kanyang ama. Gusto niya itong tulungan ngunit anong tulong naman ang magawa niya laban sa mga armadong lalaki?

"What do you want from us?!" Matapang na tanong ng kanyang ama sa mga lalaki kahit halatang nasasaktan na ito dahil sa nakatusok na dagger sa kanang kamay.

"Sabihin na lang natin di na namin kayo kailangan." Saka sila tumawa at sabay sabay na sumugod gamit ang mga espada nila. Tadtad ng hiwa ang buong katawan nito. Nagsitalsikan ang mga dugo nito sa bawat anggulo ng sala. Di pa sila nakuntento at tinadtad nila ng bala ang buong katawan nito. Walang habas nila itong pinagbabaril.

Natutop ni Zella ang kanyang bibig at pinilit na huwag gumawa ng kunting ingay mula sa kanyang pinagtataguan. Parang sasabog na ang kanyang puso dahil sa pagpipigil ng iyak. Gusto niyang humagulgol sa iyak para mailabas ang lahat ng sakit ngunit kailangan niyang magpigil kundi siya ang isusunod ng mga ito kapag nagkataon.

Pagkalipas ng ilang minuto, umalis din agad ang mga kalalakihan. Nang matiyak ni Zella na wala na ang mga ito, saka siya lumabas sa kanyang pinagtataguan. Nanginginig siyang lumapit sa katawan ng kanyang ama saka ito niyakap ng mahigpit. Ang kaninang pagpipigil niya sa iyak ay inilabas niya. Nagsisigaw siya sa sobrang pagdadalamhati. Isa isa niyang pinagyayakap ang mga ito. Puno ng galit ang kanyang puso habang nakakuyom ang mga palad. Isang bangungot sa kanya ang araw na ito.

Hindi siya pwedeng humingi ng tulong sa mga pulis at sa kahit kanino dahil mapapahamak rin naman siya. Lalo na kung malalaman nila na mga assassin ang kanyang mga magulang.

Certified AssassinWhere stories live. Discover now