Chapter 1.

754 22 6
                                    

NAIA Terminal

Nasa NAIA na si Zella at hinihintay na lang niya ang taong siyang hinired ng Boss niya para sumundo at tumulong sa kanya. She was busy texting when someone approached her. It was a girl holding a placard and her name written on it.

"You must be Ms. Zella Marquez." Sabi nito sa kanya. Tumango lamang siya bilang sagot.

"I am Halle, your tour guide here in the Philippines and at the same time your translator. Welcome to the Philippines!" Saka tiningnan ni Zella si Halle ng matalim, na para bang kinilatis niya ito ng mabuti.

"I already told my Boss that I don't need a translator. I can speak in tagalog and I also understand your language."

"Oh well, you can't do anything about it but to follow his command. Sayang naman yung ibinayad niya kung di mo ako kakailanganin." Saka ito naunang naglakad palabas ng NAIA airport. Hindi ata kilala ni Halle kung sino kausap niya. Kung alam niya lang na assassin ito, baka umurong na siya sa trabaho na inapplyan niya. Pero dahil sa wala namang ibang binanggit ang Boss ni Zella sa kanya bukod sa magbabakasyon lang daw ito sa Pilipinas, pumayag na rin siya.

Pakiramdam ni Zella hindi niya makakasundo si Halle dahil may katigasan din ito ng ulo. Sumunod na lamang siya nito kung saan man siya dadalhin nito.

Dinala siya ni Halle sa isang condo unit sa Makati. Pagmamay ari ito ng isa sa mga member ng clan ng Russano. Kaya safe siya at wala ng dapat ipangamba.

"You can leave now." Sabi niya kay Halle saka binuksan ang pinto. Tiningnan lang siya ni Halle saka dinedma ang utos at nagpatuloy sa pag aayos ng gamit niya.

"I said you can leave, NOW!" Nagulat si Halle sa pagdiin ng pananalita ni Zella kaya huminto siya sa kanyang ginagawa at tumungo sa pinto.

"Ang sungit niyo naman po. Pati yung Boss niyo ang sungit din. Ganun ba kayong mga taga Russia?" Saka dali daling lumabas ng pinto si Halle. Nahilot ni Zella ang kanyang sintido dahil sa pakikipag usap niya kay Halle. Itinuon na lang niya ang kanyang sarili sa pag aayos ng gamit niya.

Pagkatapos ng ginawa niya ay napagpasyahan niya munang gumala sa labas.

Bukod sa condo unit na gagamitin niya, may sasakyan din siya na nakaprepara sa kanya. Nasa lobby na ito.

Napagpasyahan niyang libutin ang buong Makati. May GPS naman siya kaya di siya mawawala. Di na rin niya kinontak pa si Halle kahit nag iwan na ito ng number sa kanya.

Si Zella ang klase ng babaeng di mahilig ngumiti. Wala kang emosyong makakapa sa mukha niya. She looks innocent.

Dahil nakasanayan niyang sila ang kinatatakutan sa Russia. Nadala niya ang pag uugaling ito sa Pilipinas. Nakipagkarerahan siya sa mga sasakyan. Di rin siya sumusunod sa mga traffic rules. Kaya pinaghahabol siya ng mga pulis. Buti na lang nakalusot siya kaya di siya nito naabutan. Perks of being an assassin.

Ang OA ng mga kapulisan dito. Yun na lang ang nasabi niya sa kanyang sarili. Bumalik siya sa kanyang condo, at tinawagan si Halle para magpatulong na rin dito.

"Akala ko ba ayaw mo sa tulong ko?" Bungad agad sa kanya ni Halle pagkapasok sa unit niya.

"I changed my mind." Sagot nito saka ipinakita niya ang address kay Halle na pupuntahan nila.

"I know this place. Matanong nga kita Ms. Zella, ano ang lahi mo? Bakit nakakaintindi ka ng tagalog eh di ka naman Pinoy?"

Certified AssassinWhere stories live. Discover now