Chapter 7

151 5 0
                                    

Kim

Tunog ng tunog phone ko kaya tiningnan ko na.

36 missed calls
25 new messages

Ninety percent dun eh galing kay Cyd, nag aalala na naman siguro yun. Pero ayaw ko na muna ng kausap, gusto kong mapag isa. Uuwi naman ako mamaya.

Flashback:

"Kim, can we meet today?" Text ni Mela.

"Yeah, sure. Saan?"

"The usual. Same place, same time." Reply nya.

"Okay, see you babe."

Nagready na ko para makipagkita kay Mela. Miss na miss ko na sya, two weeks din kaming di nagkita tas di pa kami masyadong nagkakausap kahit sa text o tawag man lang. Busy sya sa practice nya with her Cignal HD team tas ang hectic naman ng schedule ko since goal namin na makapasok kami sa final four ng UAAP S76. Sa totoo lang, may practice dapat kami ngayon pero di ako sumipot. Pagtatakpan naman ako ng wafs at ni Cyd kina coach since alam nilang miss na miss ko na si Mela. Sila na bahalang magpalusot. Hahaha.

"Hey." Bati ko kay Mela sabay kiss sa pisngi nya.

"Hi." Tipid nyang sagot.

"Kumusta ka na babe? Two weeks din pala tayong di nagkita. Miss na kita, sobra." Sabi ko sabay tingin sa mga mata nya.

"O-okay na-naman ako." Kabado nyang sagot sabay iwas ng tingin.

"Di moko miss babe? Daya naman." Sabi ko with matching pouty lips.

"Kim..."

"Hmmm?"


"May sasabihin ako."


"Ano yun?"


"Let's break up."


"Nagbibiro ka ba? Di magandang biro yan."

"Seryoso nga kasi Kim!!!" Pasigaw nyang sagot.

"Bakit? Anong nagawa kong mali? Sabihin mo, wag mo lang akong iwan please."


"Di na kita mahal Kim."

"May iba ba?"

"W-wala."

"Wala naman pala. Bakit mo ko iiwan?"


"Narealize kong di pa natin kayang gawing priority ang isa't isa. Lagi tayong busy sa career natin, nawawalan na tayo ng time para sa atin, para sa relasyon natin."


"Pangako, gagawin ko lahat para maayos 'to. Wag mo lang akong iwan please."


"My decision is final, Kim."



"Mela..."


"Goodbye Kim."

"Mela..."

End of flashback...



Dalawang taon. Dalawang taon na pala pero parang kahapon lang. Dalawang taon pero ang sakit pa rin. Dalawang taon na pero mahal ko pa rin sya, mahal na mahal ko pa rin sya.

One More ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon